Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp19 Blg. 2 p. 4-5
  • Kapag May Trahedya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kapag May Trahedya
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2019
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • NAGBIBIGAY NG PAG-ASA ANG MGA KATOTOHANAN SA BIBLIYA
  • Handa Ka Ba?
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2020
  • Ihagis Mo kay Jehova ang Lahat ng Iyong Kabalisahan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2016
  • Magwawakas ang Traumatic Stress!
    Gumising!—2001
  • Kung Paano Makakayanan ang Sobrang Pag-aalala
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2022
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2019
wp19 Blg. 2 p. 4-5
Dalawang lalaki na nakaupo sa isang nagibang pader ng bahay

Kapag May Trahedya

“Nanlumo kami sa aming nakita. Lahat ng ipinundar namin ay sinira ng mudslide at baha.”—Andrew, Sierra Leone.

“Pagkatapos ng bagyo, umuwi kami. Walang natira. Tulala kaming lahat. Napaluhod ang anak ko at napaiyak.”—David, Virgin Islands.

KUNG nakaligtas ka sa isang sakuna, maiintindihan mo ang nararanasan ng ibang biktima: tulala, di-makapaniwala, nalilito, nababalisa, at binabangungot. Dahil sa pagod at pagkasira ng loob, maraming nakaligtas ang ayaw nang mabuhay.

Kapag sinira ng trahedya ang buhay mo, baka parang gusto mo na ring sumuko. Baka nga maisip mong wala nang saysay ang buhay mo. Pero sinasabi ng Bibliya na may saysay ang buhay mo at may dahilan kang magtiwala sa isang magandang kinabukasan.

NAGBIBIGAY NG PAG-ASA ANG MGA KATOTOHANAN SA BIBLIYA

Sinasabi sa Eclesiastes 7:8: “Mas mabuti ang wakas ng isang bagay kaysa sa pasimula nito.” Kapag nagsisimula ka pa lang bumangon, parang wala kang kapag-a-pag-asa. Pero habang nagsisikap kang bumangon, unti-unting gaganda ang mga bagay-bagay.

Inihula ng Bibliya na darating ang panahong “wala nang maririnig . . . na pag-iyak o paghiyaw dahil sa pagdurusa.” (Isaias 65:19) Magkakatotoo ito kapag naging paraiso na ang lupa sa ilalim ng Kaharian ng Diyos. (Awit 37:11, 29) Mawawala na ang mga sakuna. Mawawala na ang lahat ng masasakit at masasamang alaala, dahil nangako ang Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat: “Ang dating mga bagay ay hindi na maaalaala pa, at mawawala na ang mga ito sa puso.”—Isaias 65:17.

Isipin ito: Bibigyan ka ng Maylalang ng “magandang kinabukasan at pag-asa”—mapayapang buhay sa ilalim ng perpektong pamamahala ng Diyos. (Jeremias 29:11) Makakatulong ba ang katotohanang ito para magkaroon ng saysay ang buhay mo? Sinabi ni Sally, na nabanggit sa naunang artikulo: “Kapag inaalaala mo ang magagandang bagay na gagawin ng Kaharian ng Diyos sa hinaharap, makakayanan mong palampasin ang nakaraan at harapin ang kasalukuyan.”

Bakit hindi alamin ang malapit nang gawin ng Kaharian ng Diyos para sa mga tao? Anumang trahedya ang naranasan mo, makakatiyak kang may saysay ang buhay mo dahil may hinihintay kang magandang kinabukasan. Samantala, nagbibigay ang Bibliya ng praktikal na patnubay para makayanan mo ang trahedya. Tingnan ang ilang halimbawa.

Mga Tekstong Makakatulong sa Iyo

Magpahinga nang sapat.

“Mas mabuti ang sandakot na pahinga kaysa sa dalawang dakot ng pagpapakapagod at paghahabol sa hangin.”—Eclesiastes 4:6.

Ayon sa mga mananaliksik, pagkatapos ng isang masaklap na karanasan, “puwedeng lumala ang sintomas ng trauma at mas mahihirapan kang kontrolin ang iyong emosyon kapag kulang ka sa tulog.” Kaya mahalaga ang sapat na pahinga.

Ipakipag-usap ang iyong nadarama.

“Ang sobrang pag-aalala ay nagpapabigat sa puso ng [o, “nagpapadepres sa,” talababa] tao, pero ang positibong salita ay nagpapasaya rito.”—Kawikaan 12:25.

Makipag-usap sa isang kapamilya o pinagkakatiwalaang kaibigan na makikinig sa iyo. Mapapatibay ka ng iyong mga kapamilya at matalik na kaibigan at mapapayuhan ka rin nila.a

Isip-isipin ang magandang kinabukasan.

“May hinihintay tayong bagong langit at bagong lupa gaya ng pangako [ng Diyos], at sa mga ito ay magiging matuwid ang lahat ng bagay.”—2 Pedro 3:13.

a Ang isang tao na matagal nang dumaranas ng stress o matinding kabalisahan ay baka kailangang magpatingin sa doktor.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share