Natatandaan Mo Ba?
Nasiyahan ka ba sa pagbabasa sa kamakailang labas ng Ang Bantayan? Bueno, tingnan natin kung masasagot mo ang sumusunod na mga katanungan:
◻ Ano ba ang saligan ng isang matagumpay na pag-aasawa?
Ang mag-asawa ay kailangang magpakita ng pag-ibig, paggalang, at katapatan sa isa’t isa, na pinahahalagahan ang mga katangian ng isa’t isa at natututong palampasin at patawarin ang mga kahinaan ng isa’t isa.—5/15, pahina 15.
◻ Sa papaanong ang mga batas na ibinigay ng Diyos sa Israel ay tumulong sa kanila sa pananatiling banal?
Ang mga batas ni Jehova ay tumulong sa mga Israelita na manatiling malinis sa espirituwal, sa moral, sa mental, sa pisikal, at sa makaseremonyang paraan, itong huli ay may kinalaman sa kanilang pagsamba.—6/1, pahina 11.
◻ Ano ang ibig sabihin ng pananalitang “mental hygiene” (kalinisan ng isip)?
Ang ibig sabihin ng “mental hygiene” (kalinisan ng isip) ay matinding pagsisikap sa ganang atin na maging malinis sa isip sa pamamagitan ng pagbubulay-bulay sa mga bagay-bagay na ‘totoo, matuwid, at malinis’ at ‘patuloy na pinag-iisipan ang mga bagay na ito.’ (Filipos 4:8)—6/1, pahina 16.
◻ Bakit sinabi ni Jesus na ang kaniyang pagkanaririto ay magiging “gaya ng kidlat”? (Lucas 17:24)
Dito’y ipinakikita ni Jesus na ang patotoo ng kaniyang pagkanaririto na taglay ang kapangyarihan sa Kaharian ay makikita sa isang malawak na lugar, anupa’t lahat ng ibig makasaksi niyaon ay makauunawa sa bagay na iyon.—6/15, pahina 8.
◻ Bakit ang mga asal Kristiyano ay tuwirang may kaugnayan sa pag-ibig Kristiyano?
Ang mga asal Kristiyano—ang paraan ng pakikitungo natin sa iba, ang ating tindig, ang ating kilos, at ang ating kinagawiang asal—ay isang patotoo kung gaano ang ating pagtingin sa mga ibang tao. Ipinakikita ng ating mga asal ang lalim ng ating pag-ibig sa kanila. (Juan 13:35; 1 Corinto 10:24; 13:4-7)—6/15, pahina 14.
◻ Kailan magaganap ang kasal ni Jesus at ng “kaniyang asawa” na binubuo ng 144,000 tapat na pinahirang mga tagasunod niya? (Apocalipsis 19:7, 8)
Ang kasalang ito ay magaganap pagkatapos ng digmaan ng Armagedon at ng pagbubulid kay Satanas sa kalaliman. Kung magkagayo’y maipagbabangong-puri ni Jehova ang kaniyang soberanya sa pamamagitan ng pag-aalis dito sa lupa ng mga humahamon sa kaniyang paghahari at ng paglipol dito ng balakyot na impluwensiya ni Satanas at ng kaniyang mga demonyo.—7/1, pahina 24.
◻ Papaanong ang pamatok ng pagkaalagad ay nagdadala ng kaginhawahan, gaya ng ipinakikita ng mga salita ni Jesus sa Mateo 11:29, 30?
Yamang si Jesus ay makatuwiran, isang kaginhawahan ang gumawang kasama niya sa ilalim ng iisang pamatok. Kaniyang isinasaalang-alang ang ating limitadong mga kakayahan at mga kahinaan. At anong laking kaginhawahan ang ibalita sa iba na sila’y maaaring mabuhay magpakailanman sa Paraiso!—7/15, pahina 20.
◻ Ano ba “ang muling-paglalang” na tinutukoy ni Jesus sa Mateo 19:28?
Ipinakita rito ni Jesus na magkakaroon ng “muling-paglalang” sa mga kalagayan sa lupa kung kaya’t ang mga bagay ay magiging kagaya rin ng umiral sa halamanan ng Eden.—8/1, pahina 9.