Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/92 p. 2
  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Setyembre

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Setyembre
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Subtitulo
  • Linggo ng Setyembre 7-13
  • Linggo ng Setyembre 14-20
  • Linggo ng Setyembre 21-27
  • Linggo ng Set. 28–Okt. 4
Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
km 9/92 p. 2

Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Setyembre

Linggo ng Setyembre 7-13

Awit 162

10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Talakayin ang mga litaw na punto mula sa bagong magasin. Pasiglahin ang lahat na makibahagi sa paglilingkod sa larangan sa dulong sanlinggong ito.

20 min: “Mabisang Paggawa sa Bahay-bahay.” Tanong-sagot na pagtalakay. Pasiglahin ang mga auxiliary payunir sa Setyembre, at himukin ang iba na makisama sa kanila sa Oktubre. Banggitin na ang mga nag-aauxiliary payunir ay karaniwan nang napananatili ang mataas na antas ng gawain sa sumusunod na mga buwan at nagiging higit na mabisa sa kanilang mga presentasyon.

15 min: “Mga Pambungad Upang Pumukaw ng Interes.” Tanong-sagot na pagtalakay. Itanghal ang mga mungkahi sa parapo 4 na ginagamit ang brochure na Pamahalaan at sa parapo 5 na ginagamit ang brochure na Tamasahin ang Buhay.

Awit 155 at pansarang panalangin.

Linggo ng Setyembre 14-20

Awit 133

10 min: Lokal na mga patalastas, lakip ang ulat sa kuwenta at tugon sa mga donasyon. Papurihan ang kongregasyon para sa pinansiyal na pagtangkilik sa lokal na kongregasyon at sa pambuong daigdig na gawain ng Samahan.

20 min: Pagpapasulong ng Interes sa mga Pagdalaw Muli. Pagtalakay ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Nasumpungan ng marami na kasiyasiyang makipag-usap sa mga tao at mag-iwan ng literatura. (om p. 87-8) Kalakip sa pananagutan natin ang linangin ang interes sa puso ng mga nakakausap natin. Magharap ng maikling pagtatanghal kung papaanong ang isang tract ay maaaring gamitin upang mapasulong ang interes sa pagdalaw muli sa isang hindi napaglagyan ng literatura. Itampok ang isa o dalawang punto lamang. Magharap ng isang maikling demonstrasyon kung papaanong ang impormasyong nasumpungan sa indise ng aklat na Nangangatuwiran ay maaari ring gamitin. Patingkarin ang maikli at tuwirang mga punto sa publikasyon na magagamit upang mapasulong ang interes sa Bibliya. Ipakita kung papaano magsasaayos ng susunod na mga pagdalaw.

15 min: “Babilonyang Dakila.” Pagtalakay sa aklat na Nangangatuwiran, pahina 51-5 (49-53 sa Ingles). Pagtatanghal: Tinatalakay ng mamamahayag sa estudiyante sa Bibliya ang kaniyang pagsulong. Idiniriin ang pangangailangang maging banal sa pangmalas ni Jehova, maging karapatdapat sa Kaniyang tulong at pagpapala. (1 Ped. 1:15, 16) Idiin ang kahalagahan ng pagtakas ngayon sa Babilonya at pakikisalamuha sa banal na organisasyon ni Jehova. Magtatapos ang tsirman sa pamamagitan ng pagpapasigla sa mga kapatid na gamitin ang mga publikasyon upang akayin ang mga estudiyante tungo sa organisasyon at samantalahin ang iniaalok na tulong ng mga matatanda.

Awit 129 at pansarang panalangin.

Linggo ng Setyembre 21-27

Awit 113

10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita. Magpasigla sa pakikibahagi sa gawain sa larangan sa dulong sanlinggo, at banggitin ang ilang namumukod tanging mga litaw na punto sa pinakabagong magasin na maaaring gamitin upang umantig ng interes sa dulong sanlinggong ito.

20 min: “Paggamit ng Brochure na ‘Narito!’ sa mga Pagdalaw Muli.” Talakayin sa maikli ang mga punto sa unang dalawang parapo. Pagkatapos ay itanghal ang dalawang mga pagdalaw muli na ginagamit ang mga mungkahi sa parapo 3 at 5, na umaakay sa pagpapasimula ng isang pag-aaral sa Bibliya.

15 min: Taglay ba ng Inyong mga Anak ang Kaisipan ng Diyos sa Kanilang Puso sa Paaralan? Pahayag ng matanda. Tayo ay nabubuhay sa isang sanlibutan na nagsisikap na tayo’y hubugin sa kaniyang molde. At ito’y lalo nang totoo sa ating mga kabataan. Kailangan ng mga magulang na maging sensitibo sa kanilang mga pangangailangan at suliranin. (Kaw. 20:5) Ikintal ang batas at pag-ibig ng Diyos lakip na ang pag-ibig ng mga magulang sa kanilang mga anak. Pagtatanghal: Tinatalakay ng pamilya kung papaano gagamitin ang School brochure. Ang isang anak ay nasa unang taon sa paaralan, samantalang ang dalawa pang anak ay mga ilang taon na sa paaralan. Pumili ng punto na kakapit sa kalagayan ng bawat isa. Hayaang ipahayag ng mga anak ang saloobin sa sariling pananalita sa magulang na gumaganap ng papel ng guro. Tiyaking nauunawaan ng mga anak ang mga simulaing nasasangkot at makapagsasabi ng saloobin sa sariling pananalita, na hindi basta magsasabing iyon ang dikta ng kanilang magulang. Ang kapatid na may bahagi ay magpapasigla para sa pampamilyang pag-aaral sa Bibliya at idiriin ang pangangailangang magkaroon ang mga magulang ng malapit at matalik na pakikipagsamahan sa kanilang mga anak.

Awit 130 at pansarang panalangin.

Linggo ng Set. 28–Okt. 4

Awit 72

5 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang artikulong “‘Mga Tagapagdala ng Liwanag’ na mga Kombensiyon” at talakayin kung saang kombensiyon inatasang dumalo ang kongregasyon.

15 min: “Ang Hamon sa Pagsasagawa ng mga Pagdalaw Muli.” Tanong-sagot. Pagkatapos na isaalang-alang ang mga parapo 5 at 6, magkaroon ng dalawang pagtatanghal. (1) Ipakita kung papaanong ang isang tract ay maaaring gamitin sa pagpapasimula ng isang pag-aaral sa Bibliya. (2) Pumili ng isang paksa mula sa aklat na Nangangatuwiran at ipakita kung papaano ito gagamitin sa pagsagot sa katanungan sa isang pagdalaw muli. Itampok ang kahalagahan ng mga sesyon ng pagsasanay. Magpasigla sa pagsubaybay sa lahat ng interes.

10 min: Talakayin ang artikulong “Natatandaan Mo Ba?” sa Abril 15, 1992, ng Bantayan. Pasiglahin ang lahat na panatilihin ang mabuting eskedyul para sa pagbabasa ng mga magasin. Magbigay ng mga praktikal na mungkahi.

15 min: Gumagawa ba Kayo ng Espirituwal na Pagsulong? Pagtalakay ng matanda. Naabot ba ng mga nasa kongregasyon ang mga espisipikong tunguhin sa nakaraang taon ng paglilingkod? Kung hindi, bakit? Imungkahi ang posibleng mga tunguhin. Ang pagsulong ay kailangan upang mapangalagaan ang espirituwalidad. (Fil. 3:16) Maikling pagtatanghal ng isang pamilya na sa panahon ng kanilang pag-aaral sa Bibliya ay nirepaso ang kanilang ministeryo upang matiyak kung saan sila maaaring gumawa ng espirituwal na pagsulong. Sa pagtatapos, maaaring repasuhin sa maikli ng matanda ang nagawa ng kongregasyon sa paglilingkod sa larangan sa nakaraang taon.

Awit 126 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share