Teokratikong mga Balita
◼ Ang mga Saksi ni Jehova ay opisyal na narehistro sa Bulgaria noong Oktubre 7, 1998. Tayo ay nakikisama sa 946 na mamamahayag doon sa pagpapasalamat kay Jehova dahil sa kaganapang ito.
◼ Noong Oktubre 12, 1998, pinahintulutan ng pamahalaan ng Latvia na marehistro ang unang 2 sa 21 kongregasyon sa bansang iyan.
◼ Sa kabila ng pagsalansang, ang mga kapatid sa Pransiya ay nagtiyaga sa kanilang pangangaral ng Kaharian. Noong Nobyembre at Disyembre, isang kampanya na nilayong pukawin ang bansa na magbigay-pansin sa Bibliya ay nagtuon ng pansin sa isang pantanging pamamahagi ng brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao. Mga 50 Bethelite mula sa Pransiya ang nagtungo sa Britanya upang tumulong sa paglilimbag at sa gawaing pagpapadala sa sangay, samantalang ang natitirang 250 miyembro ng pamilyang Bethel sa Pransiya at ang mga kapatid sa larangan ay patuloy na maligayang naglingkod sa ilalim ng normal na mga kalagayan.