Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 6/8 p. 29-31
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Pagtahimik
  • Pinawalang-bisa ang Batas Tungkol sa Sekso
  • ‘Time-Bomb na Tubig’
  • “Mga Karapatan ng Hindi Pa Isinisilang na Sanggol”
  • Mahirap na Paglipat
  • Mga Panganib ng Ouija Board
  • Malamlam na Liwanag para sa mga Sanggol
  • Ilado-Pinatuyong mga Alagang Hayop?
  • Pagtuturong Bumasa
  • Halaga ng Implasyon
  • Sino ang Nagnanakaw sa mga Bangko?
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1985
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1985
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1986
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1989
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 6/8 p. 29-31

Pagmamasid sa Daigdig

Pagtahimik

Pagkatapos banggitin ang maraming mga halimbawa kung saan ang mga Saksi ni Jehova ay naging tudlaan ng “itinaguyod-pamahalaang relihiyosong pagkapanatiko” sa maraming bansa, isang ulat sa The Wall Street Journal ay nagpapatuloy: “Isang paraan upang tantiyahin ang saloobin ng mga pamahalaan sa pambuong-daigdig na isyu tungkol sa kalayaan ng relihiyon ay tingnan kung ano ang isinagawa ng UN sa dakong iyon. Ang sagot ay na​—kung ihahambing sa gawain nito tungkol sa pagtatangi ng lahi sa dakong iyon​—ang UN ay kaunti ang nagawa upang sugpuin ang itinaguyod-pamahalaang relihiyosong pagkapanatiko.” Subalit hindi nag-iisa ang UN sa pananatiling tahimik tungkol sa bagay na ito. “Bagaman maaaring asahan ng isa ang hindi pagkilos ng UN sa pulitikal na larangan,” sabi ng artikulo, “ang kakulangan ng komento ng mga intelektuwal tungkol sa relihiyosong kalayaan ay higit na nakababahala. Ang isa ay maaaring makabasa ng di-mabilang na mga aklat at mga artikulo tungkol sa Aprika at kailanman ay hindi makabasa tungkol sa mga Saksi ni Jehova; ang isa’y maaaring makabasa ng mga tomo tungkol sa Unyong Sobyet gayunma’y kaunti lamang ang matutuhan tungkol sa pakikitungo nito sa relihiyosong mga mananampalataya.”

Pinawalang-bisa ang Batas Tungkol sa Sekso

Isang hukom sa Canada ang nagpasiya na isang bahagi ng kriminal na tuntunin ay hindi ayon sa konstitusyon sapagkat ito ay nagtatangi laban sa mga lalaki na nais makipagtalik sa mga babaing wala pang edad 14. Binabanggit ng The Toronto Star na pinawalang saysay ng hukom sa pandistritong hukuman ang mga paratang laban sa 21-taóng-gulang na lalaki sa London, Ontario, na pinaratangan na nakipagtalik sa isang 13-taóng-gulang na babae. Nagkukomento tungkol sa batayan ng kaniyang disisyon, sinabi ni Hukom Killeen na ang batas ay hindi na “makatuwiran sa 1985.”

‘Time-Bomb na Tubig’

Ang antas ng tubig sa ilalim ng pangunahing mga lunsod ng Britaniya ay patuloy na tumataas sa punto na “isinasapanganib ang mga tunel, mga pundasyon at pati na ang malalim na mga silong,” sabi ng Daily Telegraph ng London. Sa loob ng dalawang daang taon, ang mga pabrika ay nagbomba ng angaw-angaw na galon ng tubig upang sapatan ang pangangailangan ng industriya. Ngayon ang paglilipat ng mga pabrika sa labas ng malalaking lunsod at ang pangkalahatang pagbaba ng industriya ay nagbangon ng pangamba sa kung ano ang tinatawag ng mga dalubhasa sa inhinyeryang sibil na isang “time-bomb.” Isinisiwalat ng nag-uulat ng antas ng tubig sa London ang isang pagtaas ng halos tatlong piye (1 m) isang taon mula noong maagang 1970’s. Malubhang mga problema ang iniulat mula sa Liverpool at Birmingham, kung saan ang kagamitan sa pagbubomba ay umaandar na upang panatilihing nagagamit ang mga tunel na dinaraanan ng tren at ang mga tubo ng kable.

“Mga Karapatan ng Hindi Pa Isinisilang na Sanggol”

Isang tatlong-taon-haba na legal na kagusutan tungkol sa kung ano ang gagawin sa 16,433 mga inilaglag na di pa isinisilang na sanggol ang nalutas kamakailan. Ang mga ito ay natuklasan noong 1982 sa isang dako sa Los Angeles, na ipreniserba sa isang sisidlang bakal. Nais ng mga laban sa aborsiyon na bigyan ang mga ito ng isang relihiyosong libing, subalit ito ay sinalansang ng mga pangkat ng kababaihan at kalayaang sibil. Ipinasiya ng Korte Suprema ng Estados Unidos na ang paglilibing sa di pa isinisilang na mga sanggol sa alinmang relihiyon ay lalabag sa paghihiwalay ng Iglesya at Estado. Ang kompromisong solusyon ay bigyan ang di pa isinisilang na mga sanggol ng isang hindi relihiyosong libing. Ang mga ito ay inilagay sa anim na tulad-kabaong na mga kahon at inilibing sa tatlong walang palatandaang libingan. Ganito ang ipinadalang mensahe ni Presidente Reagan doon sa mga nagkatipon para sa libing: “Mula sa walang malay na mga patay na ito, magkaroon nawa tayo ng higit na debosyon sa kapakanan ng pagsasauli ng karapatan sa mga di pa isinisilang.”

Mahirap na Paglipat

Isang kapansin-pansing paglipat ng populasyon ang nagaganap sa Unyong Sobyet. Samantalang dalawang ikatlo ng populasyon ay pambukid o rural 30 mga taon na ang nakalipas, ganiyan ding proporsiyon ang naninirahan ngayon sa mga lunsod. “Sa isang bansa kung saan ang rural, tradisyunal na paraan ng pamumuhay, taglay ang matatag na mga pagpapahalaga nito, ay tumagal ng higit kaysa karamihan ng mga Kanluraning bansa,” ulat ng The New York Times, “ang paglipat mula sa idinugtong na patriyarkal na pamilya tungo sa nuklear na pamilya sa arabal ay umaani ng masakit na mga resulta.” Nagkaroon ng “pagbabago sa pagpapahalagang panlipunan at paraan ng pamumuhay.” Ang bagong kalayaan sa pamumuhay, malayo mula sa nayon at pamilya, ay sinasabing nakatulong sa pagkakawatak-watak ng pamilya, alkoholismo, at krimen. “Ang mga pamilya sa ngayon ay punô ng di-pagkakaunawaan, mabuway at kakaunti lamang ang mga anak,” sabi ni Viktor I. Perevedentsev, senior researcher sa Soviet Academy of Sciences.

Mga Panganib ng Ouija Board

Iniuulat ng The Toronto Star na isang 12-taóng-gulang na babae ang gumugol ng lubhang nakatatakot na taon pagkatapos na di-wastong pagsabihan ng isang Ouija board na siya ay mamamatay pagtungtong niya sa edad na 13. Sa kaniyang bagong aklat na Ouija: The Most Dangerous Game, tinukoy ni Stoker Hunt na bukod sa pagbibigay ng di-wastong mga mensahe, ang Ouija board ay nagdulot din ng mga pinsala sa isipan ng ilang gumagamit, samantalang ang iba ay nawalan ng katinuan ng isip dahilan sa buhos na buhos ang kanilang isip sa laro. Binanggit ng The Toronto Star na ang paggamit ng Ouija board ay maaaring maglantad sa isa sa mga impluwensiya ng demonyo, at iyan ay isang bagay na hindi dapat paglaruan.

Malamlam na Liwanag para sa mga Sanggol

Ang New England Journal of Medicine ay nag-uulat na iminumungkahi ng mga doktor ang malamlam na liwanag o ilaw sa mga silid ng bagong silang ng mga sanggol. Ipinakikita ng mga pag-aaral sa mga sanggol na nasa napakaliwanag na mga silid ang katibayan ng pinsala sa mga daluyan ng dugo ng mga mata, na humahantong sa mga depekto sa paningin. Bagaman hindi minamaliit ang halaga ng mainam na naiilawang intensive-care na mga silid ng sanggol, ang pangkat ng mga manggagamot ay nagpahayag ng pagkabahala sa mga bata na gugugol ng mga ilang linggo o buwan sa ilalim ng gayong mga kalagayan. Sinabi nila na pinasisidhi ng maliwanag na ilaw ang pagiging sensitibo ng mata sa oksiheno, na nagbubunga ng pinsala sa di pa magulang na mga daluyan ng dugo.

Ilado-Pinatuyong mga Alagang Hayop?

Ang mga pagsulong kamakailan sa iladong-pagpapatuyong pamamaraan ay ipinakilala sa daigdig ng komersiyal na taxidermy (pagpreserba ng mga hayop). Ang bagong pamamaraang ito ay nakaaakit sa mga may-ari ng mga alagang hayop na, nalulungkot sa pagkamatay ng kanilang mga alagang hayop, ay nakikita ito bilang isang pagkakataon upang ipreserba ang namatay na hayop. Inilalarawan ang pamamaraan, iniuulat ng Los Angeles Times na ang hayop ay sinasiyampu, inaalisan ng dumi sa bituka, inilulubog sa pantaboy-insekto (insect repellent), at iniiniksiyunan ng mga preserbatibo. Binibigyan ito ng artipisyal na mga mata at pinatatayo ng panloob na mga kawad. Pagkaraan ng ilang araw sa isang komersiyal na freezer, ito ay inililipat sa isang freeze-drying chamber upang lubusang alisan ng tubig. Ang pamamaraang ito ay maaaring gumugol ng mga ilang linggo hanggang anim na buwan. Ang halaga ay maaaring mula $400 hanggang $1,000, depende sa laki ng aso o ng pusa.

Pagtuturong Bumasa

Isang bagong paraan ng pagtuturo sa mga bata na bumasa, isang kasanayan sa isang panahon, ay nagbunga ng halu-halong resulta sa larangan ng pagbabasa. Halimbawa, ang estudyante ay tinuturuan ng mga katinig, sinusubok, tinuturuang-muli at muling sinusubok hanggang sa siya ay maging bihasa, bago magtungo sa mga katinig at mga maramihang anyo. Sang-ayon sa The New York Times, ang mga resulta ay mahina kung walang aktuwal na pagbabasang ginagawa sa panahon ng pagtuturo. Ganito ang sabi ng isang propesor sa unibersidad ng E.U. na nagmungkahi sa bagong pamamaraan: “Ang mga bata ay naging mahusay sa pagkatuto ng [mga kasanayan] na ito, subalit hindi sila nagbabasa.” Sa isang distrito kung saan ang paraang ito ay pantanging ginamit, isang katlo lamang ng mga nagtapos sa high school ang nakababasa sa antas ng isang nasa ika-12 na baitang. Kaya pinagsasama ngayon ng mga pandistritong paaralan ang bagong pamamaraan sa normal na programa ng pagbabasa.

Halaga ng Implasyon

Ang Bolivia ay iniulat na isa sa pinakamahirap na bansa sa Timog Amerika. Ang implasyon sa bansa ay nagpangyari na ang piso ay talagang mawalan ng halaga. Ang mga presyo ay nagtataasan sa taunang halaga na 10,000 porsiyento! Sabi ng isang bisita na ang halaga ng isang hamburger ay isang milyong piso, samantalang ang isang gabi sa isang magandang otel ay maaaring magkahalaga ng 35 milyong piso. Iniulat ng Parade Magazine na ang Bolivia ay nag-angkat ng $23 milyong na halaga ng mga perang papel noong 1984, ginagawa ito na ikatlong pinakamalaking pag-aangkat ng bansa, nahigitan lamang ng mga kagamitan sa pagmimina at pagkain. Karaniwan na sa mga taga-Bolivia ang magdala ng mga piso sa mga sako o mga balabal na nakasakbat sa kanilang likod pagka namimili. Ang gobyerno ay napilitang maglabas ng halagang limang milyong piso na salapi dahilan sa implasyon.

Sino ang Nagnanakaw sa mga Bangko?

Isang imbestigador ng pulisya sa Munich, Alemanya, ang nagsagawa ng pagsisiyasat sa motibo at pinagmulan ng mga magnanakaw sa bangko. Narating niya ang konklusyon na ang pagnanakaw sa mga bangko ay isang krimen na hindi lamang isinasagawa ng mga taong may dati nang kriminal na rekord o kasaysayan. Bagkus, ito ay naging “krimen ng sinuman.” “Ipinakikita ng imbestigasyon na ang mga magnanakaw sa bangko ngayon ay mula sa lahat ng antas ng lipunan, hanapbuhay, at talino,” ulat ng Bremer Nachrichten. “Matutuklasan mo rito ang may-ari ng pagawaan gayundin ang opisyal sa militar, ang negosyante at artisano; gayundin ang empleado mismo ng bangko, oo, pati na nga ang opisyal ng pulisya.” Ang pinakapangkaraniwang motibo ay ang pagkabaon sa utang, hilig sa pagsusugal, at ang pagnanasa sa “isang halaghag na istilo ng pamumuhay.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share