-
Lucas 2:21-23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
21 Pagkalipas ng walong araw, nang panahon na para tuliin ang sanggol,+ tinawag siyang Jesus, ang pangalang sinabi ng anghel bago pa siya ipagbuntis.+
22 Gayundin, nang panahon na para sa pagpapabanal sa kanila ayon sa Kautusan ni Moises,+ dinala nila siya* sa Jerusalem para iharap kay Jehova, 23 gaya ng nakasulat sa Kautusan ni Jehova: “Ang bawat panganay na lalaki* ay dapat ialay kay Jehova.”+
-