Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Enero 14
15 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Talakayin ang kahong “Binuong mga Bagong Korporasyon.” Gayundin, ang “Bagong Programa ng Pantanging Araw ng Asamblea.” Ipatalastas ang petsa ng susunod na pantanging araw ng asamblea, at himukin ang lahat na daluhan ang buong programa. Pasiglahin ang mga mamamahayag na anyayahan ang bagong mga taong interesado at mga estudyante sa Bibliya.
20 min: Pakikinabang Mula sa Maibiging mga Kaayusan. Tatalakayin ng kuwalipikadong matanda ang kahalagahan ng paglalagay ng impormasyon sa Advance Medical Directive/Release card. Ang kinasihang tagubilin sa Awit 19:7 ay nagpapakita na ang Gawa 15:28, 29 ay isang kapahayagan ng sakdal na kautusan ng Diyos hinggil sa Dugo. Ipinahahayag ng dokumentong ito ang inyong determinasyon na itaguyod ang kautusang iyon at upang ito’y mangusap para sa inyo kapag hindi na kayo makapagsasalita para sa inyong sarili. (Ihambing ang Kawikaan 22:3.) Pagkatapos ng pulong na ito, bibigyan ang bautisadong mga Saksi ng isang bagong card, at yaong may di-bautisadong mga anak na menor-de-edad ay tatanggap ng isang Identity Card para sa bawat bata. Ang mga card na ito ay hindi susulatan sa gabing ito. Ang mga ito ay dapat na maingat na punan sa tahanan subalit HINDI pipirmahan. Ang pagpirma, pagsaksi, at pagpepetsa ng lahat ng card ay gagawin pagkatapos ng susunod na Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat, sa ilalim ng pangangasiwa ng konduktor ng pag-aaral sa aklat. Bago pirmahan, titiyakin na ang mga card ay napunan nang kumpleto. Dapat aktuwal na makita ng mga pumipirma bilang mga saksi na pinipirmahan ng may-ari ng card ang dokumento. Sa pamamagitan ng pagtulad sa paraan ng pananalita ng card na ito batay sa kanilang mga kalagayan at mga paninindigan, maaaring gumawa ang mga di-bautisadong mamamahayag ng kanilang sariling direktiba para magamit nila at ng kanilang mga anak.
10 min: “Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin.” Pagtatanghal kung paano ihaharap ang Enero 15 ng Bantayan at ang Enero 22 ng Gumising! Pasiglahin ang lahat ng mamamahayag na suportahan ang Araw ng Magasin.
Awit 55 at pansarang panalangin.
Linggo ng Enero 21
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Talakayin ang kahon na “Magbukod ng Anumang Maiipon” sa pahina 5.
13 min: Sinusuri Mo ba ang Kasulatan Araw-Araw? Talakayan ng isang pamilya. Upang mapasulong pa ang mga kapakinabangang natatamo sa kanilang pang-araw-araw na pagtalakay ng teksto, kanilang isasaalang-alang ang Disyembre 15, 1996 ng Bantayan, pahina 18, parapo 13-14. Repasuhin sa maikli ang kamakailan ay nakubrehang mga teksto sa loob ng dalawa o tatlong araw, at ipaliwanag kung paano lalong naging kapaki-pakinabang ang impormasyon. Idiin na ang paglalaang ito ay dapat na maging isang bahagi ng programa ng regular na pampamilyang pag-aaral sa Bibliya na dinisenyo upang mapanatili silang aktibo sa espirituwal.
22 min: “Patuloy na Unahin ang Kaharian.”a Ilakip ang ilang tanong sa mga pangunahing punto mula sa Setyembre 1, 1998 ng Bantayan, pahina 19-21.
Awit 168 at pansarang panalangin.
Linggo ng Enero 28
10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod para sa Enero. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga mungkahi sa pahina 8, itanghal ang dalawang maikling presentasyon sa magasin, ang isa na ginagamit ang Pebrero 1 ng Bantayan at ang isa naman ay ginagamit ang Pebrero 8 ng Gumising! Banggitin ang alok na literatura sa Pebrero, na itinatampok ang mga aklat na nasa istak ng kongregasyon.
15 min: “Mga Magulang—Sanayin ang Inyong mga Anak Mula sa Pagkasanggol.”b Ilakip ang mga komento sa Abril 15, 1998 ng Bantayan, pahina 32. Anyayahan ang mga magulang na ilahad ang mabubuting resulta na kanilang natamo sa pamamagitan ng pagpapasimula ng espirituwal na pagsasanay sa kanilang mga anak sa pagkasanggol.
20 min: “Pasulungin ang Inyong mga Kakayahan sa Pang-unawa.” Isang matanda ang mangangasiwa ng isang masiglang pagrerepaso sa programa ng pantanging araw ng asamblea na idinaos noong nakaraang taon ng 2001.
Awit 202 at pansarang panalangin.
Linggo ng Pebrero 4
10 min: Lokal na mga patalastas.
20 min: “Paano Nila Maririnig?”c Humiling ng mga komento mula sa tagapakinig kung paano kumakapit ang mga kasulatan. Ilakip ang mga tanong para sa parapo 17-18 sa pahina 20 ng Agosto 15, 1998 ng Bantayan.
15 min: “Bagong Programa ng Pansirkitong Asamblea.” Isang pahayag. Ipatalastas ang petsa ng susunod na pansirkitong asamblea. Ang lahat ay dapat gumawa ng pantanging pagsisikap na anyayahan ang mga estudyante sa Bibliya. Pasiglahin ang di-bautisadong mga mamamahayag na taimtim na pag-isipan ang tungkol sa pagsasagisag ng kanilang pag-aalay kay Jehova sa susunod na asamblea. Himukin ang lahat na daluhan ang dalawang sesyon bawat araw.
Awit 224 at pansarang panalangin.
[Mga Talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
c Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.