Ang Kahulugan ng mga Balita
AIDS—Ang Kapalit na Halaga
Ayon sa taya ang U.S. Federal Centers for Disease Control ang katamtamang gastos sa ospital sa araw-araw ng paggamot sa mga pasyenting may AIDS ay $830—doble sa gastos ng mga ibang pasyente. At tinataya ng mga dalubhasa na ang kabuuang gastos sa paggamot sa bawat pasyente ay sa katamtaman $100,000. Ito at ang napakabilis na pagdami ng mga may sakit ng AIDS na napagagamot ay humila sa malaking pagkabahala sa mga opisyales ng ospital at seguro.
Ang mabilis na paglaganap ng AIDS ay tinatagurian ng American Hospital Association na isang “time bomb” para sa mga ospital ng mga bansa, sapagkat ang nagagastang dolyar ay malapit nang umabot sa libu-libong angaw taun-taon. Nagbabala ang isang opisyal ng seguro sa buhay: “Sa nakikita ko’y ito ang pinakamalaking panganib sa kalusugan na ginagastahan ng salapi at seguro sa buhay na kailanma’y napaharap sa bansang ito.” Sino ang papasan ng pagkalaki-laking gastusin na iyan?
Maraming mga biktima ng AIDS Ang homoseksuwal at mga sugapa sa droga, na ang walang patumamgang estilo ng pamumuhay ang nagdala sa kanila ng sakit na iyan. Subalit hindi sila ang mga magkakagasta ng salapi. Sa halip, ipinakita ng mga opisyales ng gobyerno at ng seguro na ang mga nakaseguro at mga tagapagbayad ng buwis ang mapipilitang bumalikat ng pasanin sa pamamagitan ng lalong matataas na singilin sa kanila. Bukod diyan, “ang edukasyon, proteksiyon ng madla at ang mga puhunan ang mag-iinda,” ang sabi ng editoryal ng New York Post.
Dati, ang mga biktima ng AIDS na nakakuha ng gayong sakit dahilan sa kanilang estilo ng pamumuhay ay baka nanunuya ng moralidad na itinuturo ng Bibliya upang ipangatuwiran ang kanilang kalibugan. Disin sana’y naiwasan nila ang gayong pagkapariwara ng sarili at ang gayong pagpapataw ng gastusin sa iba! Gayunman, baka hindi pa huli para sila’y bumaling ngayon sa kinasihang mga pamantayang-asal ng Bibliya na nanggagaling sa “Isang nagtuturo sa iyo na mapabuti, ang Isang umaakay sa iyo na lumakad sa daan na dapat mong lakaran.”—Isaias 48:17.
Kapayapaan at Katiwasayan—Malapit Na Ba?
Nakasulat sa United Nations Plaza ang tanyag na mga salita: “Kanilang papandayin ang kanilang mga tabak upang maging sudsod at ang kanilang mga sibat upang maging karet: Ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa. Ni mag-aaral pa man sila ng pakikidigma.” Palibhasa’y umaasa na magkakabunga at matutupad ang hulang ito, ang United Nations ay nagpahayag na ang 1986 ay “International Year of Peace.” May dahilan bang maniwala na ang UN ay magtatagumpay sa kaniyang tunguhin bilang ang nagpahayag-sa-sariling tagapangalaga ng ‘internasyonal na kapayapaan at katiwasayan?’
Ano man ang bahagi ng UN sa napipintong pagsigaw ng “kapayapaan at katiwasayan,” ang ano mang gawang-taong kapayapaan ay tiyak na nakasalalay sa isang mapanganib na pundasyon. (1 Tesalonica 5:3) Ang gastos ng militar ay tinataya ngayon na malapit nang isang trilyong dolyar taun-taon sa buong daigdig. Sapol noong Digmaang Pandaigdig II, puwera ang kombensiyonal na mga armas, ang gastos ng pagtatayo ng mga nuclear arsenals ay tinataya na tatlo hanggang apat na trilyong dolyar na anupat hindi marahil aasahan na magkakagayon sa panahong ito na ang UN ay nanawagan para sa dedikasyon sa pandaigdig na kapayapaan at katiwasayan! Sa katunayan, ayon kay Vernon Walters, embahador ng E.U. sa United Nations, ang United Nations ay lumihis na sa kaniyang bahagi bilang isang institusyon para sa paglutas ng alitan,” at sinira ang pag-asa ng mga naniniwala na “ang UN ay higit pa ang magagawa kaysa kaniyang nagawa kung tungkol sa paglutas sa alitan.”
Gayunman, ang mga salitang sinipi na buhat sa Isaias 2:4 ay matutupad—subalit hindi sa 1986, o kung sakali man, sa pamamagitan ng pagsisikap ng isang gawang-taong organisasyon. Sa halip, ang tunay na kapayapaan at katiwasayan ay malapit nang pangyarihin ng isang makalangit na gobyerno, na ang di-nakikitang lider ay tunay ngang ang “Prinsipe ng Kapayapaan.”—Isaias 9:6, 7.
Gantihang Nuklear—Paghihiganti ba ng Diyos?
Ang paggamit ba ng mga armas nuklear ay makatuwiran bilang pagganti sa kaaway na gumamit ng mga armas nuklear sa pag-atake? Oo, ang sabi ng Free Church of Scotland sa isang kamakailang isyu ng magasin ng kanilang simbahan, na The Monthly Record. Sinabi ng artikulo na ang gayong pagganti ay lalabas na isang “matuwid na pagbubuhos ng galit ng Diyos” dahilan sa “banal na utos na magbuhos ng galit laban sa masama.” Binanggit din ng Record na kasali sa kanilang pagpapatotoo ang pagpapahayag ng paghuhukom ng Diyos sa “bansang iyon . . . na unang umaatake sa panahon ng isang digmaang nuklear.”
Na magkakaroon ng “araw ng paghihiganti ng ating Diyos” ay tiyak. (Isaias 61:1, 2) Subalit ang paghihiganti ng Diyos laban sa militaristikong mga bansa ay gagawin sa itinakdang panahon at sa paraan na minagaling niya. Sa halip na yao’y galit ng isang bansa sa lupa, dahil sa “sariling galit” ng Diyos ay “ipapahamak ang mga nagpapahamak sa lupa.” Sa paano? Sa pamamagitan ng pagsusugo sa “Hari ng mga hari,” ang Panginoong Jesu-Kristo, ‘upang humatol at makipagdigma ayon sa katuwiran.’ Ang kaniyang makalangit na Kaharian ang “dudurog at wawakas sa lahat ng mga kahariang ito.”—Apocalipsis 11:18; 19:11-21; Daniel 2:44.