-
Mateo 10:2-4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
2 Ito ang 12 apostol:+ Si Simon, na tinatawag na Pedro,+ at si Andres+ na kapatid niya; si Santiago na anak ni Zebedeo at ang kapatid niyang si Juan;+ 3 si Felipe at si Bartolome;+ si Tomas+ at si Mateo+ na maniningil ng buwis; si Santiago na anak ni Alfeo at si Tadeo; 4 si Simon na Cananeo; at si Hudas Iscariote, na bandang huli ay nagtraidor sa kaniya.+
-
-
Marcos 3:14-19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
14 At pumili* siya ng 12 at tinawag niya silang mga apostol. Sila ang makakasama niya at isusugo para mangaral+ 15 at bibigyan ng awtoridad na magpalayas ng mga demonyo.+
16 At ang 12+ pinili* niya ay si Simon, na binigyan din niya ng pangalang Pedro,+ 17 si Santiago na anak ni Zebedeo at si Juan na kapatid ni Santiago (binigyan din niya ang mga ito ng pangalang Boanerges, na nangangahulugang “Mga Anak ng Kulog”),+ 18 si Andres, si Felipe, si Bartolome,+ si Mateo, si Tomas, si Santiago na anak ni Alfeo, si Tadeo, si Simon na Cananeo, 19 at si Hudas Iscariote, na bandang huli ay nagtraidor sa kaniya.
Pagkatapos ay pumasok si Jesus sa isang bahay,
-