Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Okt. 15
“Yamang nasa langit ang Diyos, may mga taong nagsasabing imposible raw na makilala siya. Ganiyan din po ba ang opinyon ninyo? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Juan 17:3.] Ipinaliliwanag po ng magasing ito kung paano tayo makakakuha ng kaalaman tungkol sa Diyos.”
Gumising! Okt.
“Karamihan sa atin ay namatayan na ng mga mahal sa buhay. Sa palagay po ninyo, may magagawa pa ba tayo para matulungan sila kahit patay na sila? [Hayaang sumagot.] Sinasabi po ng artikulong ito ang sagot ng Bibliya sa tanong na iyan. Binabanggit din nito ang nakaaaliw na pangakong ito.” Basahin ang Juan 5:28, 29. Saka itampok ang artikulo sa pahina 10.
Ang Bantayan Nob. 1
“Maraming magkakasalungat na opinyon tungkol sa pagpapalaki ng anak sa ngayon. Sa palagay po ninyo, may makukuha pa kayang maaasahang payo ang mga magulang? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Awit 32:8.] Mababasa po sa magasing ito ang praktikal na tagubilin mula sa Bibliya tungkol sa pagpapalaki ng anak.”
Gumising! Nob.
“Naitatanong po ba ninyo kung bakit labis-labis ang pagdurusa gayong mayroon namang isang maibigin, makatarungan, at makapangyarihang Diyos? [Hayaang sumagot.] Pansinin po ninyo ang sinasabi ng tekstong ito tungkol sa dahilan ng pagdurusa. [Basahin ang 1 Juan 5:19.] Ipinaliliwanag ng magasing ito mula sa Bibliya kung ano ang ginagawa ng Diyos upang maalis ang pagdurusa.”