Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Okt. 15
“Iniisip ng ilang tao na mas magiging kasiya-siya ang kanilang buhay kung mas marami silang pera. Sa palagay mo kaya ay tama ito? [Hayaang sumagot.] Pansinin mo kung ano ang isinulat ng isang napakayamang lalaki. [Basahin ang Eclesiastes 5:10.] Tinatalakay ng magasing ito ang mga simulaing nakahihigit kaysa sa materyal na kayamanan.”
Gumising! Okt. 22
“Nakikita ng maraming tao ang kahalagahan ng pagsasanay sa mga anak mula sa murang edad. Sang-ayon ka ba na kailangan ito sa ngayon? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Kawikaan 22:6.] Tinatalakay ng isyung ito ng Gumising! ang espesipikong mga bagay na magagawa ng mga magulang upang tulungan ang kanilang mga anak na lumaki bilang mabubuti at matagumpay na mga adulto.”
Ang Bantayan Nob. 1
“Marami ang nag-aalinlangan sa kakayahan ng mga taong lider na lutasin ang kasalukuyang mga problema. Sa palagay mo kaya ay may makagagawa ng inihula sa mga talatang ito? [Basahin ang Awit 72:7, 12, 16. Pagkatapos ay hayaang sumagot.] Ipinaliliwanag ng magasing ito kung sino ang inihulang lider na ito at kung ano ang gagawin niya.”
Gumising! Nob. 8
“Kailangan ng mga anak ang patnubay upang mapagtagumpayan ang mga panggigipit sa kanila ngayon, hindi ba? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Efeso 6:4.] Sinusuri ng magasing ito ang tunay na kahulugan ng disiplina. Tinatalakay din nito kung paano makapagbibigay ng patnubay at pagtutuwid ang mga magulang nang hindi naman sinisira ang loob ng kanilang mga anak.”