Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/97 p. 1
  • Magsalita Hinggil kay Jehova sa Araw-araw

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Magsalita Hinggil kay Jehova sa Araw-araw
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Gamitin sa Ikabubuti ang Kapangyarihan ng Dila
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Purihin si Jehova Bawat Araw
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
  • Laging Purihin si Jehova
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Mahal na Mahal Natin ang Ating Ama, si Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2020
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
km 12/97 p. 1

Magsalita Hinggil kay Jehova sa Araw-araw

1 Ang mga tao ay nasisiyahang magsalita hinggil sa mga bagay na mahal sa kanilang puso yamang sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang bibig. (Luc. 6:45b) Ano ba ang malapit sa ating puso? Ang salmista ay sumulat: “Hayaang ang aking dila ay pabulong na bumigkas ng iyong katuwiran at ng papuri sa iyo sa buong araw.” (Awit 35:28) Siya’y may malalim na pagpapahalaga kay Jehova at ibinilang na isang tunay na pribilehiyo na magsalita hinggil sa Diyos at purihin Siya sa bawat pagkakataon. Dahilan sa kilalang-kilala niya si Jehova, taglay ng salmista ang maraming mabubuting bagay upang magalak. (Awit 35:9) Paano natin matutularan ang kaniyang mainam na halimbawa?

2 Magsalita Hinggil kay Jehova sa Inyong Tahanan: Si Jehova ay dapat na maging isang paksa ng pag-uusap sa araw-araw sa loob ng pamilya. Ang mga magulang na may malaking pag-ibig kay Jehova ay likas na magsasalita hinggil sa kaniya sa lahat ng kanilang gawain. (Deut. 6:5-7) Habang ginagawa nila ito, makikita ng mga anak na ang kanilang ama at ina ay nabubuhay sa pananampalataya at nagmamahal sa batas ng Diyos. Kung gayon ay mamalasin ng mga anak ang pampamilyang pag-aaral sa Bibliya bilang isang tunay na kapahayagan ng makadiyos na debosyon ng kanilang mga magulang.—2 Ped. 3:11.

3 Magsalita Hinggil kay Jehova Kasama ng Inyong mga Kapatid: Sa teokratikong rutin natin linggu-linggo, bukas ang maraming pagkakataon upang pakanin ang ating isip at puso ng espirituwal na pagkain. Hindi tayo kailanman nagkukulang sa mabubuting bagay na maisasaysay. (Luc. 6:45a) May napulot ba kayong punto mula sa inyong personal na pag-aaral o sa lingguhang pagbabasa ng Bibliya na lubos ninyong ikinasiya? Ibahagi iyon sa inyong mga kapatid, anupat tinutulungan silang lumaki sa kanilang pag-ibig kay Jehova.—Awit 35:18; Heb. 10:24.

4 Magsalita sa Iba Hinggil kay Jehova: Sa ating pang-araw-araw na pakikitungo sa mga tao—sa trabaho, sa paaralan, at sa di-sumasampalatayang mga miyembro ng pamilya—dapat na makitang nakatutok ang ating buhay sa pagbibigay ng patotoo hinggil kay Jehova—ihambing ang Juan 18:37. Sa halip na mabahiran ng magaspang at di-pinong pananalita ng sanlibutan, ang ating pananalita ay dapat na pumuri sa Diyos. Sa araw-araw, sa lahat ng pagkakataon, magsalita sa iba hinggil sa mabuting balita na iniatas niya sa atin upang ipangaral.—Gawa 5:42; Col. 4:6.

5 Bilang tunay na mga mananamba ni Jehova, nawa’y samantalahin natin ang mga pagkakataon sa araw-araw upang magsalita hinggil sa ating walang-kaparis na Diyos, si Jehova.—Awit 106:47.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share