Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Okt. 15
“Maraming pagpapasiya na napapaharap sa atin ang may pangmatagalang epekto sa ating buhay. Ano ang makatutulong sa atin upang maiwasan ang paggawa ng di-matatalinong pasiya? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Kawikaan 3:6.] Ang isyung ito ng Ang Bantayan ay naghaharap ng limang panuntunang salig sa Bibliya na makatutulong sa atin sa paggawa ng matatalinong pasiya.”
Gumising! Okt. 22
“Napansin mo ba na padalas nang padalas nating nababalitaan ang tungkol sa mga mikrobyong di-tinatablan ng gamot? [Hayaang sumagot.] Sinusuri ng magasing ito ang mga dahilan kung bakit nagkaroon nito at nagmumungkahi kung ano ang magagawa natin para maipagsanggalang ang ating sarili. Tinatalakay rin nito ang pangako ng Bibliya tungkol sa isang daigdig na wala nang sakit.” Basahin ang Isaias 33:24.
Ang Bantayan Nob. 1
“Naranasan na nating lahat na masira ng iba ang ating pagtitiwala sa kanila. Naitanong mo na ba sa iyong sarili, ‘May mapagkakatiwalaan pa ba ako?’ [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Kawikaan 3:5.] Ipinaliliwanag ng magasing ito kung bakit lubusan tayong makapagtitiwala sa Diyos. Tinatalakay rin nito kung paano natin malalaman kung sinong mga tao ang karapat-dapat nating pagtiwalaan.”
Gumising! Nob. 8
“Ang mga produktong gawa sa petrolyo ay nakaaapekto sa halos lahat ng aspekto ng ating buhay. Napag-isip-isip mo na ba kung ano ang mangyayari sa ating buhay kung wala ang mga ito? [Hayaang sumagot.] Tinatalakay ng magasing ito kung paanong ang langis ay nagkaroon ng gayon kahalagang papel sa makabagong lipunan. Ipinaliliwanag din nito kung bakit hindi natin dapat katakutan na balang-araw ay mauubos ang langis.”