Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 12/8 p. 14-15
  • Bakit Lubhang Hindi Makatarungan ang Buhay?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Lubhang Hindi Makatarungan ang Buhay?
  • Gumising!—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Kawalang-Katarungan ay Isang Problemang Pandaigdig
  • Ang Diyos ay Napopoot sa Pagtatangi
  • Ang Ugat ng Kawalang-Katarungan
  • Pag-aalis sa Kawalang-Katarungan
  • Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
  • Ang Kilusan ng mga Babae ay Nagdadala ng mga Pagbabago
    Gumising!—1988
  • Makakamit Pa Ba Natin ang Katarungan?
    Iba Pang Paksa
  • Kikilos Pa Kaya ang Diyos Laban sa Kawalang-Katarungan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 12/8 p. 14-15

Ang Pangmalas ng Bibliya

Bakit Lubhang Hindi Makatarungan ang Buhay?

HUMAHAGIBIS sa kalye ang isang hindi nakarehistrong kotse, na minamaneho ng isang walang lisensiyang 17-anyos na lasing. Walang anumang babala, ang humahagibis na sasakyan ay sumalpok sa hulihan ng isang kotseng mabagal ang takbo, itinutulak ito 230 piye (70 m) sa kalye, kung saan ito ay nagliyab. Sa upuan sa likuran ng kotseng mabagal ang takbo, isang ama at ang kaniyang natutulog na 13-anyos na anak na babae ay halos natupok karakaraka. Ang ina ay kinaladkad ng kaniyang anak na lalaki mula sa upuan sa harapan ng nasusunog na kotse, na ang laman ng kaniyang kapuwa mga paa ay nasunog hanggang sa buto. Siya ay namatay pagkalipas ng ilang oras. Ang kanilang 21-anyos na anak na lalaki, na siyang nagmamaneho, ang tanging nakaligtas sa pamilya.

Ang parusang iginawad sa may-kasalanang tsuper? Tatlong daang oras ng paglilingkod sa pamayanan, isang multa ng $3,000, at isang piyansa dahil sa mabuting ugali sa loob ng tatlong taon!

Nang marinig ang hatol, ang anak na si Douglas ay nanangis: “Para sa akin lubhang hindi makatuwiran na ang Pamahalaan ay handang tumulong at gumastos ng milyun-milyong dolyar sa isang kampaniya na ihinto ang pagmamaneho nang lasing, gayunman kapag mayroong namatay hindi sila handang sundan ito ng angkop na sentensiya.” Isa lamang ito sa maraming kawalan ng katarungan na nauugnay sa sasakyan na regular na iniuulat sa pahayagang Sydney Morning Herald sa ilalim ng mapanuyang pamagat na: “Justice on the Roads” (Katarungan sa Lansangan).

Marahil ikaw man, ay naging biktima ng kawalang-katarungan​—maging sa mga hukuman, o kapag naghahanap ng pabahay, o sa trabaho.

Ang Kawalang-Katarungan ay Isang Problemang Pandaigdig

Saan ka man tumingin, nariyan ang kawalang-katarungan sa lipunan. Halimbawa, bakit yaong mga nakatira sa ilang bansa ay mayroong labis na pagkain anupa’t karaniwan ang pag-aaksaya at labis na pagkain, samantalang sa ibang lupain angaw-angaw ang kulang ang kinakain o namamatay pa nga sa gutom? Noong Hulyo 1983, inilarawan ng United Nations Food and Agriculture Organization ang isang malungkot na larawan ng apurahang pangangailangan na tustusan ang angaw-angaw ng mga binutil upang masawata ang gutom. Dumating ang pagkakagutom, gaya ng ipinakikita ng mga pangyayari sa Ethiopia noong 1985.

Isaalang-alang ang isa pang halimbawa ng kawalang-katarungan: Maaaring nakakayanan ng ibang tao na tumira sa mga mansiyon, samantalang ang angaw-angaw ng kanilang mga kapuwa-tao, dahilan sa ganap na karukhaan, ay tumitira lamang sa hamak na mga tirahan, ang marami ay sapat lamang ang nakikilusan o nakatira sa mga barung-barong. Sang-ayon sa The New Book of World Rankings para sa 1984, “isang-kapat ng populasyon ng planeta​—mga isang bilyon katao​—ang namumuhay sa ganap na karalitaan at hindi makatao anupa’t [ito] ay di-mawari ng karamihan ng mga taong namumuhay sa Kanluraning mga lipunan.”

At bagaman may umiiral na mga tirahan, sa maraming lupain ang pangunahing gawain ng mga kababaihan ay ang pagsasalok ng tubig mula sa isang balon o sa isang ilog, kung minsa’y milya-milya ang layo mula sa bahay. Sa isang bansa 99.7 porsiyento ng lahat ng mga tirahan ay walang tubig. Sa 5 pang mga bansa mahigit na 95 porsiyento ang walang tubig, at sa mahigit na 50 mga bansa 50.6 porsiyento hanggang 88.9 porsiyento ang walang tubig sa bahay.

Ilan lamang ito sa mga kawalang-katarungan na sumasalot sa sangkatauhan ngayon. Subalit bakit napakaraming kawalang-katarungan? Bakit ipinahihintulot ito ng Diyos at sa loob ng mahabang panahon? Mayroon ba siyang gagawing anuman tungkol dito?

Ang Diyos ay Napopoot sa Pagtatangi

Nakaliligaya, ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat, si Jehova, ay inilarawan na isa na “hindi nagtatangi,” na “isang Diyos na tapat, at makatarungan.” (Gawa 10:34, 35; Deuteronomio 32:4) Libu-libong taon na ang nakalipas ipinahayag ng Diyos na siya ay napopoot sa pagtatangi at kawalang-katarungan. Papaano? Sa pamamagitan ng pagpapasulat ng mga tagubilin sa batas ng Diyos na nagbabawal sa anumang uri ng pagtatangi o kawalang-katarungan. Isang paglabag sa mga pamantayan ng Diyos ang magpakita ng paboritismo sa mayaman at maimpluwensiya o sa hamak at mahirap. Ang Batas na ibinigay sa kaniyang sinaunang piniling bayan ay nagsasabi: “Huwag kayong gagawa ng kawalang-katarungan sa paghatol. Huwag kayong magtatangi ng pagkatao ng dukha, ni huwag ninyong pararangalan ang pagkatao ng makapangyarihan. Kundi hahatulan ninyo nang may katuwiran ang inyong kapuwa.” (Levitico 19:15) Maging ang masamang pagtrato sa mga hayop ay hinahatulan.​—Exodo 23:3-5; Deuteronomio 22:10; 25:4; Kawikaan 12:10.

Ngayon, kung ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ay lubhang nagpupumilit sa pag-alis ng kawalang-katarungan ng tao sa mga pakikitungo niya sa kaniyang kapuwa-tao gayundin sa kawalan ng konsiderasyon sa pakikitungo sa mga nilikhang hayop, hindi ba natin maaasahan na ang Diyos mismo ay kikilos tungkol sa palasak na kawalang-katarungan na nakikita ngayon?

Ang Ugat ng Kawalang-Katarungan

Ipinakikila ng Bibliya na si Satanas na Diyablo, ang pangunahing sumasalansang sa Diyos, na siyang ugat ng kawalang-katarungan at hindi pagkakapantay-pantay. Siya ang unang dahilan ng kawalang-katarungan maaga pa sa kasaysayan ng tao. Ginatungan ni Satanas ang mga ningas ng kawalang-katarungan mula noon, sa gayo’y umaasang magdudulot ng higit na kasiraan kay Jehova at sa Kaniyang matuwid na mga daan ng pakikitungo sa Kaniyang mga nilikha.​—Genesis 3:4, 5; Juan 8:44; Apocalipsis 12:9.

Sa panahon ng kung ano ang tinatawag ng Bibliya na mga huling araw ng walang katarungang kabihasnang ito, ang lumalagong kaabahan ay inihula na pangyayarihin ni Satanas sa mga tao sa lahat ng bahagi ng lupa. Bakit? Sapagkat nalalaman niya na mayroon na lamang siyang maikling panahong natitira. Kaya huwag lubhang mabagabag sa pagdami ng kawalang-katarungan at ng iba pang anyo ng pang-aapi. Bagkus, unawain na ang gayong mga pangyayari ay bahagi ng tanda na binubuo ng marami na ang isang ganap na pagbabago ng sistema ay malapit na.​—Apocalipsis 12:12; Daniel 12:4; 2 Timoteo 3:1.

Pag-aalis sa Kawalang-Katarungan

Ang paglaho magpakailanman ng kawalang-katarungan ay tila man din isang walang saysay na pag-asa​—mapagnais na saloobin pa nga. Magiging gayon nga kung ang tao mismo ay hahayaang magpatuloy sa pamamahala ng batas at kaayusan. Subalit ang permanenteng wakas ng kawalang-katarungan ay natatanaw na! Maaari at aalisin ng Diyos na Jehova ang pangunahing sanhi nito, ang Diyablo, pati na ang bulok na sistema ng mga bagay na ngayo’y umiiral sa ilalim ng pamamahala ni Satanas.​—Roma 16:20; 1 Juan 2:15-17.

Karagdagan pa, ipinakita ni Jesus na “ang mga huling araw”​—pati na ang pangglobong kawalang-katarungan​—ay tatagal lamang ng isang salinlahi ng tao. (Mateo 24:3, 34) Ito’y nangangahulugan na sa loob ng panahon na ikinabubuhay ng ilang buháy na noong 1914, titiyakin ng Diyos na ang katarungan ay iiral sa buong lupa at na ang kawalang-katarungan ay aalisin magpakailanman. Ang kaniyang matuwid na Haring Jesu-Kristo ay “hindi hahatol ayon sa basta nakikita ng kaniyang mga mata, ni sasaway man ayon sa narinig lamang ng kaniyang mga tainga. At hahatol siya nang may katuwiran sa mga dukha.” “Siya ay magdadala ng katarungan sa mga bansa.”​—Isaias 11:3, 4; 42:1.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share