Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Hunyo 12
8 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
15 min: “Ang Inyong Pagpapagal ay Hindi sa Walang Kabuluhan.” Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng pagtalakay sa pamamagitan ng tanong-sagot. Ilakip ang mga komento sa karanasang inilahad sa Hunyo 15, 1996, Bantayan, pahina 32.
22 min: Pagpapasimula ng mga Pag-aaral sa Pamamagitan ng Brosyur na Hinihiling. Isang pahayag, na nirerepaso ang Enero 1999 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 6. Itanghal ang mungkahing presentasyon sa parapo 6. Ipalahad nang maikli sa isa o dalawang mamamahayag ang kanilang tinamong tagumpay sa pagpapasimula ng mga pag-aaral, na sinasabi kung paano nila inialok ang pag-aaral at kung ano ang kanilang ginawa upang maipagpatuloy ang pag-aaral linggu-linggo.
Awit 209 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hunyo 19
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
10 min: Pahayag ng isang matanda sa “Tanong” sa pahina 3.
25 min: “Paano Ko Ngang Magagawa . . . Malibang May Umakay sa Akin?” Tanong-sagot na pagtalakay sa pangangasiwa ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Ipabasa nang malakas ang bawat parapo, at basahin ang mga kasulatan sa parapo 3, 4, at 7. Kapag sinasaklaw ang parapo 6, ipaliwanag ang papel ng tagapangasiwa sa paglilingkod sa pagtiyak kung kailangang pagdausang muli o hindi ng personal na pag-aaral sa Bibliya ang mga taong bautisado.—Tingnan ang Tanong sa Nobyembre 1998 ng Ating Ministeryo sa Kaharian.
Awit 89 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hunyo 26
10 min: Lokal na mga patalastas. Ipagunita sa mga mamamahayag na ibigay ang mga ulat sa paglilingkod sa larangan para sa Hunyo. Repasuhin ang alok na literatura sa Hulyo. Banggitin kung aling mga brosyur ang makukuha, at magkaroon ng isang inihandang mabuti na pagtatanghal na nagpapakita kung paano iaalok sa ministeryo ang brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao.
17 min: “Maging Mapagbigay, Handang Mamahagi.” Tanong-sagot. Ilakip ang apat na dahilan “Kung Bakit Tayo Nagbibigay” na nakabalangkas sa Nobyembre 1, 1996, Bantayan, pahina 29-30.
18 min: Alamin Kung Paano Magbibigay ng Sagot. (Col. 4:6) Pahayag at pagtalakay sa tagapakinig. Ano ang inyong ginagawa kapag nakasusumpong kayo ng indibiduwal na nagbabangon ng hindi maka-Kasulatang pangangatuwiran? Ang aklat na Nangangatuwiran ay kadalasang nagbibigay sa atin ng tulong sa pamamagitan ng paglalaan ng praktikal na mga mungkahi kung paano magbibigay ng mataktikang kasagutan. Halimbawa, maraming tao ang kumbinsido na ang kamatayan ay di-maiiwasan, at naglalagak pa nga ng pananampalataya sa huwad na paniniwala sa reinkarnasyon. Talakayin ang mga pagtugon na iminungkahi sa aklat na Nangangatuwiran sa seksiyong “Kung May Magsasabi—” sa pahina 110-11 at 358 (p. 103-4 at 321 sa Ingles). Pasiglahin ang lahat na dalhin ang aklat sa ministeryo sa larangan.
Awit 44 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hulyo 3
10 min: Lokal na mga patalastas. Hilingin sa mga mamamahayag na nakapagsimula sa brosyur na Hinihiling na ilahad kung paano ito naisagawa.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
20 min: Ang Pagkakapit ng mga Simulain sa Bibliya ay Nagpapatibay ng Buhay Pampamilya. Pagtalakay sa pagitan ng dalawang kapatid na lalaki, salig sa walong puntong sinaklaw sa aklat na Nangangatuwiran, pahina 267-8 (p. 253-4 sa Ingles). Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagtulong sa mga estudyante sa Bibliya na matutuhang ang lihim ng kaligayahan sa pamilya ay nasa pagkaunawa at pagkakapit ng mga simulain sa Salita ng Diyos. Ginagamit ang araling 8 ng brosyur na Hinihiling, itanghal kung paano ito maisasagawa. Ang mga pamilyang tumutugon sa payo ng Bibliya ay napapalapit sa isa’t isa at nakasusumpong ng higit na kagalakan sa matalik na mga buklod ng pag-ibig at pagkakaisa. Ilahad ang karanasan sa aklat na Kaligayahan sa Pamilya, kabanata 13, parapo 1, 21-2.
Awit 51 at pansarang panalangin.