Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 7/22 p. 23
  • Bakit Huwag Sabihing “Paalam”?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Huwag Sabihing “Paalam”?
  • Gumising!—1988
  • Kaparehong Materyal
  • Pagtitipon sa mga Tao Mula sa Lahat ng Wika
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
  • Pagpapakita ng Pagmamahal—Bakit Mahalaga?
    Gumising!—2009
  • Pag-asa Para sa mga Patay—Paano Ka Nakatitiyak?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Patuloy Ka Bang Lalakad sa Katotohanan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 7/22 p. 23

Bakit Huwag Sabihing “Paalam”?

ANG mga taong may mabuting intensiyon ay nagsasabi: “Ayaw ko ngang magsabi ng paalam. Para bang ito na ang wakas​—nakakalungkot!

Totoo, kadalasang sinasabi ng isang tao ang paalam kapag malungkot na inaakala niyang hindi na niya muling makikita ang isang minamahal o isang mahal na kaibigan. Gayumpaman, angkop pa rin itong gamitin, hindi lamang sa gayong mga okasyon kundi sa ibang panahon din. Bakit? Ang sagot ay masusumpungan sa pinagmulan ng salitang ito.

Ang “good-bye” ay kasalukuyang-panahong pagdadaglat ng ika-16 na siglong Ingles na “God be with you” (Sumaiyo nawa ang Diyos). Ang pangungusap na ito, kapag nagkakahiwalay, ay nagpapahayag ng interes at pagkabahala sa kapakanan ng isa, isang anyo ng pag-ibig sa kapuwa. Ang “farewell” ay isa ring kataga na nagpapahayag ng “isang pagnanais ng kagalingan sa inyong paghihiwalay.” Ang ibang mga wika ay gumagamit ng kahawig na mga ekspresyon. Ang adieu sa Pranses at ang adiós sa Kastila ay kapuwa nangangahulugan na itinatagubilin mo sa Diyos ang taong iyon.

Oo, ang mga salitang ito ay maaaring wala sa loob na gamitin ng iba, na walang ibang layunin kundi ang sabihin ang kinaugaliang bagay. Subalit iyan ay hindi dapat magpahina ng loob sa may kabatirang tao sa paggamit nito sa isang taimtim at makahulugang paraan ng pagpapahayag ng kaniyang matapat na damdamin.

Ang Bibliya mismo ay bumabanggit ng mga debotadong tao na angkop na gumamit ng paalam. Si Jesus ay nagpaalam sa isang pulutong ng mga tao na tinuruan niya nang dumating ang panahon upang pauwiin niya sila, upang makapaglaan siya ng higit na panahon sa personal na pananalangin. (Markos 6:46) “Si Pablo ay nagpaalam sa mga kapatid” nang siya “ay lumayag na patungo sa Siria.” (Gawa 18:18) Sa Efeso siya ay nagsabi rin ng paalam nang lisanin niya ang mga kapatid doon, bagaman sinabi niya sa kanila: “Babalik ako sa inyo, kung loloobin ni Jehova.” (Gawa 18:21) Kaya, ito ay hindi laging ginagamit na para bang ito na ang wakas.​—Tingnan din ang Gawa 21:6 at 2 Corinto 2:13.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share