Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 7/8 p. 21
  • 1987—Taon ng mga Walang Tahanan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • 1987—Taon ng mga Walang Tahanan
  • Gumising!—1987
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Walang Tahanan—Isang Suliraning Pandaigdig
    Gumising!—1988
  • Ang mga Taong Palaboy—Ang Kanilang Masaklap na Kalagayan Isang Problemang Hindi Malutas
    Gumising!—1985
  • Mga Batang Walang Tahanan—Mayroon Bang Solusyon?
    Gumising!—1990
  • Mga Walang Tahanan—Ano ang mga Dahilan?
    Gumising!—1988
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 7/8 p. 21

1987​—Taon ng mga Walang Tahanan

PAGSAPIT ng gabi, libu-libong mga tao sa Bombay, São Paulo, Mexico City, New York City, at sa maraming iba pang mga lunsod ay natutulog sa mga imburnal, sa ilalim ng tulay, sa mga bangketa. Nagsisiksikan sila sa mga kahon na kartón, nakahiga sa gusut-gusot na mga diyaryo, o natutulog mismo sa semento. Ang isang daang milyong walang tahanan ng daigdig ay “nasa bahay na.”

Gayunman, angaw-angaw pa ang walang tahanan sa isa pang diwa. Sila ay nakatira bilang mga iskuwater sa ilegal at pangit na lugar na punô ng mga barung-barong, sa mga slum kung saan ang maputik na mga lansangan ay mga paliguán at ang laging-naroroong mga buwitre na mga basurero. Ang kanilang pansamantalang “mga tahanan” ay may butas na mga kubo na yari sa mga sako, mga banig, pinukpok na mga dram ng langis, putik, at bato. Mahigit sa kalahati ng lahat ng mga naninirahan sa lunsod sa Third World ay namumuhay sa gayong karima-rimarim na mga kalagayan.

Upang ipokus o ituon ang pansin ng daigdig sa suliranin ng mga walang tahanan ng lunsod at upang pagbutihin ang kanilang mga kalagayan sa pamumuhay, ipinahayag ng organisasyon ng United Nations ang 1987 ay maging ang Internasyonal na Taon ng mga Walang Tahanan.

“Sa buong daigdig, dapat nating mabatid na hindi na natin malulusutan ang problemang ito,” sabi ni Max van der Stoel, tagapangulo ng Dutch National Committee of the Year of the Homeless. “Isa ito sa pinakagrabeng suliranin ng daigdig.” At ang suliranin ay lumalaki. Tinataya ng NieuwsBrief voor het International Jaar van de Daklozen (Newsletter for the International Year of the Homeless) na sa darating na sampung taon o higit pa, isang bilyon pang mga tao ang magdaragdag ng kanilang kubo sa siksikan nang mga slum ng lunsod​—dinudoble ang populasyon ng maraming lunsod sa Third World!

Ano ang maaaring gawin tungkol sa problemang ito? Ang pag-aalis sa mga lugar na punô ng mga barung-barong ay magpaparami lamang sa bilang ng mga taong walang tahanan. Sa halip, ang UN ay nagpasiya ukol sa pagpapabuti sa slum, paglalaan sa mga lugar ng slum ng pangunahing mga paglalaan, na gaya ng mga pasilidad ukol sa sanitasyon. At sa halip na magpadala ng mga buldoser​—na nag-iiwan ng bakas ng mga kubo na pinulbos at mga taong desperado​—maaaring bigyan ng mga pamahalaan ang mga iskuwater ng seguro sa pabahay, marahil sa anyo ng pagpapaupa. Iminumungkahi pa ng UN na lubhang paramihin ang mga pondo para sa pagpapaunlad ng lunsod sapagkat, gaya ng pagkakasabi rito ng newsletter “ang tirahan, pati na ang pagkain at pananamit, ay kabilang sa pinakapangunahing pangangailangan ng tao.”

Ang “pagkain at pananamit” ay siya ngang pangunahing pangangailangan. (1 Timoteo 6:8) At pinatitibay-loob tayo ng Diyos na magpakita ng kabaitan sa paglalaan ng tulong doon sa mga kapus-palad, lalo sa ating mga kapananampalataya. (1 Juan 3:17; Galacia 6:10) Gayumpaman, ang Salita ng Diyos ay tumutulong sa atin na magkaroon ng makatotohanang pangmalas tungkol sa mga suliranin ng tao. Sabi ni Haring Solomon: “Ang baluktot ay hindi maitutuwid.” (Eclesiastes 1:15) Samakatuwid, hindi lubusang malulutas ng mga proyekto na gaya ng Internasyonal na Taon ng mga Walang Tahanan, bagaman tiyak na may mabuting layon, ang mga suliranin ng tao.

Wala na bang pag-asa para sa mga walang tahanan? Sa kabaligtaran! Noong ikaanim na siglo B.C.E., inihula ng Diyos na Jehova ang isang “proyekto ng pabahay” na itatayo sa Juda​—isang lupain na una muna’y magiging “isang ilang, walang maninirahan” sa loob ng 70 taon. (Jeremias 9:11; 29:4, 5, 10; 32:43) Sa gayunding paraan, ang mga walang tahanan ngayon ay makatitiyak na isasaayos ng Diyos na Jehova ang sangkatauhan sa isang pambuong-daigdig na lawak. (Isaias 65:21) Anong laking kaaliwang malaman, sa panahong iyon, na ang Taon ng mga Walang Tahanan ay susundan karakaraka ng isang milenyo na magdadala ng tunay na kapayapaan, katiwasayan, at sapat na pabahay!​—Apocalipsis 20:4; 21:3, 4.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share