Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 3/8 p. 5-6
  • Mga Walang Tahanan—Isang Suliraning Pandaigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Walang Tahanan—Isang Suliraning Pandaigdig
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • “Isang Parusa ng Ating Panahon”
  • Isang Nakatatakot na Hilig
  • Nakalilitong mga Katanungan
  • Kawalan ng Tirahan—Ano ang Nasa Likod Nito?
    Gumising!—2005
  • Ang mga Taong Palaboy—Ang Kanilang Masaklap na Kalagayan Isang Problemang Hindi Malutas
    Gumising!—1985
  • 1987—Taon ng mga Walang Tahanan
    Gumising!—1987
  • Mga Walang Tahanan—Ano ang mga Dahilan?
    Gumising!—1988
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 3/8 p. 5-6

Mga Walang Tahanan​—Isang Suliraning Pandaigdig

ANG suliranin ng kakulangan ng pabahay at kawalan ng tahanan, gayunman, ay walang kinikilalang pambansang mga hangganan; hindi ito limitado sa mahihirap, nagpapaunlad na mga bansa. Ang malaking mga kabisera at mga metropolis ng maunlad na daigdig, halos walang itinatangi, ay mayroon ding lugar ng pangit na mga pabahay at mga slum. Sa kahabaan ng nagkikislapang pagkatataas na mga gusali at modernong matataas na gusali, naroon ang mga ghetto at nabubulok na panloob na mga lunsod. Kumusta naman ang buhay sa gayong mga lugar?

Nagkukomento tungkol sa isang pag-aaral na isinagawa sa Chicago, ang magasing Science ay nag-uulat na ang mga walang tahanan doon ay “kakikitaan ng labis-labis na karukhaan at pagbubukod at maraming abnormalidad. Apat sa lima ang galing sa mga institusyon ng mga bilangguan, mga ospital para sa mga may sakit sa isip, o ginagamot dahil sa pagkasugapa sa droga.”

Karamihan ng mga lunsod sa E.U. ay may mga pasilidad pampubliko para sa mga walang tahanan. Halimbawa, inilalagay ng New York City ang walang asawang mga tao na walang tahanan sa mga tirahang pampubliko at ang mga pamilya sa mga welfare hotel. Inaasahan na pagsapit ng taglamig, 12,200 mga walang asawa at 20,500 mga membro ng pamilya ang maghahanap ng tulong, at inaasahan ng mga awtoridad na sa paanuman ay magkakaroon ng sapat na lugar para patuluyin sila.

Kung ano ang kalagayan ng buhay sa gayong mga lugar ay lubhang kakaibang bagay naman. Ang mga tirahang pampubliko para sa magdamag sa New York ay karaniwang binagong mga himnasyo o mga taguan ng mga armas. Daan-daang mga tao ang natutulog sa mga hanay ng mga kama sa isang malaking espasyo. Ang ibang mga taong lansangan ay ayaw magtungo sa mga tirahan. “Ang mga tirahan ay hindi ligtas, at kadalasa’y may mga surot o mga kuto,” sabi ng isang kapus-palad. “Natutulog ka roon na dilat ang iyong mga mata.” Ang buhay ay lalo nang mahirap sa mga bata. “Sa mga tulad-kuwartel na mga tirahan at siksikang mga otel kung saan sa wakas ay ipinadadala sila ng lunsod, ang mga bata ay nakalantad sa brutal na nakikitang mga problema​—sakit, abnormalidad, mga droga, delingkuwensiya at kawalan ng pag-asa,” ulat ng Daily News ng New York. “Ang mga batang ito ay nanganganib na maging isang napahamak na salinlahi.”

Dahilan sa ang mga taong walang tahanan ay palipat-lipat, kadalasan nang mahirap makuha ang eksaktong bilang. Ang National Coalition for the Homeless ay nagsasabi na ang bilang ng mga taong walang tahanan sa Estados Unidos ay nasa pagitan ng dalawa at tatlong milyon. Sa kabilang dako naman, ang Department of Housing and Urban Development ng E.U. ay nag-uulat na “gaya ng matitiyak sa lahat ng makukuhang impormasyon, ang pinakamapaniniwalaang dami ay 250,000 hanggang 350,000 mga taong walang tahanan.” Samakatuwid, anuman ang aktuwal na bilang ng mga walang tahanan, ang lahat ay sumasang-ayon na ito ay dumarami.

“Isang Parusa ng Ating Panahon”

Nakakaharap din ng mga bansa sa Pamayanang Europeo ang malubhang mga suliranin sa pabahay. Ang The Times ng London ay nag-uulat na sa United Kingdom “ang dami ng mga taong nakatira sa kama-at-almusal na tuluyan ay dumami mula 49,000 tungo sa 160,000 sa pagitan ng 1979-84, mayroong 1 1/4 milyong tao na nasa listahan ng konseho ng mga naghihintay at isang milyong mga tahanan ang opisyal na inuri bilang hindi angkop na panirahan ng tao.”

Sa ibayo ng English Channel, “sa Paris, sinasabi ng pribadong mga pangkat na hindi kukulangin sa 10,000 katao ang nakatira sa mga lansangan,” sang-ayon sa isang artikulo sa The New York Times na pinamagatang “Ang mga Walang Tahanan ng Europa: Isang Parusa ng Ating Panahon.” Tinataya ng pamahalaang Italyano na 20 porsiyento ng mga bagong kasal “ay walang mapagpilian kundi ang tumira sa mga kamag-anak, kahit na pagkasilang ng kanilang panganay.” Sa gitna niyaong tinatayang 20,000 walang tahanang mga Danes, “ang bilang niyaong wala pang 30 taóng gulang ay lubhang dumami mula noong 1980.”

Balintuna, lahat ng ito ay nangyayari, sang-ayon kay Peter Sutherland, Komisyoner ng Social Affairs for the European Communities Commission, kung kailan ang mga bansang ito ay “nagsimulang maniwala na natatanaw [nila] ang pagpawi magpakailanman sa mga parusa ng karalitaan at kawalang tahanan.”

Isang Nakatatakot na Hilig

Gayunman, hindi pa natatagalan napansin ng mga awtoridad na nakikitungo sa mga walang tahanan ang isang bagong hilig. Sinipi ng The New York Times ang isang membro ng Coalition for the Homeless sa Chicago na nagsasabi: “Nakikita namin ang hilig ng mga pangangailangan na lubhang nagbago mula sa basta ‘ang mahirap’ tungo sa ‘kalagitnaang uri na biglang naghirap.’ Nawala nila ang kanilang mga trabaho, ang kanilang mga credit card at ang kanilang sangla. Hindi na ito ang tipikal na lasenggo sa eskinita.”

Sa kahawig na paraan, ang direktor ng isang ahensiya sa paglilingkod panlipunan sa Connecticut ay nagsabi: “Sa kasamaang palad, may maling pagkaunawa tungkol sa mga taong walang tahanan. Hindi ito ang “bag person” na palabuy-laboy sa lunsod at lunsod. Ito sa katunayan ay mga pamilya na hindi na makayang umupa dahil sa mataas na mga upa, kakulangan ng trabaho, mga diborsiyo.” Sang-ayon sa isang report na inilabas ng Komperensiya ng mga Alkalde sa E.U. noong nakaraang Mayo, isiniwalat ng isang surbey ng 29 na malalaking lunsod na ang mga pamilyang may mga anak ang bumubuo sa mahigit na sangkatlo ng mga walang tahanan, at na iyon ay isang 31-porsiyentong pagsulong sa nakalipas na taon.

Nakalilitong mga Katanungan

Bagaman ang kalubhaan ng kakulangan ng pabahay at suliranin ng kawalan ng tahanan ay iba-iba sa bansa at bansa at sa bawat lugar, ligtas na sabihing may ilang tao sa ngayon na talagang walang kaalam-alam tungkol dito o lubusang hindi apektado nito. At ang nakalilito pa sa lahat ay na sa kabila ng mga pagsisikap at mga pondo na ginugugol ng mga gobyerno, walang palatandaan na ang suliranin ay nababawasan. Bakit gayon? Saan ba nanggagaling ang lahat ng mga taong walang tahanan? At, higit sa lahat, anong pag-asa mayroon sa paglutas sa suliranin ng pabahay?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share