Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Okt. 15
“Inaakala ng maraming tao na lubhang walang-katiyakan ang hinaharap kaya dapat magpakasaya na lamang tayo ngayon. Ano ang masasabi mo? [Hayaang sumagot.] Ganito ang sinabi ni Jesus. [Basahin ang Mateo 6:34.] Ipinaliliwanag ng magasing ito kung paano tayo maaaring magplano para sa hinaharap ngunit kasabay nito ay maiwasan ang labis na mabalisa tungkol dito.”
Gumising! Okt.
“Lahat tayo ay namatayan na ng mga mahal sa buhay. Sa palagay mo, binabantayan kaya nila tayo mula sa langit? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung ano ang sinabi ni Jesus nang mamatay si Lazaro. [Basahin ang Juan 11:11.] Ipinaliliwanag ng artikulong ito kung nabubuhay ba sa ibang dako ang mga patay o natutulog ba sila at naghihintay ng pagkabuhay-muli.” Itampok ang artikulong nasa pahina 28.
Ang Bantayan Nob. 1
“Sa palagay mo, magiging mas mabuting dako ba ang daigdig kung mas mapagpakumbaba ang mga tao? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang sinabi ni Jesus hinggil sa katangiang ito. [Basahin ang Mateo 23:12.] Tinatalakay ng artikulong ito ang kahalagahan ng paglilinang ng kapakumbabaan, kahit sa daigdig na ito na laganap ang pakikipagkompetensiya.”
Gumising! Nob.
“Noon, ang mga tao ay umaasa sa Bibliya para sa patnubay. Pero ngayon, marami ang nag-aalinlangan sa Bibliya. Ano ang masasabi mo? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang 2 Timoteo 3:16.] Ang espesyal na isyung ito ng Gumising! ay nagbibigay ng nakakukumbinsing ebidensiya na pinatnubayan ng Diyos ang pagsulat sa Bibliya.”