Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/97 p. 2
  • Mga Pulong sa Paglilingkod sa Disyembre

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong sa Paglilingkod sa Disyembre
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Subtitulo
  • Linggo ng Disyembre 1-7
  • Linggo ng Disyembre 8-14
  • Linggo ng Disyembre 15-21
  • Linggo ng Disyembre 22-28
  • Linggo ng Dis. 29–Ene. 4
Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
km 12/97 p. 2

Mga Pulong sa Paglilingkod sa Disyembre

PANSININ: Ang Ating Ministeryo sa Kaharian ay mag-i-iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod sa bawat linggo ng Disyembre at Enero. Ang mga kongregasyon ay maaaring gumawa ng mga pagbabago kung kinakailangan para makadalo sa “Pananampalataya sa Salita ng Diyos” na Pandistritong Kombensiyon at pagkatapos ay para sa 30-minutong repaso ng tampok na mga bahagi ng programa sa Pulong sa Paglilingkod sa susunod na linggo. Ang repaso para sa bawat araw ng programa ng pandistritong kombensiyon ay dapat na iatas nang patiuna sa dalawa o tatlong kuwalipikadong kapatid na lalaki na makapagtutuon ng pansin sa mga namumukod-tanging punto. Ang pagrerepasong ito na pinaghandaang mabuti ay makatutulong sa kongregasyon na matandaan ang mga susing punto para sa personal na aplikasyon at upang magamit sa larangan. Ang mga komento mula sa tagapakinig at mga ilalahad na karanasan ay dapat na maikli at tuwiran sa punto.

Linggo ng Disyembre 1-7

Awit 57

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.

15 min: “Magsalita Hinggil kay Jehova sa Araw-Araw.” Tanong-sagot. Kapag sinasaklaw ang parapo 4, ilakip ang mga komento mula sa Giya sa Paaralan, aralin 16, parapo 14-16.

20 min: “Ang Bibliya—Patnubay ng Diyos Para sa Lahat ng Tao.” Tatalakayin ng isang matanda ang artikulo lakip na ang mga dahilan kung bakit ang bawat isa ay dapat na maudyukang suriin ang Bibliya. Kapanayamin sa maikli ang dalawang mamamahayag kung paano nila pinaghandaang gamitin ang iminungkahing mga presentasyon sa parapo 3, 5, at 7. Itanghal ang isa sa mga ito para sa unang pagdalaw at ang isa para sa pagdalaw-muli.

Awit 165 at pansarang panalangin.

Linggo ng Disyembre 8-14

Awit 58

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.

20 min: Bakit Dapat Ipagbigay-Alam ang Masama? Pahayag ng isang matanda salig sa Agosto 15, 1997, Bantayan, pahina 26-30.

15 min: “Hinahanap-hanap Ka!” Pagtalakay sa tagapakinig na pangangasiwaan ng isang matanda. Banggitin ang mga aberids ng dumadalo sa pulong ng kongregasyon. Anyayahan ang ilan na ilahad ang mga dahilan kung bakit sila’y nagiginhawahan kapag magkakasama sa mga pulong.

Awit 172 at pansarang panalangin.

Linggo ng Disyembre 15-21

Awit 63

15 min: Lokal na mga patalastas. Magbigay ng mga mungkahi kung paano mataktikang sasagutin ang mga makasanlibutang pagbati kung kapistahan. Balangkasin ang pantanging mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan sa Disyembre 25 at Enero 1. Repasuhin ang “Bagong Programa ng Pansirkitong Asamblea.” Tingnan ang pahina 4.

10 min: Lokal na mga pangangailangan.

20 min: “Dapat Tayong Maging mga Guro, Hindi mga Tagapangaral Lamang.” Tanong-sagot. Kapag sinasaklaw ang parapo 11, basahin ang Giya sa Paaralan, aralin 15, parapo 11.

Awit 174 at pansarang panalangin.

Linggo ng Disyembre 22-28

Awit 138

8 min: Lokal na mga patalastas.

17 min: “Ang Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro Para sa 1998.” Isang pahayag ng tagapangasiwa ng paaralan. Repasuhin ang mga paraan upang ang lahat ay makinabang nang lubusan mula sa paaralan sa susunod na taon. Pasiglahing umalinsabay sa bagong “Dagdag na Iskedyul sa Pagbasa sa Bibliya” bawat linggo.

20 min: Ipangaral ang Mabuting Balita sa Lahat ng Dako. Pagtalakay sa tagapakinig ng aklat na Ating Ministeryo, pahina 92-7, na ginagamit ang mga katanungang ito: (1) Bakit ang paggamit ng ating literatura ay mabisa sa pagpapalaganap ng mabuting balita? Bakit dapat nating ialok ang literatura sa bawat pagkakataon? Bakit mahalagang banggitin ang kaayusan sa donasyon? (2) Bakit dapat tayong maging alisto sa pagsasagawa ng impormal na pagpapatotoo? Ano ang ilang paraan upang magkapagpatotoo nang impormal? (Anyayahan ang ilan na maglahad ng mga karanasan sa impormal na pagpapatotoo.) (3) Bakit dapat magsikap ang kongregasyon na makubrehang mabuti ang atas na teritoryo nito? Kapag maraming teritoryo, bakit may bentahang magkaroon ng isang personal na teritoryo? (4) Paano tayo nakikinabang sa mga kaayusan ng panggrupong pagpapatotoo? Paano natin maisasaplano ang ating gawaing pagpapatotoo upang makatiyak na magagamit nating mabuti ang ating panahon?

Awit 222 at pansarang panalangin.

Linggo ng Dis. 29–Ene. 4

Awit 181

10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa lahat na ibigay ang kanilang mga ulat sa paglilingkod sa larangan.

15 min: Repasuhin ang Alok na Literatura sa Enero. Ipakita ang matatandang aklat na dito’y sapat ang suplay ng kongregasyon, at banggitin ang kapana-panabik na puntong mapag-uusapan na makatutulong sa paghahanda ng mga presentasyon. Ilakip ang isang pagtatanghal. Dapat nating ipagpatuloy ang ating mga pagsisikap na makapagsimula ng mga pag-aaral alinman sa brosyur na Hinihiling o sa aklat na Kaalaman.

20 min: “Kung Paano Mapananatili ang Kagalakan sa Buong-Panahong Paglilingkuran.” Pahayag ng isang matanda salig sa artikulo sa Setyembre 15, 1997 Bantayan, pahina 21-24.

Awit 215 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share