Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/00 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
  • Subtitulo
  • Linggo ng Enero 10
  • Linggo ng Enero 17
  • Linggo ng Enero 24
  • Linggo ng Enero 31
  • Linggo ng Pebrero 7
Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
km 1/00 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Enero 10

Awit 107

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.

15 min: “Paghahayag ng Pangalan ni Jehova sa Buong Lupa.” Tanong-sagot na pagtalakay. Ilakip ang mga komento hinggil sa di-pormal na pagpapatotoo mula sa aklat na Ating Ministeryo, mga pahina 93-4.

20 min: Maghanda Ngayon Upang Itaguyod ang Batas ng Diyos Hinggil sa Dugo. (Gawa 15:28, 29) Tatalakayin ng isang kuwalipikadong matanda ang kahalagahan ng paglalagay ng impormasyon sa Advance Medical Directive/Release card. Ang kinasihang patnubay sa Awit 19:7 ay nagpapakita na ang Gawa 15:28, 29 ay isang kapahayagan ng sakdal na batas ng Diyos hinggil sa dugo. Ipinakikita ng dokumentong ito ang inyong determinasyon na itaguyod ang batas na iyon at upang ito’y magsalita rin para sa inyo kapag hindi kayo makapagsalita sa ganang sarili. (Ihambing ang Kawikaan 22:3.) Pagkatapos ng pulong na ito, ang bautisadong mga Saksi ay bibigyan ng isang bagong card, at yaong mga may di-bautisadong menor-de-edad na mga anak ay tatanggap ng isang Identity Card para sa bawat bata. Ang mga card na ito ay hindi susulatan sa gabing ito. Ang mga ito ay maingat na susulatan sa bahay subalit HINDI pipirmahan. Ang pagpirma, pagsaksi, at pagpepetsa ng lahat ng card ay gagawin sa susunod na Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat, sa ilalim ng superbisyon ng konduktor ng pag-aaral sa aklat. Bago pirmahan, tiyakin na lubusang nasulatan ang mga card. Dapat na aktuwal na makita ng mga pipirma bilang mga saksi na pinipirmahan ng may-ari ng card ang dokumento. Sa pamamagitan ng pag-aangkop ng mga salita mula sa card na ito sa kanilang sariling kalagayan at paniniwala, maaaring isulat ng mga di-bautisadong mamamahayag ang kanilang sariling direktiba para gamitin nila at ng kanilang mga anak.

Awit 155 at pansarang panalangin.

Linggo ng Enero 17

Awit 12

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.

15 min: Lokal na mga pangangailangan.

20 min: “Gamitin ang mga Tract Upang Pasimulan ang mga Pakikipag-usap.” Repasuhin ang alinman sa apat na tract na karaniwang ginagamit sa teritoryo. Magharap ng katanungang sinasagot sa bawat tract. Anyayahan ang tagapakinig na magbigay ng mungkahi kung paanong ang katanungan ay magagamit upang mapasimulan ang isang pakikipag-usap at maaaring humantong sa isang pag-aaral sa Bibliya. Itanghal kung paano ito magagawa sa pamamagitan ng dalawa sa mga tract.

Awit 57 at pansarang panalangin.

Linggo ng Enero 24

Awit 110

10 min: Lokal na mga patalastas at mga karanasan sa paglilingkod sa larangan.

15 min: “Isaalang-alang ang Salita ni Jehova Araw-Araw!” Pahayag at pagtalakay sa tagapakinig. Pasiglahin ang bawat isa na gamiting mabuti ang Pagsusuri sa Kasulatan Araw-Araw—2000. Ilakip ang mga komento mula sa paunang-salita, mga pahina 3-4. Anyayahan ang mga mamamahayag na ilahad kung paano sila gumagawa ng pantanging pagsisikap na maisaalang-alang ang teksto at mga komento bawat araw.

20 min: “Ang Ating Bukas-Palad na Pagsuporta sa Gawaing Pang-Kaharian.” Tanong-sagot na pangangasiwaan ng isang matanda. (Tulungan ang mga kapatid na mapahalagahan ang pribilehiyo at pananagutang magbigay ng pinansiyal na suporta sa gawain.)

Awit 157 at pansarang panalangin.

Linggo ng Enero 31

Awit 16

10 min: Lokal na mga patalastas. Ipagunita sa lahat na ibigay ang kanilang mga ulat sa paglilingkod sa larangan para sa Enero. Banggitin ang alok na literatura sa Pebrero: Aklat na Kaligayahan sa Pamilya. Itanghal kung paanong ang tatlong katanungan sa kahon sa pahina 12 ng aklat ay maaaring gamitin bilang saligan ng pakikipag-usap sa kaninuman.

10 min: Ang Sagot sa Isang Katanungan Tungkol sa ‘Pagtatatak.’ Pahayag ng isang matanda, salig sa Hulyo 15, 1999, Bantayan, pahina 29-31.

25 min: “Paggamit ng Internet—Maging Alisto sa mga Panganib Nito!” Tanong-sagot na pagtalakay sa parapo 1-18. Basahin ang parapo 4-7, 12, 16, 17. Pasiglahin ang lahat na maghandang mabuti para sa pagtalakay sa susunod na linggo ng parapo 19-36.

Awit 60 at pansarang panalangin.

Linggo ng Pebrero 7

Awit 113

5 min: Lokal na mga patalastas.

15 min: Repasuhin ang Aklat ng Hula ni Daniel. Pahayag at pagtalakay sa tagapakinig. Repasuhin ang mga tampok na bahagi ng bagong aklat: nakatatawag-pansin na mga pamagat ng kabanata, maliwanag na mga ilustrasyon, mga kahong nagtataglay ng nagsisiyasat na mga tanong sa katapusan ng bawat pagtalakay, mga mapa at mga tsart na nagbibigay-liwanag sa mga detalye. Isaalang-alang ang mga paliwanag kung paanong si Miguel ay “tatayo” sa isang pantanging paraan. (pahina 288-90) Talakayin ang kahalagahan ng ating pagbabata bilang mga guro ng Salita ng Diyos. (pahina 311-12) Dapat na maingat na basahin nating lahat ang aklat at himukin ang mga taong interesado na gayon din ang gawin.

25 min: “Paggamit ng Internet—Maging Alisto sa mga Panganib Nito!” Tanong-sagot na pagtalakay sa parapo 19-36. Basahin ang parapo 23-5 at 34-6.

Awit 182 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share