Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Roma 8:36
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 36 Gaya ng nasusulat: “Dahil sa iyo ay pinapatay kami buong araw; para kaming mga tupang papatayin.”+

  • 2 Corinto 11:23-27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 23 Lingkod ba sila ni Kristo? Sasagot akong gaya ng isang baliw, di-hamak na nakahihigit ako sa kanila: mas marami akong ginawa,+ mas madalas akong nabilanggo,+ napakaraming hampas ang tiniis ko, at maraming beses akong nalagay sa bingit ng kamatayan.+ 24 Limang beses akong tumanggap sa mga Judio ng 40 hampas na kulang ng isa,+ 25 tatlong beses akong pinaghahampas,+ minsan akong pinagbabato,+ tatlong beses na nawasak ang barkong sinasakyan ko,+ at isang gabi at isang araw akong nasa gitna ng dagat; 26 sa madalas kong paglalakbay, ilang beses akong nanganib sa mga ilog, sa mga magnanakaw, sa mga kalahi ko,+ sa ibang mga bansa,+ sa lunsod,+ sa ilang, sa dagat, at sa gitna ng nagkukunwaring mga kapatid; 27 nagtrabaho rin ako nang mabigat at nagpakahirap, maraming beses akong hindi makatulog sa gabi,+ nagutom ako at nauhaw,+ madalas akong walang pagkain,+ at gininaw ako at walang maisuot.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share