Espesyal na Kampanya Oktubre 16–Nobyembre 12!
1 “Malapit Na ang Wakas ng Huwad na Relihiyon!” Ito ang pamagat ng Kingdom News Blg. 37, na ipamamahagi sa buong daigdig simula sa susunod na buwan. Sa unang kalahati ng Oktubre, iaalok natin ang magasing Bantayan at Gumising! Simula Lunes, Oktubre 16, hanggang Linggo, Nobyembre 12, puspusan nating ipamamahagi ang Kingdom News Blg. 37. Sa mga dulo ng sanlinggo ng kampanya, iaalok natin ito kasama ng mga bagong magasin.
2 Kung Sino ang Puwedeng Makibahagi: Nanaisin ng lahat ng aktibong mamamahayag ng mabuting balita na lubusang makibahagi rito. Baka makapag-auxiliary pioneer pa nga ang ilan. Mayroon ka bang anak o estudyante sa Bibliya na sumusulong sa espirituwal? Tulungan silang lumapit sa matatanda para malaman kung kuwalipikado na silang maging di-bautisadong mamamahayag. Kusang kakausapin ng matatanda ang di-aktibong mamamahayag upang pasiglahin silang makibahagi, marahil sa pamamagitan ng pagsama sa makaranasang mamamahayag.
3 Ipadadala sa lahat ng kongregasyon ang suplay ng Kingdom News Blg. 37 upang makakuha ang mga mamamahayag at mga payunir ng di-kukulangin sa 50 kopya. Kung hindi maubos ng ilang mamamahayag ang 50 kopya, puwedeng gamitin ng mga regular pioneer ang matitira. Ang mga interesado na hindi pa mamamahayag ay maaaring bigyan ng limang kopya upang may maipamahagi sila sa kanilang mga kapamilya at kaibigan. Dapat irekord ng lahat kung ilan ang kanilang naipamahagi at isulat ito sa likod ng kanilang ulat sa paglilingkod sa larangan sa katapusan ng Oktubre at Nobyembre. Tutuusin ng kalihim ang kabuuang naipamahagi ng kongregasyon at iuulat ito sa tanggapang pansangay sa katapusan ng bawat buwan. Ang mga natirang kopya ng Kingdom News pagkatapos ng kampanya ay maaaring gamitin sa anumang pitak ng ministeryo.
4 Kung Ano ang Sasabihin: Gawing maikli ang presentasyon, upang maipaabot nang mas malawak ang mensahe. Puwede mong sabihin: “Bilang paglilingkod sa publiko, kasama po ako sa pandaigdig na pamamahagi ng mahalagang mensaheng ito. Para sa inyo po ang libreng kopyang ito. Pakibasa po ninyo.” Makabubuting huwag nang magdala ng bag sa pagbabahay-bahay. Tiyakin lamang na mayroon kang rekord ng mga nagpakita ng interes.
5 Kung Paano Gagawin ang Teritoryo: Sa halip na ipamahagi ang Kingdom News sa lansangan, ituon ang pansin sa paggawa hangga’t maaari sa inyong buong teritoryo sa bahay-bahay at lugar ng negosyo. Itala ang mga bahay na walang tao, at sikaping balikan sa ibang pagkakataon o sa ibang araw ng linggong iyon. Simula Lunes, Nobyembre 6, maaaring mag-iwan ng kopya sa mga bahay na walang tao. Gayunman, kung ang kongregasyon ay may teritoryo pang hindi nagagawa sa loob ng itinakdang panahon, maaaring ipasiya ng matatanda na huwag iwanan ang Kingdom News sa mga bahay na walang tao sa panahon ng kampanya.
6 Napakalapit nang puksain ang “Babilonyang Dakila.” Dapat nang lumabas dito ang mga tao bago ito lubusang mapuksa. (Apoc. 14:8; 18:8) Magplano na ngayon para lubusang makabahagi sa pandaigdig na kampanyang ito upang ipaalam sa lahat na malapit na ang wakas ng huwad na relihiyon!