Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w89 9/15 p. 30
  • Ang Kahulugan ng mga Balita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kahulugan ng mga Balita
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Impluwensiya ng Satanismo
  • “Hindi Masupil”
  • Mga Kabataan Ngayon—Madaling Mabiktima ng Satanismo?
    Gumising!—1994
  • Pagsamba kay Satanas sa Panahon Natin
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Pagiging Interesado sa Okulto—Ano ang Masama Rito?
    Gumising!—2002
  • Isang Nakamamatay, Lumalagong Panganib
    Gumising!—1989
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
w89 9/15 p. 30

Ang Kahulugan ng mga Balita

Ang Impluwensiya ng Satanismo

Pagkatapos manaliksik tungkol sa impluwensiya ng Satanismo sa musikang rock at heavy metal rock, ang kolumnistang si Tom Harpur ng isang pahayagan sa Toronto ay sumulat sa The Sunday Star: “Kailangang magpalabas ako ng posibleng pinakamatinding babala tungkol sa nangyayari. . . . Ako’y ngayon lamang nakakita ng ganiyang ubod-sama. Ang mga awit ay punung-puno ng kabaliwan, pagkainaalihan, mga demonyo, dugo, pagmumura, lahat ng uri ng karahasan, kasali na ang panggagahasa, pag-aabuso sa sarili, pagpatay, at pagpapatiwakal. Ang kamatayan at kapahamakan, mga hula ng tiyak na pagkapahamak, ang pagtatatuwa sa lahat ng kabutihan at pagsunod sa lahat ng nakapangingilabot at masama​—ito ang mga tema.”

Kasabay ng pagbangon ng satanikong musika ang pagdami ng aktibidad ng satanikong kulto sa Estados Unidos at Canada. Sa pag-uulat ng isang kamakailang seminar ng pulisya sa Ontario, sinasabi ng The Globe and Mail, isang pahayagan sa Canada, na mga kultong sataniko ang “kasangkot sa mga sakripisyong hayop, paglapastangan sa mga libingan at sa rituwal na pag-abuso sa mga bata.” Sang-ayon sa tiktik na si James Bradley ng Washington, D.C., ang daan-daang kaso ng pag-abuso sa mga bata ay kaugnay ng rituwal na mga krimen ng Satanismo. Ayon sa pagkasipi ng The Globe and Mail, isinusog ng tiktik na si Bradley na noong mahigit na limang taóng lumipas, ang mga ulat tungkol sa mga rituwal ng pag-abuso sa mga bata ay nanggaling sa “daan-daang mga bata, daan-daang mga social workers at mga guro.”

Tungkol sa “mga huling araw” ng kasalukuyang balakyot na sistema ng mga bagay, si apostol Juan ay sumulat: “Ang Diyablo’y bumaba sa inyo na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya.” (2 Timoteo 3:1; Apocalipsis 12:12) Ang impluwensiya ni Satanas, “ang tagapamahala ng kapamahalaan ng hangin,” ay tumatagos kahit na sa popular na musika ng sanlibutang ito. (Efeso 2:2) Kaya naman si apostol Pablo ay nagpayo sa mga kapuwa Kristiyano na “manindigang matatag laban sa mga pakana ng Diyablo.”​—Efeso 6:11.

“Hindi Masupil”

Nang isang 28-anyos na babaing jogger ang gulpihin at halayin sa Central Park ng New York City, angaw-angaw na mga tao ang nabigla at nabalisa. Ang dahilan? Ang buhong at ubod-lupit na pag-atakeng iyon ay ginawa ng isang barkadahan ng mga tinedyer na “ang pagkakatuwaan pagkatapos at pagkawalang-bahala sa ibinungang pagdurusa ay tunay na kakila-kilabot,” ang ulat ng New York Post. Ang iba sa mga kabataang may kagagawan ng buktot na krimeng iyon ay iniulat na 14-anyos lamang. Dahil sa pagkabahala sa katampalasanang iyon, inamin ng isang manunulat ng Post na ang daigdig ay “walang disiplina, mapagpalayaw-sa-sarili, sugapa sa droga, mahilig sa sekso, watak-watak ang pamilya, haling-sa-karahasan na lipunan” na “hindi masupil at ang tanong ay: bakit?”

Ang totoo, ang salinlahing ito ng walang-katulad na karahasan ay siyang mismong inihula ni apostol Pablo sa 2 Timoteo 3:1-5. Doon ay kaniyang ipinaliliwanag na sa “mga huling araw” ay lilitaw ang mga taong “mapag-imbot, masakim, mayayabang, at maibigin sa sarili.” At higit pa, “sila’y mang-iinsulto, masuwayin sa kanilang mga magulang, walang utang na loob, at walang hilig sa relihiyon; sila’y magiging walang-awa, di-mahahabagin, mapanirang-puri, mararahas, at mababalasik; kanilang kapopootan ang mabuti; sila’y magiging taksil, walang-ingat, at mayayabang; mahilig sa kalayawan kaysa Diyos.” (Today’s English Version) Ang marahas na sanlibutan bang ito ay mananatiling “hindi masupil” magpakailanman? Hindi! Sinabi ni Jesus: “Ngunit pagsisimula ng mga bagay na ito, tumayo na kayo nang tuwid at itaas ang inyong mga ulo, sapagkat nalalapit na ang inyong kaligtasan.”​—Lucas 21:28.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share