Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 11/22 p. 3-4
  • Pakikipag-ugnayan sa Dako ng mga Espiritu

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pakikipag-ugnayan sa Dako ng mga Espiritu
  • Gumising!—1996
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Pinto sa Dako ng mga Espiritu
  • Sino ang Nakatira sa Dako ng mga Espiritu?
    Gumising!—1996
  • Panghuhula
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Pinag-isipan ng Isang Pinuno ang Kaniyang Hinaharap
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Mga Tanong Tungkol sa mga Nasa Langit
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2016
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 11/22 p. 3-4

Pakikipag-ugnayan sa Dako ng mga Espiritu

NAKATAYO sa gitna ng isang karaniwang bayan sa Kanlurang Aprika ang isang kaakit-akit na isang-palapag na gusali, puti at berde ang pinta. Sa tanggapang-silid ng bisita, dalawang sekretarya ang nagmamakinilya. Ilang tao ang nakaupo, naghihintay upang makipagkita sa babaláwo, ang manghuhula.

Sa likod ng mesa sa katabing opisina, sa tabi ng isang fax machine, ay nakaupo ang babaláwo mismo. May katabaan, na may ubaning buhok, siya’y nakasuot ng mahabang puting damit​—mamahalin at burdado. “Ang aking ama ay isang manghuhula,” ang sabi niya. “Ako’y itinadhana sa tradisyon. Ito ang kinalakhan ko. Noong ako’y limang taon, nang manghula ang aking tatay, sumama ako sa kaniya. Minasdan ko kung paano niya ginawa ito, at ginaya ko siya hanggang sa ito’y naging mahalagang bahagi ko na.”

Ang babaláwo ay kumumpas sa isang malaking tablang nakadispley na bumabalangkas sa masalimuot na sistema ng panghuhula na ginamit ng kaniyang kababayan sa loob ng di-mabilang na mga salinlahi. Nakasalig sa paghahagis ng 16 na buto ng palma, ito ay isang sistema na kumalat sa buong Kanlurang Aprika at lampas pa rito. “Ang mga tao’y nagpupunta sa akin taglay ang lahat ng uri ng problema,” aniya. “Mga problema sa mga babae, pagkabaog, kawalan ng trabaho, pagkabaliw, kalusugan, at iba pa. Depende sa mga resulta ng panghuhula, ang pagsamo ay ginagawa alin sa mga ninuno o sa makalangit na mga bagay [mga diyos]. Alinman ang kalagayan, isang uri ng hain ang dapat gawin.”

Ang tradisyunal na relihiyosong mga gawain, pati na ang panghuhula, ay matatag sa dakong ito, subalit gayundin sa mga relihiyon ng Sangkakristiyanuhan. Hindi kalayuan sa mga opisina ng babaláwo ang mga gusaling puti na may mga karatula sa harap: King Solomon II Church, Cherubim and Seraphim, Celestial Church of Christ, Christ Apostolic Church, Christ Trumpeters Church. Ang mga relihiyong ito ay magkasabay na umiiral at kung minsa’y nanghahawakan sa mga gawain ng tradisyunal na relihiyon. Ganito ang sabi ng babaláwo: “Nakipag-usap ako kamakailan sa obispo. Pumunta siya rito. Pagkatapos naming mapag-usapan ang mga bagay sa loob halos ng 30 minuto, sinabi niyang nais niyang iplano namin ang isang diyalogo kung saan ang mga Kristiyano at ang mga tradisyunalista ay maaaring magtipon upang magpalitan ng mga ideya at ayusin ang mga di-pagkakaunawaan.”

Mga Pinto sa Dako ng mga Espiritu

Ang gayong di-pagkakaunawaan ay kadalasang nagsasangkot sa pagkilala sa mga tumatahan sa dako ng mga espiritu. Sa buong Aprika sa timog ng Sahara, malaganap ang paniniwala na may dalawang grupo ng mga pagkatao na tumatahan sa dako ng mga espiritu. Ang unang grupo ay binubuo ng mga dibinidad, o mga diyos, na hindi kailanman naging mga tao. Ang ikalawang grupo ay binubuo ng mga ninuno, o mga espiritu ng mga patay, na ang pananagutan ay tiyakin ang kaligtasan at kasaganaan ng kanilang mga pamilya sa lupa. Kapuwa ang mga dibinidad at mga ninuno ay pinaniniwalaang may kapangyarihang alin sa tumulong o manakit sa mga nasa lupa. Dahil dito, ang mga ito ay kapuwa dapat pagpakitaan ng wastong paggalang at pagpipitagan.

Gayunding paniniwala ang masusumpungan sa maraming bahagi ng daigdig. Gumagamit ng iba’t ibang paraan, ang mga tao saanman ay lumalapit sa mga puwersa ng sobrenatural, na naghahanap ng kaalaman tungkol sa hinaharap at ng tulong at patnubay sa araw-araw na mga suliranin sa buhay. Posible nga bang makahingi ng tulong mula sa dako ng mga espiritu? Ipinakita ni Jesu-Kristo, na nakatira roon, na ito’y posible. Ang sabi niya: “Patuloy na humingi, at ibibigay ito sa inyo; patuloy na maghanap, at inyong masusumpungan; patuloy na kumatok, at bubuksan ito sa inyo.” (Mateo 7:7) Subalit upang matanggap ang tulong na iyon, dapat tayong humingi sa tamang persona, humanap sa tamang paraan, at kumatok sa tamang pinto. Kung tayo’y kakatok sa maling pinto, maaaring buksan iyon ng isa na gagawa sa atin ng pinsala, hindi ng kabutihan.

Kaya nga, mahalagang malaman kung sino ang nakatira sa dako ng mga espiritu at kung sino ang hindi nakatira roon. Dapat din nating malaman ang kaibhan sa pagitan niyaong tutulong sa atin at yaong pipinsala sa atin. Sa wakas, kailangan nating malaman kung ano ang dapat nating gawin upang tumanggap ng tulong mula sa mga handang magbigay nito. Susuriin ng susunod na mga artikulo ang mga bagay na ito.

[Picture Credit Line sa pahina 3]

Mga larawan sa pahina 3-4: The Star, Johannesburg, S.A.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share