Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG ENERO 11-17
10 min: Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian at lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita.
15 min: “Ialok ang mga Matatandang Publikasyon sa Enero.” Tanong-sagot na pagtalakay na may maikling pagtatanghal kung papaano gagamitin ang bagong Paksang Mapag-uusapan kasama ng matatandang mga publikasyon. Ipabatid sa mga kapatid kung anong mga aklat at mga bukleta ang maaari nilang gamitin sa pantanging kampanyang ito.
13 min: Pagtalakay sa “Tanong” sa tagapakinig ng punong tagapangasiwa.
7 min: Pagsusuri sa Kasulatan Araw-Araw. Pahayag salig sa teksto sa araw na ito at mga komento.
Awit 191 at panalangin.
LINGGO NG ENERO 18-24
8 min: Lokal na mga patalastas at ulat ng kuwenta. Pag-usapan ang paghaharap ng magasin at pasiglahin ang lahat na tangkilikin ang pagpapatotoo sa magasin sa ika-4 na Sabado ng buwan.
17 min: “Para sa Akin at sa Aking Sambahayan . . . ” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo ng matanda o ministeryal na lingkod na may huwarang pamilya. Mangatuwiran hinggil sa pangangailangan ukol sa nagkakaisang pagsamba upang patibayin ang pamilya laban sa pagsalakay ni Satanas. May kaugnayan sa parapo 5 at 6, itanghal na ang magulang at anak ay nagtapos sa sesyon ng pagsasanay, na sinusundan ng paghaharap ng bata ng kasalukuyang alok sa maybahay.
20 min: Pangangasiwa ng Mabisang mga Pag-aaral sa Bibliya. Pahayag na hinihimok ang lahat na magdaos ng mga pag-aaral sa Bibliya, lakip na ang mga pag-aaral sa pamilya, sa paraang maaabot ang puso. Repasuhin ang ilan sa mga punto na nakabalangkas sa tsart sa pahina 24 ng Nobyembre 1, 1986 ng Bantayan sa ilalim ng tanong na “Paano mo matitiyak na narating mo ang puso ng bata?” at gayundin ang mga punto sa artikulong “Sa Pagtuturo Mo, Paabutin Mo sa Puso,” sa Pebrero 1, 1985 ng Bantayan, pahina 13-18.
Awit 10 at panalangin.
LINGGO NG ENERO 25-31
10 min: Lokal na mga patalastas. Ilakip ang ilang karanasang tinatamasa ng mga payunir o mamamahayag sa paglalagay ng mga matatandang aklat o mga bukleta sa buwang ito.
23 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Gumamit ng mga Mabibisang Pambungad.” Tanong-sagot. Itanghal ang dalawang pambungad na itinampok sa parapo 4. Suriin kasama ng tagapakinig kung bakit ang mga ito ay mabisa.
12 min: “Bagong Programa ng Pansirkitong Asamblea.” Masiglang pahayag tungkol sa bagong programa ng pansirkitong asamblea na magpapasimula sa Pebrero.
Awit 203 at panalangin.
LINGGO NG PEBRERO 1-7
12 min: Lokal na mga patalastas. Himuking itaguyod ang pagpapatotoo sa unang Linggo sa Pebrero 7. Itampok ang patuloy na paggamit ng mga matatandang aklat at mga bukleta sa pantanging halaga sa Pebrero.
18 min: “Pagtulong sa di Palagiang mga Mamamahayag.” Tanong-sagot. Ilakip ang mga mungkahi na makatutulong sa mga lokal na mamamahayag na di palagian.
15 min: Lokal na pangangailangan o pahayag sa “Ang Kaligayahan sa Pagbibigay—Nararanasan Mo ba Ito?” salig sa unang artikulo sa Nobyembre 22, 1987 Gumising!
Awit 12 at panalangin.