Ang Kahulugan ng mga Balita
Pagsasaliksik Tungkol sa Panghalili sa Dugo
● Ang Fluosol-DA, isang nagdadala ng oksiheno na panghalili sa dugo at yari sa mga kemikal, ay hindi nakapasa sa mga medical tests sa Estados Unidos, at ang pag-iiksperimento ng pluwidong iyan sa mga tao ay ipinahinto ng pabrikante niyan. Sa loob ng halos limang taon, ang Alpha Therapeutic Corporation, ang U.S. prodyuser ng “sentetikong dugo,” na Fluosol-DA 20%, ay gumagawang kasama ng piniling mga ospital sa Estados Unidos at Canada sa mga pagsubok sa gamit nito sa klinika. Mahigit na 120 mga pasyente ang pinag-aralan. Ipinakikita ng mga report na ang Fluosol-DA ay hindi kasing-halaga bilang panghalili sa dugo di gaya ng inaasahan at ang mga ibang nakukuha ngayon na solusyon ay kasing-bisa ng Fluosol. Ang Chicago Tribune ay nag-ulat na isang ospital na ginamit para sa pananaliksik ay nagbigay ng dalawang dahilan sa gayong hindi pagpasâ ng Fluosol. “Ito’y hindi nagdadala ng sapat na oksiheno sa mga pangunahing sangkap ng katawan,” ang sabi ng artikulo, “at hindi lumalagi sa katawan ng isang tao nang may sapat na panahon upang mapanatili siyang buháy hanggang sa ang natural na produksiyon ang humalili sa mga selulang pula ng dugo.”
Gayunman, ipinakita ng pag-aaral tungkol sa Fluosol na ang mga siruhano’y libring-libreng gumagamit ng dugo at, sang-ayon sa Tribune, posible na umupera sa sino man na anemiko nang walang pagsasalin ng dugo.” Si Dr. Bruce Friedman, isang direktor ng mga ospital sa Universidad ng Michigan, ay nagsabi: “Ayon sa aking hula-hula 25 porsiyento hanggang 33 porsiyento ng dugong ginagamit sa bansang ito ang hindi na kinakailangan.” Bagaman ang pagtetesting sa mga tao ay inihinto na, waring lumilitaw na ang pananaliksik upang mapasulong ang uri ng fluorocarbon “artipisyal na dugo” ay magpapatuloy.
● Isang nahahawig na panghalili sa dugo ang pinauunlad ni Dr. Henry A. Sloviter sa Paaralan ng Medisina ng University of Pennsylvania. Itong “artipisyal na dugo” na ito ay isang chemical compound na ginamitan ng ultrahigh-frequency sound waves at pagkatapos ay binalutan ng lecithin na galing sa itlog. Ito’y sinubok lamang sa mga hayop ngayon, subalit hindi nakakita ng nakapipinsalang epekto kahit na ang mga hayop ay pinasukan ng pluwidong kulay-gatas. Sang-ayon sa Almanac, na lathala ng pamantasan, binanggit na taglay nito ang mga bentaha kung ihahambing sa natural na dugo: “Waring ito’y ligtas na gamitin nang hindi isinasaalang-alang ang uri ng dugo; ito’y hindi nangangailangan na ilagay sa refrigerator; at walang peligro na makapaglipat ng nakahahawang mga sakit na gaya ng AIDS, hepatitis at malaria sa mga pagsasalin ng dugo.” Ito’y hindi mahahanda para sa gamit ng publiko kundi pagkalipas lamang ng mga tatlong taon.
● Ang pananaliksik ay nagpapatuloy sa isa pang kontinente. “Ang mga siyentipiko na Australiano ay nakapagpaunlad ng isang panghalili sa dugo na ayon sa kanila ay lalong mas mainam na gamitin kaysa sa buong dugo at plasma ng tao,” ang sabi ng The Bulletin, isang magasing Australiyano tungkol sa pananalapi. Ito’y tinatawag na CH (casein hydrolysate), at ito’y isang proteina at gawa sa gatas o soybeans. Si Dr. Louis Hissink, isa sa mga nagpaunlad ng CH, ay “naniniwala na mapanganib na ang dugong galing sa iba ay isalin mo sa isang pasyente,” ang patuloy pa ng artikulo, “hindi lamang para sa panganib na makapagdala ng sakit kundi rin naman dahilan sa nililikha nitong mga reaksiyon.” Sinasabi ni Hissink: “Sa wakas, magiging lalong malinaw sa mga tao na ang dugo (buhat sa mga donors) ay hindi pala isang dakilang bagay sa katapus-tapusan.” Ang CH ay kailangan munang aprobahan ng state health department ng Australia.
Ang mga Saksi ni Jehova ay interesado sa ganitong uri ng pananaliksik. Bagamat ang mga Saksi ay pumapayag sa mga pluwidong magagamit na kahalili ng dugo, hindi nila ikukompromiso ang kanilang mga paniwalang relihiyoso—kahit na sila nasa panganib—hindi sila pasasalin ng dugo. Sa lahat ng panahon ang mga Kristiyanong ito ay nanghahawakang mahigpit sa utos ng Bibliya: “Patuloy na lumayo sa . . . dugo.”—Gawa 15:29.
Pag-abuso sa Alak
● Ang pag-aabuso sa alak ay nakaapekto sa mga kabataan at sa matatanda. Isang surbey na isinagawa para sa Division of Alcoholism and Alcoholic Abuse sa 27,414 mga estudyante sa New York State na edad 12 hanggang 18 ang nagpatunay na 10 porsiyento ang naglalasing nang minsanan isang linggo. Tungkol sa matatanda, ang lathalaing Medical Aspects of Human Sexuality ay nagsasabi na ang pag-aabuso sa alak “ay isang malubhang problema sa matatanda at ang inaasahang paglubha nito ay 10% hanggang 15%—mas grabe ito sa mga taong nasa pagkukupkop ng mga institusyon.” Isang ebidensiya na nasa “mga huling araw” na ang sangkatauhan ay yaong “walang pagpipigil-sa-sarili” ang mga tao. (2 Timoteo 3:1-3) At ang pag-aabuso sa alak ay isa lamang patotoo ng kakulangan ng pagpipigil-sa-sarili.