-
Mateo 20:17-19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
17 Habang papunta sa Jerusalem, ibinukod ni Jesus ang 12 alagad. Sinabi niya sa kanila sa daan:+ 18 “Makinig kayo. Pupunta tayo sa Jerusalem, at ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga punong saserdote at mga eskriba. Hahatulan nila siya ng kamatayan+ 19 at ibibigay sa mga tao ng ibang mga bansa para tuyain at hagupitin at ibayubay sa tulos;+ at sa ikatlong araw ay bubuhayin siyang muli.”+
-
-
Marcos 10:32-34Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
32 Si Jesus at ang mga alagad niya ay papunta ngayon sa Jerusalem, at nauuna sa kanila si Jesus. Namangha ang mga alagad, pero ang mga sumusunod sa kanila ay natakot. Muling ibinukod ni Jesus ang 12 apostol at sinabi sa kanila ang mga bagay na ito na mangyayari sa kaniya:+ 33 “Makinig kayo. Pupunta tayo sa Jerusalem, at ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga punong saserdote at mga eskriba. Hahatulan nila siya ng kamatayan at ibibigay sa mga tao ng ibang mga bansa, 34 at tutuyain siya ng mga ito, duduraan,+ hahagupitin, at papatayin, pero pagkaraan ng tatlong araw ay mabubuhay siyang muli.”+
-