Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Mar. 15
“Karamihan sa atin ay nakaranas nang mamatayan ng mahal sa buhay. Pamilyar ka ba sa nakaaaliw na pangakong ito? [Basahin ang Gawa 24:15. Pagkatapos ay hayaang sumagot.] Gayunman, marami ang nag-iisip, Sino ang bubuhaying-muli? Kailan ito mangyayari? Saan ito magaganap? Mababasa mo sa magasing ito ang mga sagot ng Bibliya sa mga tanong na ito.”
Gumising! Mar.
“Maraming tao ang naniniwala na si Jesus ang Diyos. Kapansin-pansin, tinukoy siya ng alagad ni Jesus na si Pedro bilang Anak ng Diyos. [Basahin ang Mateo 16:16.] Sa palagay mo, posible kayang maging kapuwa Diyos at Anak ng Diyos si Jesus? [Hayaang sumagot.] Sinusuri ng artikulo sa pahina 12-13 ang tanong na ito at tinatalakay nito kung ano ang pangmalas ng Bibliya.”
Ang Bantayan Abr. 1
“Ang bantog na kasabihang ito ay nagpapakita sa kahalagahan ng pagkuha ng kaalaman ng Diyos. [Basahin ang Mateo 4:4.] Gayunman, nahihirapan ang maraming tao na maunawaan ang Salita ng Diyos. Ganiyan din ba ang nadarama mo? [Hayaang sumagot.] Ang magasing ito ay nagbibigay ng praktikal na mga mungkahi na makatutulong sa iyo na maunawaan ang Bibliya.”
Gumising! Abr.
“Maraming tao ang gumagawa ng lahat ng paraan para lumigaya, subalit waring iilan lamang ang talagang maligaya. Sa palagay mo ba’y makatutulong ang alinman sa mga bagay na nakalista rito upang maging mas maligaya ang mga tao? [Ipakita ang kahon sa pahina 9. Pagkatapos ay basahin ang isa sa binanggit na teksto.] Tinatalakay ng isyung ito ng Gumising! ang salig-Bibliyang resipi ng tunay na kaligayahan.”