Ang Mainit na Paligo ay Maaaring Maging Panganib sa Kalusugan
“ANG paliligo nang mainit sa dutsa o siyawer, paglalaba ng damit ng pamilya o paghuhugas ng mga kinanan ay maaaring maging peligroso sa inyong kalusugan, sang-ayon sa isang pag-aaral na nagpapakita na ang mataas na antas ng nakakakanser na mga kemikal ay umaalpas sa tubig na ginagamit sa bahay sa araw-araw na paggamit. Ang pagkalantad sa trichloroethylene (TCE), isang karaniwang nagpaparumi sa tubig, at sa chloroform, isang kakambal na produkto ng klorinasyon, ay maaaring 50 beses na mas mataas sa paglanghap ng mga singaw ng tubig kaysa sa pag-inom ng tubig, sabi ng kemikong si Julian Andelman ng University of Pittsburgh Graduate School of Public Health. Ipinakikita ng kaniyang pag-aaral na ang mainit na paligo sa dutsa, halimbawa, ay naglalabas ng halos 50 porsiyento ng tinunaw na chloroform at 80 porsiyento ng tinunaw na TCE sa hangin. Para sa mga taong gumugugol ng maraming panahon sa bahay, ang mga singaw mula sa mga makinang panlaba at mga makinang ginagamit sa paghuhugas ng pinggan ay maaaring maging mas malaking pinagmumulan ng pagkalantad, sabi ni Andelman. Ilang pag-iingat: maligo nang mas mabilis, gumamit ng malamig na tubig at gumamit ng exhaust fans hangga’t maaari upang palabasin ang singaw.”—International Wildlife, Enero/Pebrero 1987.