Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG MARSO 5-11
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
20 min: “Maghanda na Ngayon Para sa Lalong Malaking Gawain sa Unahan.” Tanong-sagot. Magpasigla para sa paglalagay ng mga tunguhin at paggawang magkakasama ng mga pamilya upang tamasahin ang lalong malaking gawain sa larangan sa Marso at Abril.
15 min: Bagong Paksang Mapag-uusapan. Talakayin sa tagapakinig ang mga kasulatan sa Paksa at iharap ang mga litaw na punto sa aklat na Apocalipsis. Pagkatapos ay itanghal iyon ng isang may kakayahang mamamahayag o payunir.
Awit 137 at pansarang panalangin.
LINGGO NG MARSO 12-18
10 min: Lokal na mga patalastas. Ipagunita sa lahat ang pantanging pahayag pangmadla na pinamagatang “Abutin ang Tunay na Buhay!” upang kanilang maanyayahan ang mga interesado na dumalo.
18 min: “Pagdiriwang ng Memoryal sa 1990.” Pahayag ng punong tagapangasiwa na may pakikibahagi ang tagapakinig.
17 min: Pahayag sa “Subukin ang Pagiging Tunay ng Inyong Pag-ibig,” salig sa artikulo sa Bantayan ng Disyembre 1, 1989, pahina 24-7. Ikapit ito sa lokal na paraan, na ipinagugunita sa lahat ang pribilehiyo na mag-abuloy para sa proyekto ng pagtatayo sa Bethel sa regular na paraan hanggang sa ito’y matapos.
Awit 173 at pansarang panalangin.
LINGGO NG MARSO 19-25
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
22 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Kapag Nagbabakasyon.” Tanong-sagot.
13 min: Makapag-aauxiliary Payunir ba Kayo sa Abril? Pagtalakay. Pasiglahin ang lahat na maaaring magpayunir sa Abril. Kapanayamin ang isa o dalawang mamamahayag na nagpaplanong magpayunir. Papaano nila naisaayos ang kanilang eskedyul upang gumugol ng 60 oras sa ministeryo? Pasiglahin ang lahat na gumawang kasama ng mga payunir at pasulungin ang panahong gagamitin sa paglilingkod sa Abril.
Awit 128 at pansarang panalangin.
LINGGO NG MAR. 26–ABR. 1
10 min: Lokal na mga patalastas.
20 min: “Mga Mabibisang Pambungad.” Tanong-sagot. Itanghal ang pambungad na binalangkas sa parapo 4. Itanghal din ang isa sa mga pambungad sa aklat na Nangangatuwiran (p. 9-15) na angkop sa lokal na paraan.
15 min: Anyayahan ang mga taong interesado sa Memoryal. Tatalakayin at itatanghal ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Isaayos na itanghal ng isang may kakayahang mamamahayag kung papaano aanyayahan ang mga estudiyante sa Bibliya sa Memoryal, na ginagamit ang impormasyon sa ilalim ng “Memoryal” sa aklat na Nangangatuwiran, mga pahina 239-43 (266-9 sa Ingles).
Awit 194 at pansarang panalangin.
LINGGO NG ABRIL 2-8
10 min: Lokal na mga patalastas. Idiin na lubusang isagawa ang pag-aanyaya sa Memoryal. Nanaisin din ng mga matatanda na pasiglahin ang lahat na makalabas sa paglilingkod bago ang Abril 8 hangga’t maaari.
15 min: Pagtalakay sa “Tanong” ng isang matanda.
20 min: Lokal na pangangailangan o pahayag sa “Diligin ang Iyong mga Kamag-anak ng Nakarerepreskong Tubig ng Katotohanan” mula sa Bantayan ng Pebrero 15, 1990, mga pahina 25-8.
Awit 68 at pansarang panalangin.