Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 6/8 p. 18-19
  • Ang Kaso sa Dugo ay Napaulong Balita sa Hapón

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kaso sa Dugo ay Napaulong Balita sa Hapón
  • Gumising!—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Kaso na Gumitla sa Hapón
  • Pagliligtas sa Buhay sa Pamamagitan ng Dugo—Papaano?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Dugo
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Pagsasalin ng Dugo?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Tungkulin ng Isang Doktor
    Gumising!—1992
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 6/8 p. 18-19

Ang Kaso sa Dugo ay Napaulong Balita sa Hapón

“PATULOY na layuan ninyo ang . . . dugo.” Ang maliwanag na utos na ito ay iniulat sa Bibliya sa Gawa 15:29. Ito ay bahagi ng pasiya ng lupong tagapamahala ng kongregasyong Kristiyano noong unang siglo at nakatala sa kinasihang Salita ng Diyos bilang tagubilin sa mga Kristiyano hanggang sa panahong ito.

Gayunman, ang banal na kahilingang ito ay hindi bago sa unang siglo. Ang paglayo sa dugo ay iniutos 3,500 taon na ang nakalipas sa Kautusan ni Moises, gaya ng binabanggit sa Levitico 17:10-16. Sa katunayan, isang kahawig na utos ang ibinigay mahigit nang 4,300 taon ang nakalipas kay Noe, ang pinagmulan ng lahat ng tao sa lupa ngayon. Mababasa natin ito sa Genesis 9:4: “Tanging ang laman na may kaluluwa​—ang dugo nito​—ang huwag ninyong kakainin.”

Mula sa mga kasulatang ito maliwanag doon sa mga namumuhay ayon sa Bibliya na ang dugo ay mahalaga sa paningin ng Diyos. Bilang ang Maylikha ng tao at ang Tagapaglaan ng daloy na ito ng buhay, siya ang Isa na wastong makapagsasabi kung paano dapat gamitin ang dugo. Kung hindi ito dapat kainin upang sustinihan ang buhay, kung gayon makatuwiran na hindi ito dapat gamitin upang sustinihan ang buhay sa pamamagitan ng pagsasaksak nito sa ugat o pagsasalin ng dugo. Yaong mga sumasamba sa Diyos ng Bibliya ay maingat na sinusunod ang kaniyang mga kahilingan. At mula sa kaniyang punto de vista, ang paglayo sa dugo ay kasinghalaga ng paglayo sa idolatriya at pakikiapid, gaya ng malinaw na ipinakikita ng kasulatan sa Gawa 15:28 at 29.

Isang Kaso na Gumitla sa Hapón

Noong Hunyo 6, 1985, sa ganap na ika-4:35 n.h., ang sampung-taóng-gulang na si Dai Suzuki ay nagbibisikleta. Siya ay patungo sa pag-ensayo ng kaniyang unang pahayag na ihaharap sa Teokratikong Paaralan sa Pagmiministro sa Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova sa dakong iyon. Huminto siya sa isang traffic light sa pagitan ng isang malaking dump truck at guardrail. Nang sumindi ang berdeng ilaw, pinatakbo ni Dai ang kaniyang bisikleta. Siya ay nasabit sa malaking likurang gulong ng trak at bumagsak, at nadurog ang kaniyang paa. Gayon na lamang ang pagdurugo ng kaniyang sugat. Limang oras pagkaraang madala sa isang malapit na ospital, si Dai ay namatay dahilan sa kaniyang pinsala.

Ang pangyayaring ito ay napabalita sa buong bansa. Ang gumawa ritong balita ay ang bagay na tinanggihan ng mga magulang ang pagpapasalin ng dugo. Ang ama ni Dai ay nakikipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova, at ang kaniyang ina ay isa nang bautismadong Saksi. Salig sa relihiyosong mga kadahilanan, matatag nilang tinanggihan ang mga pagsusumamo na pahintulutang salinan ng dugo. Tinatakan pa nga nila ang kanilang nasusulat na pagtanggi sa pamamagitan ng mga tatak ng daliri, na legal na mabisa kung ang isang tao ay walang taglay na opisyal na pantatak nang panahong iyon. Itinuring nila na wastong sundin ang mga Kasulatan kung saan walang pagbabagong iniutos ng Diyos sa kaniyang mga lingkod na ‘lumayo sa dugo.’

Nang panahong iyon, ang mga magulang ay pinangbantaang ipagsasakdal sa salang pagpatay kung ang bata ay mamatay dahilan sa hindi pagpapahintulot sa pagsasalin ng dugo. Gayunman, ipinakita ng maingat na awtopsiya ng dakong huli na ang kamatayan ay hindi dahilan sa anumang kapabayaan sa bahagi ng mga magulang o ng ospital. Kaya, walang iniharap na paratang.

Tatlong pangunahing pambansang mga pahayagan ng Hapón, pati na ang kilalang mga pahayagan sa kanilang lugar, ay sumulat ng mahabang mga artikulo tungkol sa kaso. Ito ay ipinahayag din sa mga balita sa TV at radyo. Sa ganitong paraan matinding pinukaw ng media ang sentimiyento ng bayan, at karaniwan nang sa gayong emosyonal na mga kaso, lubha nilang pinipilipit ang mga katotohanan. Karamihan ng mga artikulo ay nakagagalit.

Gayunman, isang komentarista ang umamin na ang mga Haponés ay hindi sanay sa gayon katinding relihiyosong paniniwala na gaya ng ipinakita ng pamilyang Suzuki. Sabi niya na ‘kung ang pagsasalin ay ipinilit sa pasyente at siya ay nabuhay, kapuwa ang mga magulang at ang pasyente ay pasasailalim ng mas masidhing pagpapahirap kaysa kung ito ay namatay.’ Batay rito, inaakala niya na hindi nga maaaring hatulan ng isa ang pananampalataya ng iba.

Pinalaki ng Haponés na mga network ng telebisyon ang kaso, sa pamamagitan ng pagpukaw sa emosyonal na mga maling akala. Subalit mula sa pangmalas ng pamilyang Suzuki, mahalagang sundin ang malinaw na mga tagubilin ng Diyos ng Bibliya. Kaya sinunod ng maibigin, may takot sa Diyos na mga magulang ang utos ng Bibliya, “Layuan ninyo ang . . . dugo.” (Gawa 15:20, 29; 21:25) Ang bagay na ang paglayo sa dugo ay idiniin sa tatlong magkaibang talata sa aklat ng Gawa, at na ito ay isinama sa pag-iwas sa idolatriya at pakikiapid, ay nagpapakita kung gaano kaselang minamalas ng Maylikha ang bagay na ito.

Sakali mang mamatay ang isang tapat na Kristiyano dahilan sa pagtanggi sa dugo, ang isang iyon ay tiyak na bubuhaying-muli sa itinakdang panahon ng Diyos, ayon sa Kaniyang pangako. May pagtitiwalang masasabi ng mga magulang ni Dai, gaya ng sinabi ni Marta tungkol sa kaniyang kapatid na si Lazaro, “Nalalaman ko na siya’y magbabangon uli sa pagkabuhay-muli sa huling araw.”​—Juan 11:24; 5:28, 29.

Ang usapin ng mga Saksi ni Jehova ay isang relihiyosong isyu. Totoo, maaari ring ikatuwiran na sa maraming kaso mas kaunting panganib sa pagtanggi sa pagsasalin ng dugo kaysa sa pagpapasalin, sapagkat ang isa ay naiingatan laban sa malubhang mga karamdaman na nakukuha mula sa pagsasalin ng dugo, gaya ng AIDS at hepatitis. Gayunman, sa Kristiyano, na sumusunod sa Salita ng Diyos, ito ay pangalawahing bagay lamang. Ang pangunahing bagay ay sundin at manatili sa pagsang-ayon ng Tagapagbigay-buhay, ang Diyos na Jehova, na makabibigay rin ng buhay na walang hanggan.​—Awit 36:9; Roma 2:6, 7.

Maaaring mangailangan ito ng ilang pagsasakripisyo para sa isang tapat na Kristiyano na manindigan sa utos ng Bibliya na ‘patuloy na layuan ninyo ang dugo.’ Gayunman, ang pagsasakripisyo-sa-sarili ay isang kagalingan na kinikilala sa maraming lipunan, at ang pagsasakripisyo-sa-sarili bilang pagsunod sa Maylikha ay tiyak na magdadala ng kaniyang ngiti ng pagsang-ayon.​—Lucas 9:23, 24.

Matatag na pinili ng pamilyang Suzuki na sundin ang tagubilin ng Bibliya bilang pagsunod sa Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat, sa kabila ng emosyonal na panggigipit mula sa mga hindi nakakaunawa sa nasasangkot na simulain. (Gawa 5:29) Harinawang patuloy na kandiliin ng “Diyos ng lahat ng kaaliwan” ang pamilyang ito sa kanilang integridad at ipagkaloob sa kanila ang isang dakilang pagpapala sa pagkabuhay-muli!​—2 Corinto 1:3, 4.

[Larawan sa pahina 19]

Si Dai nang siya’y magsimula sa unang baitang noong 1981

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share