Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 26:6-9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6 Habang si Jesus ay nasa Betania sa bahay ni Simon na ketongin,+ 7 isang babae na may dalang mamahalin at mabangong langis na nasa boteng alabastro ang lumapit sa kaniya, at ibinuhos nito ang langis sa ulo niya habang nakaupo siya para kumain.* 8 Nang makita ito ng mga alagad, nagalit sila at sinabi nila: “Bakit siya nag-aaksaya? 9 Puwede sanang ipagbili iyan sa malaking halaga at ibigay ang pera sa mahihirap.”

  • Lucas 7:37
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 37 At nalaman ng isang babae, na kilalang makasalanan sa lunsod, na kumakain* si Jesus sa bahay ng Pariseo, kaya nagdala siya ng mabangong langis na nasa bote ng alabastro.*+

  • Juan 12:2-6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2 Kaya naghanda sila ng hapunan para sa kaniya, at si Marta ang nagsisilbi ng pagkain sa kanila,+ habang si Lazaro ay isa sa mga kumakaing* kasama niya. 3 At kumuha si Maria ng isang libra ng mabangong langis na gawa sa nardo, puro at napakamamahalin, at ibinuhos iyon sa mga paa ni Jesus at pinunasan ang mga paa nito ng kaniyang buhok.+ Amoy na amoy sa buong bahay ang mabangong langis.+ 4 Pero sinabi ni Hudas Iscariote,+ isa sa mga alagad niya at malapit nang magtraidor sa kaniya: 5 “Bakit hindi na lang ipinagbili ang mabangong langis na ito sa halagang 300 denario at ibinigay sa mahihirap?” 6 Pero sinabi niya ito hindi dahil sa naaawa siya sa mahihirap, kundi dahil magnanakaw siya at nasa kaniya ang kahon ng pera at dati na niyang ninanakaw ang perang inilalagay roon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share