Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Enero 12
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 4, itanghal kung paano ihaharap ang Enero 15 ng Bantayan at Enero 22 ng Gumising! Sa bawat pagtatanghal, ang dalawang magasin ay dapat na magkasamang ialok, kahit na isa lamang ang itatampok.
15 min: “Ang Nakahihigit na Halaga ng Karunungan Mula sa Diyos.”a Kapag may oras pa, anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento hinggil sa binanggit na mga teksto.
20 min: Paano Ka Pumipili ng Iyong mga Kasama? Pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig salig sa aklat na Sambahin ang Diyos, pahina 47-9. Ginagamit ang mga tanong at binanggit na mga teksto sa parapo 13, anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento sa mga simulain sa Bibliya na dapat gumabay sa atin sa pagpili natin ng mga kasama.
Awit 186 at pansarang panalangin.
Linggo ng Enero 19
5 min: Lokal na mga patalastas.
10 min: Pahayag ng isang matanda na sumasaklaw sa materyal sa “Tanong.”
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
15 min: “Paano Natin Matutulungan ang Di-Saksing mga Kabiyak?”b Kapanayamin ang isa o dalawa na naging mga lingkod ni Jehova dahil sa mainam na halimbawa na ipinakita ng kanilang kabiyak na tumanggap ng katotohanan.
Awit 73 at pansarang panalangin.
Linggo ng Enero 26
12 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Paalalahanan ang mga mamamahayag na ibigay ang kanilang ulat ng paglilingkod sa larangan para sa buwan ng Enero. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 4, itanghal kung paano ihaharap ang Pebrero 1 ng Bantayan at Pebrero 8 ng Gumising! Sa bawat pagtatanghal, ang dalawang magasin ay dapat na magkasamang ialok, kahit na isa lamang ang itatampok. Sa isa sa mga presentasyon, itanghal kung paano mo maaaring ialok ang mga magasin sa isang kapitbahay.
15 min: Ikapit ang Salita ng Diyos sa Iyong Buhay sa Araw-araw. Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Pasiglahin ang lahat na gamiting mabuti ang Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2004. Talakayin ang mga komento sa paunang salita, pahina 3-4. Tanungin ang mga tagapakinig kung ano ang personal nilang nasumpungan na pinakamagandang oras para isaalang-alang ang pang-araw-araw na teksto. Talakayin sa kongregasyon ang teksto at mga komento para sa araw na ito. Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento kung paano tayo makagagawa ng praktikal na pagkakapit sa impormasyon. Pasiglahin ang lahat na isaalang-alang sa maikli kung paano nila maikakapit ang materyal kapag tinatalakay nila ang teksto sa araw-araw.
18 min: Linangin ang Pakikipagkaibigan sa mga Kapananampalataya. (Kaw. 18:24; 27:9) Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig salig sa Disyembre 1, 2000, Bantayan, pahina 22-3. Ang isa sa mga pagpapala ng tunay na pagsamba ay ang pagkakataon na magkaroon ng tunay na mga kaibigan. Ang ating pakikipagsamahan sa mga pagpupulong, sa paglilingkod sa larangan, at sa iba pang mga pagkakataon ay naglalaan ng mayamang pinagmumulan ng pampatibay-loob. Paano natin malilinang ang pakikipagkaibigan sa iba sa loob ng kongregasyon? Repasuhin ang kahon na “Anim na Hakbangin Tungo sa Nagtatagal na Pagkakaibigan,” at anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento kung paano maikakapit ang bawat punto sa ating pakikitungo sa ating mga kapatid.
Awit 177 at pansarang panalangin.
Linggo ng Pebrero 2
10 min: Lokal na mga patalastas. Banggitin ang alok na literatura sa Pebrero. Repasuhin ang mga presentasyon sa pag-aalok ng Maging Malapít kay Jehova sa Ating Ministeryo sa Kaharian ng Mayo 2003, pahina 7.
20 min: “Manatiling Mahigpit na Nagbabantay sa Iyong Paggamit ng Panahon.”c Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento kung ano ang ginagawa nila upang hindi makahadlang ang di-mahahalagang gawain sa espirituwal na mga gawain.
15 min: Tularan si Pablo Gaya ng Pagtulad Niya kay Kristo. (1 Cor. 11:1) Pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Tulad ni Jesus, sinamantala ni Pablo ang mga pagkakataon para makapagpatotoo sa “mga nagkataong naroroon.” (Gawa 17:17) Anu-ano ang mga pagkakataon upang magawa ito sa ating teritoryo? Sino ang mga “naroroon” kapag tayo ay namimili, nasa trabaho o paaralan, o sumasakay sa pampublikong transportasyon? Sino ang maaaring makausap natin kapag nasa bahay tayo? Anyayahan ang mga tagapakinig na ilahad ang kanilang mga naging karanasan sa pagpapatotoo sa mga tao na nakakatagpo nila sa pang-araw-araw na gawain.
Awit 151 at pansarang panalangin.
[Mga Talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.