Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/89 p. 1-2
  • Tulungan ang Iba na Magpahalaga sa Pag-ibig ng Diyos

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tulungan ang Iba na Magpahalaga sa Pag-ibig ng Diyos
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • ANG MEMORYAL
  • HUWAG MABUHAY PARA SA SARILI
  • “Patuloy na Gawin Ito sa Pag-alaala sa Akin”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Pinagpapala ni Jehova ang mga Nagsisikap na Ipagdiwang ang Memoryal
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2023
  • “Lubusang Magpatotoo sa Mabuting Balita”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
  • Maging Masigasig sa Mabuti!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
km 3/89 p. 1-2

Tulungan ang Iba na Magpahalaga sa Pag-ibig ng Diyos

1 “Ipinagtatagubilin ng Diyos ang kaniyang pag-ibig sa atin, na nang tayo’y mga makasalanan pa, si Kristo ay namatay dahil sa atin.” (Roma 5:8) Ang mga salitang ito ay nagpapakita ng nagpapakilos na puwersa sa likuran ng pangako ni Jehova na iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan at kamatayan. (Juan 3:16) Ang kadakilaan ng pag-ibig ng Diyos ay nahahayag yamang ipinakita ito sa buong sangkatauhan, kahit na hindi kinikilala ng karamihan ang kaniyang awtoridad sa kanilang buhay.

2 Yamang ang pagkakataon para sa buhay na walang hanggan ay maaaring tamuhin ng lahat ng tao, nais nating gawin ang lahat ng ating makakaya upang tulungan ang mga taong ating natatagpuan na mapahalagahan sa kanilang puso ang pag-ibig ng Diyos. Ito’y kailangan kung nais nating maging kalugod-lugod ang ating paglilingkuran sa Diyos. Papaano natin matutulungan silang magpahalaga sa dakilang pag-ibig ng Diyos?

ANG MEMORYAL

3 Sa Miyerkules, Marso 22, 1989, aalalahanin ng bayan ni Jehova ang kamatayan ni Jesu-Kristo. Ang ibibigay na maka-Kasulatang pahayag ay makatutulong sa maraming baguhan na higit na mapahalagahan ang pag-ibig ng Diyos at ang pangangailangang mamuhay nang kaayon ng kaniyang kalooban. Anyayahan ang marami hangga’t maaari na makadalo sa Memoryal. Naanyayahan na ba ninyo ang inyong mga kapitbahay? Kumusta naman ang inyong mga kamang-anak, kamag-aral, at mga kasama sa trabaho? Gamitin ang inimprentang paanyaya upang mapasimulan ang pag-uusap.

4 Pinasisigla ang mga matatanda na gumawa ng lubusang paghahanda sa Memoryal. Naisaayos na ba ang mga karagdagang upuan kung kakailanganin? Kung higit sa isang kongregasyon ang gagamit sa bulwagan, ang pagkakaroon ng kaayusan at isang mabuting eskedyul ay makatutulong upang maiwasan ang kalituhan. Dapat na pumili ang lupon ng matatanda ng isang kuwalipikadong tagapagsalita na maliwanag at maka-Kasulatang makapaghaharap nito. Ito’y makatutulong sa lahat ng naroroon na mapahalagahan kung ano ang ginawa ng Diyos sa kapakanan nila at ang pangangailangang tumugon nang buong-puso sa kaniyang pag-ibig.

HUWAG MABUHAY PARA SA SARILI

5 Si Jeus-Kristo ay “namatay dahil sa lahat, upang ang nangabubuhay ay huwag nang mabuhay pa sa kanilang sarili, kundi doon sa namatay dahil sa kanila.” (2 Cor. 5:15) Taglay ang may pagpapahalagang pangmalas na ito, sa Marso ang bayan ni Jehova ay gagawa ng higit pang pagsisikap kaysa karaniwan upang tulungan ang iba.

6 Ang Marso at Abril ay napatunayang napakainam na mga buwan upang makibahagi sa paglilingkuran bilang auxiliary payunir. Walang alinlangang maraming mga matatanda at ministeryal na lingkod, kasama ang mga miyembro ng kanilang pamilya, ang makikibahagi, sa gayo’y magbibigay ng isang mainam na halimbawa ng pagpapahalaga sa kongregasyon.

7 Sa Marso, gamitin ang bawa’t pagkakataon upang tulungan ang iba na magpahalaga sa pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pag-aanyaya sa mga baguhan sa Memoryal at sa pamamagitan ng masigasig na pakikibahagi sa ministeryo sa larangan. Sa ganitong paraan ay maipakikita natin na tayo’y may malaking pagpapahalaga sa pag-ibig ni Jehova sa paglalaan ng kaniyang Anak bilang isang handog.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share