Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Mar. 15
“Pinupuri ng mga tao sa buong daigdig ang mga turo ni Jesus. [Basahin ang pagsipi sa pahina 3, parapo 1.] Pero sa palagay mo kaya ay makatutulong sa ngayon ang mga turong iyon, gaya ng halimbawang masusumpungan sa tekstong ito? [Basahin ang Mateo 5:21, 22a. Pagkatapos ay hayaang sumagot.] Tinatalakay ng magasing ito ang mga itinuro ni Jesus at kung paano tayo makikinabang dito.”
Gumising! Mar. 22
“Gustung-gusto ng maraming tao ang mga bundok dahil sa kagandahan ng mga ito, pero alam mo bang mahalaga rin ang mga ito sa buhay sa lupa? [Hayaang sumagot.] Tinatalakay ng magasing ito kung bakit natin kailangan ang mga bundok at kung ano na ang nangyayari sa mga ito sa ngayon. Binabanggit din dito kung paano ililigtas ng Maylalang ang mahalagang pinagmumulang ito ng yaman.” Basahin ang Awit 95:4.
Ang Bantayan Abr. 1
“Narinig mo na bang sinabi na magkasalungat daw ang siyensiya at Bibliya? [Hayaang sumagot.] Sinusuri ng magasing ito ang kasaysayan ng pagkakasalungatan ng siyensiya at relihiyon. Subalit inihaharap din nito ang ebidensiya na nagpapakitang kasuwato ng Bibliya ang tunay na siyensiya.” Ipakita ang pahina 6-7. Pagkatapos ay basahin ang Eclesiastes 1:7.
Gumising! Abr. 8
“Sa palagay mo, paano kaya matutulungan ng mga magulang ang kanilang mga anak na maiwasan ang mga problema sa mahihirap na taon ng pagkatin-edyer? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Isaias 48:17, 18.] Ipinakikita ng magasing ito kung paanong ang pagkakapit ng mga payo ng Bibliya ay makatutulong sa mga magulang na pasulungin ang mabuting pakikipagtalastasan sa kanilang mga anak at magtakda ng makatuwirang mga hangganan para sa kanila.”