Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 6/22 p. 28
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit Dapat Sundin ang mga Magulang?
  • Petsa ng Giyera Sibil
  • Pag-asa para sa mga Walang Tahanan
  • Ang Bagong Mukha ng Digmaan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
  • Mga Batang Walang Tahanan—Mayroon Bang Solusyon?
    Gumising!—1990
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1989
  • Mga Walang Tahanan—Isang Suliraning Pandaigdig
    Gumising!—1988
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 6/22 p. 28

Mula sa Aming mga Mambabasa

Bakit Dapat Sundin ang mga Magulang?

Maraming-maraming salamat sa inyong artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Bakit Dapat Kong Sundin si Inay at si Itay?” (Enero 8, 1988) Ngayon, gaya ng sinasabi ng Bibliya, maraming kabataan ang masuwayin sa mga magulang. (2 Timoteo 3:2) Sa inyong artikulo, itinampok ninyo ang pangangailangan para sa mga kabataan na sumunod sa kanilang mga magulang, at nagbigay pa nga kayo ng mahusay na halimbawa, yaong kay John at sa dalawang batang babae. Sana’y basahin at pag-aralan ng bawat kabataan ang artikulong iyon at sundin ang landasin ng Bibliya.

S. O., Nigeria

Petsa ng Giyera Sibil

Nabasa ko kamakailan ang artikulong “Kami’y mga ‘Lilliputian’ sa Gitna ng mga Unano.” (Pebrero 8, 1988) Hindi ba’t totoo na ang Giyera Sibil Espanyola ay ipinakipagbaka mula 1861 hanggang 1865? Kung totoo ito, waring may hindi pagkakasuwato sa edad ng dalawang magkapatid na babae. Sinasabi ng babae na siya ay bata pa nang matapos ang Giyera Sibil Espanyola, na maglalagay sa kanilang edad na mga 100. Gayunman sa katapusan ng artikulo, sabi nila na sila ay 50 anyos o mahigit. Maaari bang ipaliwanag ninyo ito?

L. M. K., Estados Unidos

Ang paliwanag ay na ang Giyera Sibil sa Amerika ang naganap noong 1861 hanggang 1865. Ang Giyera Sibil Espanyola ay naganap noong 1936 hanggang 1939. Nang banggitin ang Giyera Sibil Espanyola sa artikulo, nakatulong sana kung inilakip namin ang mga petsa.​—ED.

Pag-asa para sa mga Walang Tahanan

Bagaman kapuri-puri na itinawag-pansin ninyo sa inyong mga publikasyon ang mga suliranin ng “Mga Walang Tahanan” (Marso 8, 1988), hindi ba mas mabuting sundin ang halimbawang ipinakikita ng ibang relihiyosong mga organisasyon at tumulong? Tiyak na ang inyong mga kayamanan ay maaaring gamitin upang magbigay kahit na kaunting pinansiyal na abuloy. Subalit sa halip na gumawa ng isang bagay tungkol dito, lagi ninyong itinuturo ang isang bagong sistema sa ilalim ng pamamahala ng Diyos bilang siyang lunas dito at sa iba pang mga suliranin.

B. B., Pederal na Republika ng Alemanya

Maraming organisasyon ng relihiyon, kawanggawa, at gobyerno ang nagsisikap na matugunan ang materyal na mga pangangailangan ng mga walang tahanan, at ito’y kapuri-puri. Bihira ang tumutulong sa napakahalagang espirituwal na mga pangangailangan ng sangkatauhan. Binibigyan-diin namin una sa lahat ang tungkol sa pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos, gaya ng iniutos ni Jesus sa Mateo 24:14. Napag-alaman namin na kapag ang mga tao ay natutong magtiwala sa kung ano ang gagawin ng Kaharian ng Diyos, ito ay nagbibigay sa kanila ng layunin sa buhay at nag-uudyok sa kanila na pangalagaan ang kanilang sarili at alisin ang maling paggamit sa mga droga at alkohol, na sumisira sa kanilang kalusugan at nag-aaksaya ng kanilang kayamanan. Bumubuti hindi lamang ang kanilang buhay ngayon kundi nagkakaroon din sila ng pag-asa sa buhay na walang-hanggan sa isang paraisong lupa. Idiniin ni Jesus ang kahalagahan nito nang sipiin niya buhat sa Salita ng Diyos: “Hindi sa tinapay lamang nabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Jehova.” (Mateo 4:4) At, ang mga Saksi ni Jehova ay kilalang-kilala sa paglalaan ng kinakailangang materyal na tulong sa mga nangangailangan sa mga panahon ng kahirapan at kagipitan, sa gayo’y nagpapakita ng tunay na pag-ibig sa kapuwa gaya ng ibinabalangkas sa Marcos 12:29-31 at Santiago 2:15-17. At ang tulong na aming ibinibigay ay karaka-raka at tuwirang nagtutungo sa mga nangangailangan, nang hindi binabawasan o naaantala ng nakasasagabal at magastos na pangangasiwa.​—ED.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share