Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/97 p. 1
  • Unahin ang Higit na Mahahalagang Bagay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Unahin ang Higit na Mahahalagang Bagay
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Ulo ng Pamilya—Panatilihin ang Isang Mahusay na Espirituwal na Rutin
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
  • Bakit Dapat Tayong Magtipon Para sa Pagsamba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2016
  • Ano ang Inyong Kaugalian?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Magbigay Nang Maingat na Pansin sa Personal na Organisasyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
km 9/97 p. 1

Unahin ang Higit na Mahahalagang Bagay

1 Ano ang ilan sa mahahalagang bagay na kailangan ukol sa ating espirituwal na kalusugan? Tiyak na kasama rito ang personal na pag-aaral, pagdalo sa pulong, pagkamatiyaga sa pananalangin, mabuting asosasyon, at ministeryong Kristiyano. Hindi natin mapananatili ang mabuting kalusugan sa espirituwal kung hindi natin patuloy na gagawin ang mahahalagang bagay na pangunahin sa ating buhay.

2 Gayunman, tayong lahat ay may pakikipagbaka laban sa mga pita ng laman at nangangailangan ng disiplina. (Gal. 5:17) Hindi natin dapat isipin kailanman na may higit na pakinabang sa pagtataguyod ng makasariling kapakanan. (Jer. 17:9) Kaya, upang mapangalagaan natin ang ating puso at hindi mailigaw, ang regular na pagsusuri sa sarili ay mahalaga.—Kaw. 4:23; 2 Cor. 13:5.

3 Suriin ang Inyong Sariling Puso: Magagawa ninyo ito sa pamamagitan ng pagtatanong sa sarili ng ilang prangkang katanungan: Pinananabikan ko bang basahin ang Salita ng Diyos? (1 Ped. 2:2) Kinikilala ko ba ang kahalagahan ng pagdalo sa lahat ng pulong ng kongregasyon? (Heb. 10:24, 25) Ako ba ay matiyaga sa pananalangin? (Roma 12:12) Hinahangad ko bang makasama ang mga taong palaisip sa espirituwal na mga bagay? (Roma 1:11, 12) Nadarama ko ba ang personal na pananagutang ipahayag ang mabuting balita? (1 Cor. 9:16) Ang positibong mga kasagutan ay magpapakitang nais ninyong unahin ang higit na mahahalagang bagay.

4 Suriin ang Inyong Pang-araw-araw na Rutin: Kailangan ninyong ipagpatuloy ang pagsusuri sa mga nasain ng inyong puso sa pamamagitan ng paglalagay ng priyoridad sa paggamit ng panahon. Kalakip dito ang pag-iiskedyul ng panahon para sa regular na pagbabasa ng Bibliya at ng bawat isyu ng Ang Bantayan at Gumising!, at sa paghahanda para sa mga pulong. Dapat maglaan din ng panahon para sa pamilya upang mag-aral at manalanging magkakasama. Lagyan ng hangganan ang dami ng panahong ginugugol sa harapan ng TV o ng computer. Maging determinado na daluhan ang lahat ng pulong ng kongregasyon, at bigyan ng priyoridad ang pagdalo sa pulong. Isaplano ang pakikibahagi ng buong pamilya sa paglilingkod sa larangan bawat linggo.

5 Walang alinlangan, ang pag-una sa higit na mahahalagang bagay sa ating buhay ay tiyak na magiging sanhi ng kagalakan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share