Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Okt. 15
“Itinuturing ng maraming tao ang edukasyon bilang susi upang magtagumpay sa buhay. Sa palagay mo, mayroon bang edukasyon na makatutulong sa isa na maging mas mabuting tao at maharap ang mga problema sa buhay? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Roma 12:2.] Tinatalakay ng magasing ito kung paano tayo makikinabang mula sa pinakamahusay na edukasyong makukuha.”
Gumising! Okt. 22
“Maraming tao ang nasisiyahan sa pagbabasa ng diyaryo halos araw-araw. Sa palagay mo, mapagkakatiwalaan kaya ang mga impormasyon sa diyaryo? [Hayaang sumagot.] Nagbibigay ng mga mungkahi ang isyung ito ng Gumising! kung paano tayo makikinabang sa pagbabasa ng diyaryo. Ipinakikita rin nito kung bakit kailangan ng pag-iingat.” Basahin ang Kawikaan 14:15.
Ang Bantayan Nob. 1
“Maraming tao ang nababahala sa kawalang katarungan sa daigdig. Sa palagay mo, may sinuman kaya na talagang makapagpapabago sa daigdig? [Hayaang sumagot.] Isinasaalang-alang ng magasing ito ang mga hadlang sa pagbabago. Ipinakikita rin nito kung sino ang mag-aalis ng mga ito at kung paano niya pasasapitin ang isang daigdig na may tunay na kapayapaan at katiwasayan.” Basahin ang Awit 72:12-14.
Gumising! Nob. 8
“Sa buong daigdig, malaki ang agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap. Sa palagay mo, may magagawa kaya upang mawala ang agwat na ito? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Mateo 6:9, 10.] Ipinakikita ng magasing ito kung bakit tayo makapagtitiwala na aalisin ng Kaharian ng Diyos ang mga di-pagkakapantay-pantay na nagpapahirap sa sangkatauhan sa ngayon.”