Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w88 2/15 p. 21
  • Ang Kahulugan ng mga Balita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kahulugan ng mga Balita
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • “Ama Namin . . .”
  • Mga Simbahan na Nasa Pagkakautang
  • Masamang Libangan
  • Pagiging Interesado sa Okulto—Ano ang Masama Rito?
    Gumising!—2002
  • Ang Kinabukasan ng Protestantismo—At ang sa Iyo!
    Gumising!—1987
  • Sino Talaga ang Nasa Likod ng Okultismo?
    Gumising!—2011
  • Dapat ba Tayong Dumalo sa mga Kristiyanong Pagpupulong?
    Gumising!—2001
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
w88 2/15 p. 21

Ang Kahulugan ng mga Balita

“Ama Namin . . .”

“Ang mga babae sa palibot ng bansa ay nagsasabi sa kanilang mga kapuwa mananamba na nababahala sila sa paggamit ng wala kundi mga pananalitang panlalaki (‘Ama Namin na nasa Langit’) sa mga serbisyo sa pagsamba,” ayon sa pag-uulat ng Minneapolis Star and Tribune. “Kanilang nadarama na sila’y mistulang mga mamayang pangsegunda klase, ayon sa sabi ng mga babae, at sila’y hindi makapag-ugnay ng kanilang sarili sa isang diyos na lalaki.” Sa pagsuporta sa isyung iyan, ang lupong tagapangasiwa ng United Methodist Church sa Minneapolis, Minnesota, E.U.A., ay bumoto na pabor sa isang bagong listahan ng mga pananalitang gagamitin ng mga nagsisimba pagka kanilang tinutukoy ang Diyos kung nananalangin, kung mga serbisyo sa pagsamba, at iba pang mga aktibidades ng simbahan.

Ang ilan sa mga pananalitang walang kasarian na inihanda ng lupon ng simbahan ay “bukal ng kapayapaan, bukal ng awa, matapat at mapagmahal na isa, lakas ng ating buhay, . . . isip ng uniberso, . . . mataas at banal na isa.” Ang paggamit sa mga pananalitang ito ay ipapayo na gamitin kahalili ng mga panghalip na panlalaki gayundin ang mga terminong gaya ng Panginoon, Hari, at Ama, na ang turing sa Diyos ay lalaki.

Datapuwat, ang pagtanggi sa Bibliya sa paggamit nito ng mga pananalitang panlalaki na tumutukoy sa Diyos ay walang batayan. Noong mga sandaling bago siya mamatay, ang bugtong na Anak ng Diyos, si Jesus, ay gumamit ng espisipikong salitang Aramaika na Abba, na ang ibig sabihin ay “Ama,” nang siya’y nanalangin sa Diyos na Jehova. (Marcos 14:36) Gayundin, ginamit ni apostol Pablo ang salitang ito upang ipakita ang matalik na relasyon sa pagitan ng pinahiran-ng-espiritung mga Kristiyano at ng kanilang makalangit na Ama, si Jehova. (Roma 8:15; Galacia 4:6) Samakatuwid, kung tinuruan ni Jesus ang kaniyang mga alagad na manalangin na sinasabing, “Ama namin na nasa langit,” hindi ba dapat na lahat ng Kristiyano sa ngayon ay ganiyan din ang gawin?​—Mateo 6:9.

Mga Simbahan na Nasa Pagkakautang

Pagkatapos ng isang pulong ng sinodo ng Dutch Reformed Church sa hilagang Transvaal, Timog Aprika, iniulat na ang 134 na mga kongregasyon ng relihiyong ito ay nasa pagkakautang ng halagang R13,890,000 ($6,667,000, U.S.). Sa pagkukomento tungkol sa problema, isang editoryal sa pahayagang Afrikaans na Beeld ang nagtanong: “Subalit, kung minsan hindi ba ang pagkakamali ay nasa ministro at sa konsilyo ng simbahan?” Ganito ang paliwanag ng pahayagan: “Kalimita’y nangyayari na ang diakono ay regular na gumagawa ng buwanang pagdalaw sa bahay-bahay upang mangulekta ng salapi, bagaman ang ministro ay halatang-halata dahilan sa hindi niya pagdalo at ang elder ay isang estranghero sa kaniyang lugar. Ang mga miyembro ba ng simbahan, sa gayong mga pagkakataon, ay masisisi sa pagkakaroon ng impresyon na ang simbahan ay interesado lamang sa kanilang salapi, hindi sa kanilang kapakanang espirituwal?”

Ibang-iba rito, sa ministeryo ni Jesus at ng kaniyang mga alagad ay idiniin ang espirituwal na pagbibigay. (Mateo 10:8) Bagaman ang nagpapahalagang mga tagapakinig ay malimit na tumutulong sa pamamagitan ng kusang pagkakaloob ng mga pangunahing mga pangangailangan na gaya ng pagkain at tirahan, si Jesus ni ang kaniyang mga alagad man ay hindi naghangad ng materyal na pakinabang. (Lucas 10:5-9) Gaya ng sabi ni apostol Pablo: “Wala akong inimbot na pilak o ginto o kasuotan ng sinumang tao.” Sa halip, ipinayo niya sa mga tunay na ministro ng Diyos na sa kanilang “pamumuhay mangilag [sila] sa pag-ibig sa salapi.” Ang kaniyang pagdalaw sa bahay-bahay ay ginawa niya upang ‘magpatotoo tungkol sa pagsisisi sa harap ng Diyos at sa pananampalataya sa ating Panginoong Jesus.’ (Gawa 20:20, 21, 33; Hebreo 13:5) Yaong mga pinunong relihiyoso sa kaarawang iyon ang tinukoy ng manunulat ng Bibliya na si Lucas bilang “mga maibigin sa salapi.”​—Lucas 16:9-15.

Masamang Libangan

Parang katuwaan lamang, mga mag-aaral na Aleman sa Lahnstein ang nagsimulang udyukan ang mga espiritu sa okulto na magsalita sa pamamagitan ng isang basong inuman na gumagalaw sa letra at letra, “sumusulat” ng isang mensahe. Ano ba ang naging resulta?

“Yaong mga kinse-anyos, na natatakot pumuntang mag-isa sa banyo, ay nagsasalita ng walang kawawaan tungkol sa mga demonyo. Kung gabi, ang ibig ng mga bata ay matulog na katabi ng kani-kanilang mga magulang,” ang pag-uulat ng Alemang pahayagan na Rhein-Zeitung. Nagkagulo ang marami na “sa mga miting na hindi ipinagmamakaingay ay nanawagan sa mga espiritu at sa katapus-tapusan ay kay ‘Lucifer.’” Bilang komento sa epekto sa mga bata “pagka si ‘Lucifer,’ ay inaakalang nakikipag-unayan sa kanila,” ganito ang sabi ng isang guro: “Kahit ang pinakabalisang-balisang bata ay nasusupil nang husto. Sila’y nangingilabot.” Pagkatapos ng karanasan, ibinawal ng sentro sa lunsod para sa kabataan ang gayong “mga laro,” at sinabihan ang mga magulang na huwag iwanan nang nag-iisa ang kanilang nahihintakutang mga anak.

Alinsunod sa pahayagan, “ang lumalaganap na okultismo ay lumiligwak hanggang sa mga pelikula sa sine, sa TV, at sa mga plaka.” Gayunman, ang panghihimasok sa okultismo bilang libangan ay hindi nagsilbing katuwaan sa mga mag-aaral na Aleman ng Lahnstein ayon sa kanilang inaasahan. Bakit hindi? Sapagkat sinasabi sa atin ng Bibliya na ang Diyablo ay magdaraya at “dinadaya ang buong tinatahanang lupa.” Ang ginagawa ng Diyablo sa lupa ay sinasabing isang ‘kaabahan.’ Si Satanas at ang kaniyang “mga hukbo ng masasamang espiritu” (ang mga demonyo) ay dapat na dibdibang ituring na isang tunay na espirituwal na panganib at iwasan.​—Apocalipsis 12:9, 12; Efeso 6:11, 12; ihambing ang Gawa 19:19.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share