-
Mateo 6:25-30Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
25 “Kaya sinasabi ko sa inyo: Huwag na kayong mag-alala+ kung ano ang kakainin o iinumin ninyo, o kung ano ang isusuot ninyo.+ Hindi ba mas mahalaga ang buhay kaysa sa pagkain at ang katawan kaysa sa pananamit?+ 26 Tingnan ninyong mabuti ang mga ibon sa langit;+ hindi sila nagtatanim o umaani o nagtitipon sa kamalig,* pero pinakakain sila ng inyong Ama sa langit. Hindi ba mas mahalaga kayo kaysa sa kanila? 27 Sino sa inyo ang makapagpapahaba nang kahit kaunti sa buhay niya dahil sa pag-aalala?+ 28 At bakit kayo nag-aalala tungkol sa pananamit? Matuto kayo mula sa mga liryo na tumutubo sa parang; hindi sila nagtatrabaho o nananahi; 29 pero sinasabi ko sa inyo na kahit si Solomon,+ sa kabila ng karangyaan niya, ay hindi nakapagdamit na gaya ng isa sa mga ito. 30 Kung ganito dinaramtan ng Diyos ang pananim, na nasa parang ngayon at bukas ay ihahagis sa pugon, hindi ba mas gugustuhin niyang damtan kayo, kayo na may maliit na pananampalataya?
-