Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG PEBRERO 8-14
10 min: Lokal na mga patalastas at “Serye ng mga Pahayag Pangmadia sa Aklat na Worldwide Security.” Ipaalaala sa lahat na dalhin ang kanilang aklat sa unang pahayag sa Linggo, Pebrero 15. Magpasigla para sa gawain sa magasin sa ikalawang Sabado.
20 min: “Ang Pambuong Daigdig na Ulat ng Paglilingkod—Isang Sanhi ng Kagalakan.” Tanong-sagot.
15 min: Gaano Karami ang Maaaring Mag-auxiliary Payunir sa Tag-araw na Ito? Pasisiglahin ng tsirman ang lahat na isaalang-alang ang gawaing auxiliary payunir mula Marso hanggang Mayo. Ipagunita sa lahat ang tungkol sa pantanging pulong na idaraos sa Pebrero 15 para doon sa nagpaplanong magsagawa nito. Himukin ang lahat na dumalo. Bakit hindi talakayin bilang isang pamilya kung ilan sa inyong sambahayan ang maaaring mag-auxiliary payunir sa tag-araw na ito? Kapanayamin ang dalawa o tatlong mamamahayag na nagpayunir na nang nakaraang mga taon samantalang tag-araw. Anong mga pagpapala ang tinamo nila? Sulit ba ang pagsisikap na ginawa nila? Bakit nila mairerekomenda iyon sa iba? Magtapos sa pamamagitan ng pagbibigay ng pampatibay-loob upang gawing isang pantanging panahon ng gawain ang tag-araw na ito.—Roma 12:11.
Awit 213 at panalangin.
LINGGO NG PEBRERO 15-21
10 min: Lokal na mga patalastas, Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian, at ulat ng kuwenta.
18 min: “Ang mga Bagong Labas sa Kumbensiyon ay Nagsasangkap sa Atin na Gawin ang Kalooban ng Diyos.” Tanong-sagot na pagtalakay sa pamamagitan ng matanda.
17 min: Pahayag sa “Ang Inyo bang Anak na Kabataan ay ‘Lumalaki Patungo sa Kaligtasan’?” salig sa Agosto 1, 1986 Bantayan pahina 27-31.
Awit 183 at panalangin.
LINGGO NG PEBRERO 22-28
10 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita. Magpasigla para sa gawain sa magasin sa ikaapat na Sabado, gayundin sa pantanging Linggo ng pagpapatotoo sa Marso 1. Magbigay ng karagdagang pampatibay-loob ukol sa pag-aauxiliary payunir sa Marso.
20 min: “Gawing Mabisa ang Paggamit ng Bagong Brochure.” Tanong-sagot na pagtalakay. Itampok ang dalawang pagtatanghal ng mga may kakayahang mamamahayag sa pagtalakay ng materyal sa estudiyante sa Bibliya. Gamitin ang “Mga Pulong para sa Pag-uudyukan sa Pag-iibigan at Mabubuting Gawa” sa unang pagtatanghal at “Pinag-uusig Dahil sa Katuwiran” sa ikalawa.
15 min: Pahayag sa “Naghahanap Ka ba ng Kapareha sa Buhay?”, salig sa Bantayan ng Nobyembre 15, 1986, mga pahina 26-30.
Awit 115 at panalangin.‘
LINGGO NG MARSO 1-7
7 min: Lokal na mga patalastas.
23 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Isang Mataktikang Paraan.” Tanong-sagot na pagsaklaw. Itanghal ang mga punto mula sa parapo 7 hinggil sa pagpapasigla sa isang tinuturuan na dumalo sa mga pulong nang palagian.
15 min: Alok na Literatura para sa Marso. Talakayin ang angkop na mga litaw na punto at mga ilustrasyon na maaaring gamitin kapag iniaalok ang aklat na Mabuhay Magpakailanman sa Marso. Itanghal ng mga may kakayahang mamamahayag ang dalawang presentasyon sa aklat.
Awit 66 at panalangin.