Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 4/8 p. 12-13
  • Mga Kredo—May Dako Ba sa Tunay na Pagsamba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Kredo—May Dako Ba sa Tunay na Pagsamba?
  • Gumising!—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Si Kristo ba at ang mga Apostol ay Gumamit ng mga Kredo?
  • Kung Paano Patutunayan na “Ako’y Sumasampalataya”
  • Dapat Ka Bang Maniwala sa Trinidad?
    Gumising!—2013
  • Bahagi 4—Kailan at Papaano Nabuo ang Doktrina ng Trinidad?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Pinaniniwalaan ba ng Lahat ng Klerigo ang Itinuturo Nila?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Papaano Nabuo ang Doktrina ng Trinidad?
    Dapat Ba Kayong Maniwala sa Trinidad?
Gumising!—1986
g86 4/8 p. 12-13

Ang Pangmalas ng Bibliya

Mga Kredo​—May Dako Ba sa Tunay na Pagsamba?

“AKO’Y sumasampalataya sa Diyos Ama na Makapangyarihan-sa-lahat, ang Maygawa ng langit at lupa, at kay Jesu-Kristo . . . ”

Nakikilala mo ba ang mga salitang iyon? Angaw-angaw na mga Katoliko at mga Protestante ang bumibigkas nito, o ang mga kahawig nito, bilang deklarasyon o pagpapahayag ng kanilang relihiyosong mga paniniwala. Karaniwang tinatawag na “Apostle’s Creed,” ito pati na ang iba pang mga kredo, gaya ng mga kredong Athanasian at Nicene, ay nagkaroon ng mahalagang dako sa pangmadlang pagsamba sa mga iglesya o relihiyon ng Sangkakristiyanuhan.

Dahil dito, bumabangon ang mga katanungan: Ang mga kredo ba ay mahalaga sa pananampalataya at pagkakaisang Kristiyano? Si Jesu-Kristo ba at ang mga apostol ay bumigkas ng mga kredo? Binabanggit ba ito ng Bibliya?

Ang pamantayang mga reperensiyang aklat, gaya ng Encyclopædia of Religion and Ethics ni Hasting at ang Cyclopedia nina McClintock & Strong ay nagsasabi sa atin na ang mga kredo ng simbahan gaya ng pagkaalam natin sa mga ito ngayon ay nagmula sa mga kumpesyon o kumpisal sa bautismo na ginamit sa sinaunang mga iglesya. Kailangang ipakita ng mga kandidato na tinatanggap nila sa paano man ang mahalagang mga paniniwala sa pamamagitan ng pagbigkas ng pormal na buod nito. Marami pang gayong mga kumpesyon, at ang mga iglesya sa iba’t ibang dako ay may kani-kanilang bersiyon. Noon lamang ikaapat na siglo na ang ilang mga kredo ay naging bantog kaysa sa iba.

Mula sa kasaysayang ito, maliwanag na ang mga kredo ay ginamit bilang isang paraan upang bigyan-kahulugan ang mga paniniwala ng isang iglesya upang mapaiba ito sa ibang mga iglesya. Nagkaroon ng sarisaring mga kredo habang ang mga pagbabago sa doktrina ay tinatanggap. Halimbawa, sa Konsilyo ng Nicaea, ang pahayag na ang Anak ay ‘kaisang sustansiya’ ng Ama ay idinagdag sa mas naunang kredo sa bautismo. At sa Konsilyo sa Constantinople idinagdag pa ang pahayag na ang banal na espiritu ay ‘sinamba at niluwalhating kasama ng Ama at ng Anak.’

Kapuna-puna, bagaman ang mga kredo ay ginawa sa loob ng mahabang panahon, sang-ayon kay Avery Dulles ng Catholic University of America, “marahil ay walang yugto sa kasaysayan na nakakita ng gayong pagsagana ng bagong mga pormula sa kredo na gaya ng sa atin.” Ngayon, sa gitna ng mga relihiyon sa Sangkakristiyanuhan, “mayroong mahigit na 150 opisyal na kinikilalang mga kredo at mga kumpesyon,” sabi ng Encyclopædia Britannica.

Si Kristo ba at ang mga Apostol ay Gumamit ng mga Kredo?

Noong gabi bago siya magdusa, si Jesu-Kristo ay nanalangin sa kaniyang makalangit na Ama tungkol sa kaniyang mga alagad: “Pakabanalin mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo ay katotohanan.” (Juan 17:17) Siya ay nananalangin upang ang kaniyang mga alagad ay pakabanalin, o ibukod. Subalit binanggit ba niya ang anumang nasusulat na kodigo o kredo? Hindi! Bagkus, ipinakita niya na ang sinabi ng Diyos, gaya ng nakaulat sa Bibliya, ay magbubukod sa kanila mula sa iba.

Nang tinatalakay ang tungkol sa panalangin, sabi ni Jesus: “Huwag kayong gagamit ng paulit-ulit na salita.” (Mateo 6:7) Yamang hindi sinasang-ayunan ni Jesus ang paulit-ulit na nasusulat o kabisadong mga panalangin, hindi ba makatuwiran na hindi rin niya sinasang-ayunan ang pagbigkas ng mga kredo sa pangmadlang pagsamba? Ang totoo wala saanman sa Bibliya masusumpungan natin ang anumang pagbanggit sa paggamit o pagtuturo ni Jesus sa kaninuman na gumamit ng mga kredo sa pagsamba. “Ang Diyos ay isang Espiritu,” sabi niya, “at yaong mga sumasamba sa kaniya ay kinakailangang sumamba sa kaniya sa espiritu at katotohanan.”​—Juan 4:24.

Ano, kung gayon, ang tungkol sa Apostle’s Creed? Dahilan sa pangalan nito, maraming tao ang naniniwala na ito ay aktuwal na ginawa ng mga apostol ni Jesu-Kristo. Sa katunayan, sinasabi pa nga ng iba na ang bawat apostol ay nagbigay ng isang pangungusap sa pagbuo ng kredong ito.

Sa puntong ito, si Propesor G. C. Stead ay sumulat sa The Expository Times: “Sinumang malawakang nakabasa sa sinaunang mga lathalaing Kristiyano ay magkakaroon ng isang kakaibang konklusyon.” Ikinatuwiran niya na kung mayroong umiiral na pormal na kredong idinisenyo at sinang-ayunan ng mga apostol, magiging mahirap ipaliwanag kung bakit napakaraming iba’t ibang ‘mga kumpesyon’ at ‘mga pahayag ng pananampalataya’ na umiiral sa gitna ng sinaunang mga iglesya. Ang totoo ay na “isang kapahayagan ng paniniwalang Kristiyano na halos kahawig ng pananalita sa Apostle’s Creed ay hindi masumpungan sa anumang natitirang kasulatan na mas maaga kaysa A.D. 340.”

Binabanggit ng Bibliya, sa Gawa kabanata 15, ang tungkol sa isang konsilyo ng mga apostol at matatandang lalaki sa Jerusalem. Subalit ang layunin ng miting na iyon ay hindi upang bumuo o susugan ang isang kredo kundi upang isaalang-alang kung kinakailangan bang tuliin ang mga Kristiyanong Gentil.

Kung Paano Patutunayan na “Ako’y Sumasampalataya”

Ang panimulang mga salita ng isang kredo ay walang pagbabago, “Ako’y sumasampalataya” o, “Kami’y sumasampalataya.” Ang pananalitang ito ay isinalin mula sa salitang Latin na “credo,” kung saan nanggaling ang salitang “creed” (kredo). Subalit ang pag-uulit ba ng gayong mga salita ay nagpapatunay na ang isa ay talagang sumasampalataya?

Sa bantog na Sermon sa Bundok, sinabi ni Jesus: “Hindi bawat nagsasabi sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.” Hinatulan din niya ang mga relihiyonista ng kaniyang kaarawan na nanghahawakan sa mga tradisyon ng tao.​—Mateo 7:21; 15:8.

Ano ang matututuhan natin sa mga salita ni Jesus? Na walang halaga sa paningin ng Diyos ang basta pag-uulit ng kung ano ang sinasabing pinaniniwalaan ng isa. Bagkus, ang “paggawa ng kalooban ng Ama [ni Jesus]” ang siyang nagdadala ng pagsang-ayon ng Diyos.

Upang malaman kung ano ang kalooban ng Diyos, ang isa ay dapat na bumaling sa Bibliya at masikap na pag-aralan ito. Sa gayon, sa halip na pagsasaulo o pag-uulit ng mga kredo, dapat nating gawin ang sinabi ni Jesus sa panalangin sa kaniyang Ama: “Ito’y nangangahulugan ng buhay na walang hanggan, ang kanilang pagkuha ng kaalaman tungkol sa iyo, ang tanging tunay na Diyos, at sa isa na iyong sinugo, si Jesu-Kristo.”​—Juan 17:3.

[Larawan sa pahina 13]

Ako’y sumasampalataya . . . Ako’y sumasampalataya . . .

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share