Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/01 p. 8
  • Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
  • Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
km 10/01 p. 8

Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin

Ang Bantayan Okt. 15

“Ano ang kailangan upang magkaroon ng isang mas mabuti at mas maligayang daigdig? [Hayaang sumagot.] Sinubok na ng tao ang iba’t ibang uri ng pamahalaan upang pabutihin ang mga bagay-bagay. Subalit pansinin ang pangmalas dito ng Diyos. [Basahin ang Jeremias 10:23.] Isinisiwalat ng artikulong ito ‘Ang Susi sa Isang Maligayang Daigdig,’ na ipinakikita kung paano malapit na itong matupad.”

Gumising! Okt. 22

“Sasang-ayon ba kayo na ang mga tao sa ngayon ay waring nabubuhay sa ilalim ng mas matinding panggigipit higit kailanman? [Hayaang sumagot.] Inihula ito ng Bibliya. [Basahin ang 2 Timoteo 3:1.] Nasusumpungan ng maraming tao na ang buhay ay napakahirap anupat sumusuko na sila. Ang magasing ito ay nagbibigay ng tunay na pampatibay-loob. Ipinakikita nito kung paano lalabanan ang kawalang-pag-asa at gagawing sulit ang pamumuhay.”

Ang Bantayan Nob. 1

Pagkatapos banggitin ang isang nakagigimbal na balita, itanong: “Bakit kaya gumagawa ang mga tao ng gayong balakyot na mga bagay? Dapat lamang na alam nating lahat kung ano ang mabuti at masama, subalit gumagawa pa rin ang mga tao ng masasamang bagay. Bakit? [Pagkatapos sumagot, basahin ang Apocalipsis 12:9.] Ipinaliliwanag ng magasing ito kung paano natin maipagsasanggalang ang ating sarili sa pamamagitan ng pag-iingat sa ating budhi.”

Gumising! Nob. 8

“Malamang na sasang-ayon kayo na tayo ay nabubuhay sa mararahas na panahon. [Pagkatapos sumagot, basahin ang 2 Timoteo 3:3.] Kadalasan ang ‘mababangis’ na gawa ay nangyayari sa loob mismo ng pamilya. Ang artikulong ito na, ‘Tulong Para sa mga Babaing Binubugbog,’ ay naghaharap ng mensahe ng pag-asa. Maaaring may kakilala kayo na mababahaginan ninyo nito.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share