Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 26:6-10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6 Habang si Jesus ay nasa Betania sa bahay ni Simon na ketongin,+ 7 isang babae na may dalang mamahalin at mabangong langis na nasa boteng alabastro ang lumapit sa kaniya, at ibinuhos nito ang langis sa ulo niya habang nakaupo siya para kumain.* 8 Nang makita ito ng mga alagad, nagalit sila at sinabi nila: “Bakit siya nag-aaksaya? 9 Puwede sanang ipagbili iyan sa malaking halaga at ibigay ang pera sa mahihirap.” 10 Alam ni Jesus ang pinag-uusapan nila, kaya sinabi niya sa kanila: “Bakit ninyo ginugulo ang babae? Mabuti ang ginawa niya sa akin.

  • Marcos 14:3-6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3 At habang siya ay nasa Betania at kumakain* sa bahay ni Simon na ketongin, isang babae ang dumating na may boteng alabastro na naglalaman ng mabangong langis na gawa sa nardo, puro at napakamamahalin. Binuksan niya ang boteng alabastro at ibinuhos ang langis sa ulo ni Jesus.+ 4 Dahil dito, nagalit ang ilan at sinabi nila sa isa’t isa: “Bakit niya inaaksaya ang mabangong langis? 5 Puwede sanang ipagbili ang mabangong langis na iyan sa mahigit na 300 denario+ at ibigay ang pera sa mahihirap!” At inis na inis sila sa babae.* 6 Pero sinabi ni Jesus: “Hayaan ninyo siya. Bakit ninyo siya ginugulo? Mabuti ang ginawa niya sa akin.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share