Matuto Mula sa mga Saksi
Iyan ang sabi ng isang editoryal sa pahayagang Norwego na Troms Folkeblad ng Hulyo 15, 1986, na maaari nating gawin. “Ang mga kombensiyon at mga kaayusan nila ay halos sakdal sa kanilang uri at kaayusan. Walang ipinakikipagsapalaran,” sabi ng artikulo.
“Ang tagumpay ng mga koponan sa palakasan at mga proyekto ng mga pangkat ng kabataan ay kadalasang nakasalalay sa pagkukusa ng bawat membro na tumulong. Dapat bigyang-pansin ng mga ito ang paraan ng pag-oorganisa ng mga Saksi ni Jehova ng kanilang mga proyekto. Maraming matututuhan sa pagmamasid sa espiritu ng pagkukusa na ipinakikita nila. Ito ay halos hindi kapani-paniwala.”