Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/06 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Subtitulo
  • Linggo ng Disyembre 11
  • Linggo ng Disyembre 18
  • Linggo ng Disyembre 25
  • Linggo ng Enero 1
Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
km 12/06 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Disyembre 11

Awit 174

15 min: Lokal na mga patalastas. Talakayin ang “Bagong Programa ng Araw ng Pantanging Asamblea.” Gamit ang mga mungkahi sa pahina 8 o iba pang presentasyon na angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Disyembre 15 ng Bantayan at Disyembre ng Gumising! Sa isa sa mga pagtatanghal, ipakita kung paano haharapin ang posibleng pagtutol na “Hindi ako interesado.”—Tingnan ang aklat na Nangangatuwiran, p. 16.

15 min: Ang Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa 2007. Pahayag at mga panayam na gagampanan ng tagapangasiwa ng paaralan. Talakayin ang mga puntong kailangang idiin sa inyong kongregasyon mula sa insert ng Nobyembre 2006 ng Ating Ministeryo sa Kaharian. Ipaliwanag na hindi patiunang sasabihin ng tagapangasiwa ng paaralan kung ano ang kalidad sa pagsasalita na ikakapit ng estudyante. Yamang matatapos natin sa 2007 ang pagbasa sa Hebreong Kasulatan mula Isaias 24 hanggang sa katapusan ng Malakias, naaangkop ang taóng ito para gamitin ng mga kapatid na inatasang maghanda ng mga tampok na bahagi sa Bibliya at ng mga magkokomento ang ating mga publikasyon na nagpapaliwanag sa makahulang mga aklat na ito. Kapanayamin ang dalawa o tatlong mamamahayag na kabilang sa mga sumusunod: baguhang estudyante, kabataang estudyante na mahusay ang pagsulong, at isang makaranasang estudyante. Ipalahad sa kanila ang naging mga epekto ng paaralan sa kanilang ministeryo at espirituwalidad. Pasiglahin ang lahat na maging masikap sa pagganap sa kanilang mga atas, pagkokomento sa tampok na mga bahagi sa Bibliya, at pagkakapit ng mga mungkahing ibinibigay linggu-linggo mula sa Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo.

15 min: “Huwag Mong Iwan ang Pag-ibig na Taglay Mo Noong Una.”a Kung may oras pa, anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento sa binanggit na mga teksto.

Awit 193 at pansarang panalangin.

Linggo ng Disyembre 18

Awit 150

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Repasuhin ang mga punto sa “Tanong.” Banggitin sa maikli ang pantanging mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan para sa Disyembre 25 at Enero 1.

15 min: “Balikan ang Lahat ng Nagpapakita ng Kahit Kaunting Interes.”b Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento kung paano nila nakukuha ang numero ng telepono at adres ng interesadong mga tao na nakakausap nila kapag nagpapatotoo nang di-pormal o sa lansangan at ipalahad sa kanila ang anumang natatanging mga karanasan sa pagdalaw-muli sa gayong mga tao. Maaaring isaayos nang patiuna ang isa o dalawang komento.

20 min: “Nagdudulot ng mga Pagpapala ang Espiritu ng Pagboboluntaryo.”c Kapanayamin ang isa o dalawang mamamahayag na kilala sa kanilang espiritu ng pagboboluntaryo. Paano nila ipinakikita ang espiritu ng pagboboluntaryo? Anong mga pagbabago ang kinailangan nilang gawin, at paano nila nagawa ito? Anu-anong pagpapala ang tinamasa nila?

Awit 108 at pansarang panalangin.

Linggo ng Disyembre 25

Awit 210

15 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa mga donasyong ipinadala. Talakayin ang “Bagong Programa ng Pansirkitong Asamblea.” Gamit ang mga mungkahi sa pahina 8 o iba pang presentasyon na angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Enero 1 ng Bantayan at ang Enero ng Gumising! Sa katapusan ng bawat presentasyon, magbangon ng pumupukaw-kaisipang tanong na maaaring sagutin sa susunod na pagdalaw gamit ang aklat na Itinuturo ng Bibliya.

15 min: Lokal na mga pangangailangan.

15 min: “Mayroon Ka Bang Personal na Teritoryo?”d Banggitin ang maikling komento ng tagapangasiwa sa paglilingkod hinggil sa lawak ng teritoryong nakaatas sa kongregasyon, kung gaano kadalas nakukubrehan ang teritoryo, at kung may makukuhang personal na mga teritoryo.

Awit 219 at pansarang panalangin.

Linggo ng Enero 1

Awit 158

5 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Disyembre.

15 min: Pag-uulat ng Pagsulong sa Ministeryo. Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig batay sa Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova, mula sa subtitulo sa pahina 83 hanggang sa katapusan ng kabanata.

25 min: “Magplano Na Ngayong Mag-auxiliary Pioneer!”e Kapag tinatalakay ang parapo 8, banggitin ang petsa ng susunod na dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito, kung alam na ito. Kapanayamin ang isa o dalawang mamamahayag na nag-auxiliary pioneer kamakailan. Anu-anong pagbabago ang ginawa nila sa kanilang iskedyul? Paano sila nakinabang? Kung mayroon, maaaring isama sa mga kakapanayamin ang isa na nakapag-auxiliary pioneer sa tulong at suporta ng mga kapamilya.

Awit 65 at pansarang panalangin.

[Mga talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

d Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

e Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share