Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 3/09 p. 29
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—2009
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Engkuwentro ng Leon at Tao
  • Nahukay na Sinaunang Imbakan ng Butil sa Ehipto
  • Papel na Sintibay ng Bakal
  • Papel—Ang Maraming-Gamit na Produktong Iyon!
    Gumising!—1986
  • Kahoy na Tumutulong Upang ang mga Tao’y Manatiling Gising!
    Gumising!—1990
  • Mga Leon—Ang Mariringal na Pusang May Kilíng Mula sa Aprika
    Gumising!—1999
  • Leon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Gumising!—2009
g 3/09 p. 29

Pagmamasid sa Daigdig

◼ Isang masusing pag-aaral sa kalagayan ng mga uri ng korales na lumilikha ng mga bahura ang nagpapakitang 32.8 porsiyento ng pinangangalagaang mga korales ang “lubhang nanganganib na malipol” dahil sa pagbabago ng klima o sa kagagawan ng mga tao.​—SCIENCE, E.U.A.

◼ Sa mahigit 2,000 bata na nasuring may problema sa paghinga sa isang ospital sa Atenas, Gresya, mga “65 porsiyento ang natuklasang nahantad sa usok [ng sigarilyo] ng kanilang magulang o mga magulang.”​—KATHIMERINI​—EDISYONG INGLES, GRESYA.

◼ “Pataas nang pataas na presyo ng langis at mga bilihin, . . . banta ng pagbagsak ng ekonomiya . . . , at paulit-ulit na mga likas na kasakunaan na nagpapakitang wala tayong kalaban-laban: maliwanag na wala tayong panandalian at pangmatagalang solusyon sa alinman sa malalaking problemang ito.”​—LLUÍS MARIA DE PUIG, PRESIDENTE NG PARLIAMENTARY ASSEMBLY OF THE COUNCIL OF EUROPE.

◼ Sa Poland, 17 porsiyento ng mga batang lalaki at 18 porsiyento ng mga batang babae ang nakasubok nang magdroga sa edad na 15.​—ŻYCIE WARSZAWY, POLAND.

Engkuwentro ng Leon at Tao

Habang lumalaki ang populasyon ng mga tao sa Aprika, lumiliit naman ang tirahan ng mga hayop, kaya “madalas na nagkakaharap ang mga ito at karaniwan nang nauuwi sa marahas na engkuwentro,” ang sabi ng babasahing Africa Geographic ng Cape Town. “Pagkain na ang tingin [ng mga hayop, partikular na ng mga leon] sa tao.” Halimbawa, sa Tanzania, di-kukulangin sa 70 katao ang napapatay ng mga leon taun-taon mula noong 1990. Ayon sa babasahin, may mga pagkakataong “pinupuntirya [pa nga ng grupo ng mga leon] ang mga tao, anupat sinasalakay at tinatangay ang mga tao mula sa beranda ng kanilang kubo at winawarak ang mga bubong na kugon at marupok na mga dingding na putik para makapasok sa bahay.”

Nahukay na Sinaunang Imbakan ng Butil sa Ehipto

Ang mga arkeologo ng University of Chicago na gumagalugad sa timugang Ehipto ay nakahukay ng pitong sinaunang imbakan ng butil, ang sinasabing pinakamalalaking imbakan sa lupaing iyon. Ang sinaunang mga bagay na nakuha malapit sa mga imbakan ay nakatulong sa mga arkeologo na matantiyang ginawa ang mga imbakan sa pagitan ng 1630 at 1520 B.C.E. Kung gayon nga, ang mga imbakan ay ginamit noong panahon ni Moises. Ang pabilog na mga imbakang ito na gawa sa laryong putik, 5.5 hanggang 6.5 metro ang diyametro, at malamang na di-kukulangin sa 7.5 metro ang taas, ay bahagi ng mga pasilidad na itinayo ng estado bilang sentro na pinagkukunan ng pagkain. Sinasabi ng ulat ng unibersidad na sa mga lugar na iyon “tinitipon ang saganang ani mula sa libis ng Nilo para gamitin ng estado. Dahil sa paggamit ng mga butil bilang salapi, lumakas ang kapangyarihan ng mga paraon.” Kaya naman, sinabi pa ng ulat na “nagsilbing bangko at pinagmumulan ng pagkain ang mga imbakan.”

Papel na Sintibay ng Bakal

Ang mga mananaliksik ng Swedish Royal Institute of Technology ay nakatuklas ng pamamaraan kung paano makagagawa ng papel mula sa cellulose ng kahoy nang hindi nababawasan ang likas na tibay ng mga hibla nito. Sa karaniwang mekanikal na pagpoproseso sa sapal ng kahoy, nasisira ang maliliit na hibla ng cellulose at rumurupok ang mga ito. Pero naproseso ng mga mananaliksik na Sweko ang sapal sa tulong ng mga enzyme. Pagkatapos, gamit naman ang beater, maingat nilang napaghiwa-hiwalay ang mga hibla nito sa tubig. Nang salain ang mga hibla, nagdikit-dikit ito at nakagawa sila ng papel na mas matibay pa sa cast iron, o pundidong bakal, at halos sintibay ng bakal na ginagamit sa pagtatayo ng mga gusali.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share