Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/99 p. 2
  • Mga Pulong sa Paglilingkod sa Pebrero

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong sa Paglilingkod sa Pebrero
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
  • Subtitulo
  • Linggo ng Pebrero 1
  • Linggo ng Pebrero 8
  • Linggo ng Pebrero 15
  • Linggo ng Pebrero 22
Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
km 2/99 p. 2

Mga Pulong sa Paglilingkod sa Pebrero

Linggo ng Pebrero 1

Awit 154

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ipaalaala sa lahat na magbigay ng ulat sa paglilingkod sa larangan para sa Enero.

17 min: “Ialok ang Aklat na Kaligayahan sa Pamilya sa mga Tao Anuman ang Edad.” Ipinakikipag-usap ng matanda ang artikulo sa dalawa o tatlong may-kakayahang mamamahayag. Magtuon ng pansin sa tunguhing tulungan ang iba na matantong ang lihim ng kaligayahan sa pamilya ay nakasalalay sa pagsunod sa payo ng Bibliya. (Tingnan ang Kaligayahan sa Pamilya, pahina 9-12.) Itanghal ang isa sa iminungkahing presentasyon. Ipakita kung paano magsasaayos ng isang pagdalaw-muli.

18 min: “Magbihis ng Bagong Personalidad.” Isang pahayag, na sinusuri ang Efeso 4:20-24. (Tingnan ang Marso 1, 1993, Bantayan, pahina 14-18, parapo 4-17.) Ipaliwanag kung paano natin hinuhubad ang lumang personalidad at ibinibihis ang bago.

Awit 4 at pansarang panalangin.

Linggo ng Pebrero 8

Awit 12

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.

15 min: Lokal na mga pangangailangan.

20 min: “Nakinabang Tayo Mula sa ‘Ang Daan ng Diyos Ukol sa Buhay’ na mga Kombensiyon.” Tanong-sagot. Ipakita ang bagong aklat at brosyur, at ipaliwanag kung paano natin magagamit ang mga ito sa ministeryo. Halimbawa, may 40 ilustrasyon sa bagong brosyur at mga pagsipi sa pasimula ng bawat seksiyon, na maaaring gamitin upang pukawin ang interes ng mga tao. Ipakita kung paano maitatampok ang huling seksiyon kapag nag-aalok ng isang pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Sa aklat na Creator, ang Kabanata 10 ay nagbibigay ng kasiya-siyang sagot sa isang tanong na ibinabangon ng maraming tao: “Kung nagmamalasakit ang Maylalang, bakit napakaraming pagdurusa?”

Awit 173 at pansarang panalangin.

Linggo ng Pebrero 15

Awit 40

10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita.

18 min: Paano Tayo Nakikinabang sa Pagpapatala sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro? Pagtalakay sa tagapakinig na pangangasiwaan ng tagapangasiwa ng paaralan. Ang layunin ng paaralan ay hindi lamang ang pagsasanay sa pangmadlang pagpapahayag. May iba pang paraan na doo’y tuwiran tayong nakikinabang. (Tingnan ang Giya sa Paaralan, pahina 12-13.) Natututo tayo kung paano makikipag-usap nang mas mainam sa ibang tao. Tinuturuan tayong magsalita nang malinaw, may tindig, at pagtitiwala sa sarili. Tayo’y nagiging bihasa sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa ating mga paniniwala at sa pagpapaliwanag sa ating salig-sa-Bibliyang mga pasiya. Lumalago ang ating kaalaman sa Bibliya, anupat tumutulong sa atin na maging higit na mabisa sa pagpapatotoo sa iba. Natututo tayong kumilala sa ating mga pagkukulang at tumanggap ng payo, anupat nasasanay tayong makitungo nang mas kaayaaya sa iba. Ang pangkalahatang pagsasanay na inilalaan ng paaralan ay tumutulong sa atin na manatiling “lubusang kuwalipikado” bilang mga ministro ng Diyos.—2 Cor. 3:5, 6.

17 min: “Kung Paano Nagtutulungan ang mga Miyembro ng Pamilya Para sa Lubusang Pakikibahagi—Sa Pag-aaral ng Bibliya.” Pag-uusap ng isang pamilya. Sinusuri nila kung paano nila ikinakapit ang mga mungkahi tungkol sa pampamilyang pagbabasa ng Bibliya at pag-aaral na masusumpungan sa Mayo 15, 1996, Bantayan, pahina 14-15, at sa Oktubre 15, 1992, Bantayan, pahina 16-17.

Awit 57 at pansarang panalangin.

Linggo ng Pebrero 22

Awit 170

10 min: Lokal na mga patalastas.

15 min: Sinusuri Mo ba ang Kasulatan Araw-Araw? Pahayag at pagtalakay sa tagapakinig. Bawat taon, ang Samahan ay naglalaan ng buklet na Pagsusuri sa Kasulatan. Ginagamit ba ninyong mabuti ang publikasyong ito bilang indibiduwal o bilang isang pamilya? Ipaliwanag ang kapaki-pakinabang na mga dahilan kung bakit dapat nating isaalang-alang ang teksto sa kasulatan araw-araw. Talakayin ang mga komento mula sa paunang-salita ng Pagsusuri sa Kasulatan Araw-Araw—1999, pahina 3-4. Anyayahan ang mga mamamahayag na ilahad ang pantanging pagsisikap na kanilang ginagawa upang regular na maisaalang-alang ang pang-araw-araw na teksto at mga komento bilang mga indibiduwal at mga pamilya.

20 min: Kung Paano Makasusumpong ng Kagalakan sa Paggawa ng Alagad. Isang pahayag salig sa Pebrero 15, 1996, Bantayan, pahina 19-22.

Awit 91 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share