Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 2/22 p. 3
  • Ang Paglaganap ng Nakamamatay na mga Mikrobyo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Paglaganap ng Nakamamatay na mga Mikrobyo
  • Gumising!—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Dapat ba Akong Magkaroon ng Credit Card?
    Gumising!—1999
  • Paghihiganti ng mga Mikrobyo
    Gumising!—1996
  • Ang Salot sa Ika-20 Siglo
    Gumising!—1997
  • Bagong Paglalaan Upang Tulungan Tayong Umiwas sa Dugo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 2/22 p. 3

Ang Paglaganap ng Nakamamatay na mga Mikrobyo

Si Eloise at ang kaniyang kapuwa mga pasahero ay inabután ng isang kard na Health Alert Notice pagkatapos sumakay sa isang eruplano mula sa London patungong New York. Ito’y noong Mayo 1995. Ganito ang mababasa sa harap ng kard:

“SA Maglalakbay: Ingatan ang kard na ito sa iyong kartamoneda o pitaka sa loob ng 6 na linggo. Kung ikaw ay magkasakit sa loob ng panahong ito, ibigay ang kard na ito sa iyong manggagamot at sabihin mo sa kaniya ang tungkol sa iyong paglalakbay kamakailan sa labas ng Estados Unidos.

“Baka ikaw ay nahantad sa isang nakahahawang sakit bago ka dumating sa Estados Unidos, at ang pagkaalam tungkol dito ay maaaring makatulong sa iyong manggagamot sa paggawa ng isang pagsusuri.”

Ang mga nag-aasikaso sa mga pasahero sa eruplano ay nagbigay rin ng mga pahayagan na naglarawan sa isang biglang paglitaw ng Ebola, isang sakit na dala ng virus na pumapatay sa maraming tao sa Zaire.

Nabasa ni Eloise ang tungkol sa Ebola​—isang malupit at nakamamatay na sakit. Unang nararanasan ng nahawahang mga pasyente ang lagnat, masakit na lalamunan, at sakit ng ulo, agad na sinusundan ng pagsusuka, sakit ng tiyan, at diarrhea. Ito’y sinusundan ng labis-labis, di-masupil na pagdurugo, kapuwa sa loob at sa labas. Sa 9 sa 10 kaso, ang kamatayan ay mabilis na dumarating.

Mga buwang maaga rito, may mga ulat tungkol sa ibang di-pangkaraniwan at nakamamatay na mga sakit: halimbawa, ang salot sa India. Saanmang dako ang mga tao ay namatay sa loob ng mga ilang oras sa tinatawag ng media na isang “surot na kumakain ng laman.”

Binaligtad ni Eloise ang kard sa kaniyang kamay. Ang kabilang panig ay kababasahan ng ganito:

“Sa Manggagamot: Ang pasyenteng naghaharap ng kard na ito ay kagagaling lamang sa ibang bansa, at maaaring nalantad sa isang nakahahawang sakit na hindi karaniwang nakikita sa Estados Unidos. Kung ikaw ay naghihinalang isang di-karaniwang nakahahawang sakit sa pagkakataong ito (kolera, pagdurugo na may matinding lagnat, malarya, yellow fever, atb.), pakisuyong ireport kaagad sa inyong lungsod, lalawigan, o Opisyal ng Pang-estadong Kalusugan at gayundin (sa pamamagitan ng tawag sa telepono​—collect) sa Division of Quarantine, Centers for Disease Control, Atlanta, Georgia . . . ”

Ang kard ay nagpapahiwatig ng internasyonal na pagkabahala tungkol sa paglaganap ng nakamamatay na mga mikrobyo​—mga parasito, baktirya, at mga virus​—na, pagkatapos simulan ang isang epidemya sa isang dako sa daigdig, ay maaaring mabilis na lumaganap na gaya ng nasusunog na palumpon sa iba. Di-gaya ni Eloise at ng kaniyang kapuwa mga pasahero, ang mga mikrobyo ay hindi nagdadala ng mga pasaporte ni natatakdaan man ng mga hangganan ng bansa. Sa loob ng isang nahawahang tao, ang mga ito’y di-napapansing naglalakbay nang walang kahirap-hirap.

Habang maingat na inilalagay niya ang kard na Health Alert Notice sa kaniyang pitaka, si Eloise ay nagtanong, ‘Saan ba nanggagaling ang mga sakit na ito na pumapatay? Bakit tila hindi madaig ng makabagong siyensiya ng medisina ang mga ito?’ Marahil ikaw man ay nagtatanong tungkol dito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share